27

1.8K 72 0
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

DALAWAMPU'T-PITO

************* MEMORIAL PARK...

"Anton..." pagtawag ni Harold kay Anton. Nakatayo ito sa bandang likuran ni Anton na nakaupo naman sa may damuhan sa tabi ng lapida ni Hayley. Kanina pa natapos ang libing at nakauwi na ang halos karamihan ng dumalo pero nandito pa rin sila hanggang ngayon.

Napatingala at napatingin ang mga namumugtong mga mata ni Anton kay Harold. Halata rito na kanina pa ito umiiyak simula ng mag-umpisa ang paghahatid nila sa huling hantungan ni Hayley hanggang sa ilibing na nga ang labi nito.

Napabuntong-hininga si Harold ng makita ang itsura ni Anton. Ramdam na ramdam niya ang sakit na bumabalot sa puso nito dahil sa pagkawala ng nag-iisa nitong kapatid at kasama sa buhay.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Harold kay Anton.

Napailing si Anton sabay iwas na muli ng tingin kay Harold at muling tumingin sa lapida ni Hayley. "Dito muna ako..." sabi nito sabay pagbuntong-hininga.

Namayani ang katahimikan. Tanging ang paghampas ng medyo may kalakasan na simoy ng hangin ang tanging maririnig ngayon sa pagitan ng dalawa.

Muling napatingala at napatingin si Anton kay Harold. Muli itong napabuntong-hininga.

"Pwede bang samahan mo muna ako kahit ngayon na lang?" sabi nito kay Harold.

Bahagyang nagulat si Harold sa hiling ni Anton. Kaagad siyang napatingin sa hindi kalayuan kung saan nakatayo mula roon si Gun katabi ang kotse na dala-dala nito kung saan nasa loob naman nun ay ang mommy niya at si Kiel.

Tumango na lamang si Gun ng tingnan siya ni Harold. Sa tingin pa lang kasi nito, alam na niya kung anong nais nitong ipahiwatig at sabihin. Gustuhin man niya na tumutol at hindi payagan si Harold pero sabi nga niya noon pa, wala siyang karapatan para pagbawalan ito sa mga nais nito. Masakit man sa kanya na lagi niyang naiiwan si Harold sa kamay ng itinuturing niyang karibal sa puso nito, wala siyang magagawa kundi ang payagan itong makasama ito.

Napangiti si Harold. Muling tumingin si Harold kay Anton. Muli itong napabuntong-hininga pagkatapos ay naisipan na niyang maupo sa tabi ni Anton. Narinig na lamang nila ang pagbukas ng makina ng kotse at napatingin siya rito. Nakita niyang umandar na ito at umalis na sa lugar na iyon. Umiwas na siya ng tingin rito at tumingin na lamang siya sa lapida ni Hayley.

Kapwa tahimik ang dalawa habang nakatulalang nakatingin sa lapida. Pamaya-maya, napatingin si Harold kay Anton. Kitang-kita niya ang kalungkutan na bumabalot sa aura nito.

"Kung nasaan man ngayon si Hayley, I'm sure, nakatingin siya ngayon sayo... Nakangiti dahil alam nito na nasa mabuti na siyang kalagayan... Nasa kamay na siya ng Diyos at hinihiling rin siguro nito na sana... Matanggap mo ang lahat at maging masaya ka na rin katulad niya... Hindi naman dito lang nagtatapos ang lahat... Marami pang mangyayari sa buhay mo at lubusang magiging masaya si Hayley kung magiging masaya ka na rin kahit wala na siya..." bulong na sabi ni Harold kay Anton.

Napatingin si Anton kay Harold. Tipid na napangiti ito. "Alam ko naman iyon... Pipilitin kong maging masaya para sa kanya pero alam kong hindi ko pa iyon magagawa sa ngayon kasi mas nangingibabaw pa rin ang sakit nang pagkawala niya ng biglaan sa buhay ko..." sabi ni Anton.

Napatango na lamang si Harold at muling tumingin sa lapida ni Hayley.

Bahagyang nagulat na lamang si Harold at napatingin kay Anton ng maramdaman niyang hinawakan nito ang kanang kamay niya. Bahagya pa nitong pinisil iyon. Hindi nakatingin sa kanya si Anton sa halip ay sa lapida ito ni Hayley nakatingin.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now