12

2.3K 82 1
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

LABING-DALAWA

"Siguro naman hindi na kita kailangang kumustahin pa dahil mukhang ok na ok ka naman at ang naging buhay mo sa nagdaang mga taon na hindi tayo nagkita..." sabi ni Harold kay Gun. Ipinatong nito sa maliit na gitnang mesa ang dalawang baso ng orange juice na kinuha nito mula sa juice dispenser niya dito sa loob ng kanyang office.

Napangiti naman si Gun habang nakatingin kay Harold. Nakaupo naman ito ng nakadekwatro sa sofa.

"Oo naman... Ok na ok ako lalo na ngayon at nagkita tayong muli..." sabi ni Gun.

Napatango naman si Harold. Humila ito ng isang upuan mula sa tapat ng kanyang office desk at hinarap niya iyon kay Gun at doon naupo.

Napabuntong-hininga ito. "And sorry pala kasi... Hindi kita kaagad nakilala... Ang laki kasi ng ipinagbago ng itsura mo buhat ng huli kitang makita..." sabi pa ni Harold.

Muling napangiti si Gun. Hindi pa rin nawawala dito ang pagiging palangiti.

"Sus wala iyon... Hindi naman kasi kita masisisi diyan kung hindi mo kaagad ako makilala kasi ang laki talaga ng ikinagwapo ng mukha ko di ba?" pabirong sabi nito sabay ngiti na naman pero this time, nakakalokong ngiti ang kumurba sa labi nito.

Napailing si Harold at natatawa. "Ikaw talaga... 'yan lang ang hindi nagbago sayo... ang pagiging over confident sa sarili at pagiging mayabang..." sabi nito.

"Ako? Mayabang? Over-confident? Hindi kaya... I'm just stating the fact... Kitang-kita naman ang ebidensya ng pagiging super gwapo ko di ba? Hahaha..." sabi ni Gun ng natatawa.

"Oo nga pala... Bakit mo nga pala ako hinalikan nung nasa bar tayo? Remember that? Last night yata iyon..." tanong ni Harold.

"Ah... eh..." sabi ni Gun at napaiwas ng tingin. "Kasi gusto ko ng makipaghiwalay sa girlfriend ko kaya gumawa ako ng dahilan para hiwalayan niya ako kaya humila na lang ako ng tao para biglang halikan... And presto, hiwalay na kami... Di ba ang galing ko?" sabi ni Gun na nakatingin na ngayon kay Harold. Natatawa pa ito sa kanyang ginawa.

Napailing si Harold pero natatawa. "Ang galing mo nga... Hanggang ngayon ba naman, playboy ka pa rin..." sabi ni Harold. "Saka teka nga, bakit sa dinami-dami ng pwedeng hilahin mo dun para halikan, bakit ako pa? talagang ako pa..." tanong muli nito.

Muling napaiwas ng tingin si Gun kay Harold. "Ah kasi... Nakilala kita... So since na kakilala naman kita... ikaw na lang ang hinalikan ko..." palusot na sabi nito. "Whoo..." sabi pa nito pero pabulong lang.

Napatango na lamang si Harold. "Mabuti ka pa at nakilala at namukhaan mo ako..." sabi ni Harold.

"Syempre naman..." sabi ni Gun.

"Daddy... Who's he?" tanong naman ni Kiel na nakaupo sa may carpeted floor at nakatingin sa kanilang dalawa habang hawak-hawak nito ang laruan. Iniwan muna siya ng yaya nito sa kanila kasi iyon ang gusto ni Kiel. Tunay ngang na-miss nito ang ama na makasama dahil naging busy rin kasi si Harold sa office.

Napatingin sila kay Kiel. Tumayo si Gun mula sa kinauupuan at nilapitan si Kiel. Tumabi siya rito sa pagkakaupo ng naka-indian sit. Ningitian niya ito.

"Hi Little boy..."

"I'm not little boy anymore..." sabi kaagad ni Kiel.

Natawa si Gun. "Ah... I see... So you're a big boy now?" tanong ni Gun sa inosenteng bata. Tumango naman si Kiel.

"Ok... Big Boy..." sabi ni Gun.

"So who are you Mr.?" tanong ni Kiel kay Gun.

Napatingin sa Gun kay Harold. Napangiti. "Kamukhang-kamukha mo naman itong anak mo... Pati yata pagiging pormal at seryoso... Minana sayo..." natatawang sabi ni Gun.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon