42

1.5K 63 0
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

APATNAPU'T-DALAWA

"Ok ka lang ba talaga Gun? Kanina ka pa parang balisa at malalim ang iniisip..." sabi ni Harold kay Gun. Kanina pa kasi niya napapansin na parang napakatahimik nito at malalim ang iniisip. Nasa labas sila ngayon at nasa tapat ng building ng kumpanya.

Napatingin si Gun sa katabi lamang na si Harold. Tipid na napangiti.

"Ok lang ako... Huwag mo na lang ako pansinin..." sabi ni Gun. "Ikaw? Gusto mo ba na ihatid pa kita pauwi sa inyo?" tanong ni Gun.

Napailing-iling si Harold. "Hindi mo na ako kailangan pang ihatid kasi ok lang naman ako... Ikaw nga ang kailangang umuwi na kaagad para makapagpahinga ka na..." sabi ni Harold. Tipid rin na napangiti ito.

Napatango na lamang si Gun. Napatingala ito sa madilim na kalangitan.

Nanlaki ang mga mata ni Gun dahil imbes na mga makikinang na bituin ang makita niya, isang pabagsak na paso ang nakita niya... paso na babagsak sa tapat ni Harold. Kinabahan siya.

Nagulat na lamang si Harold ng bigla siyang hawakan ng mahigpit sa braso at hilahin ni Gun palapit dito. Halos mapayakap nga siya dito.

"A-Ano bang..."

Pati si Harold ay nagulat at napatingin ng marinig ang pagbagsak at pagkabasag ng paso ng bulaklak sa lupa. Sa mismong kinatatayuan niya kanina. Nanlalaki na rin ang mga mata nito katulad ni Gun na nakatingin na rin doon.

"O-Ok ka lang ba?" tanong ni Gun kay Harold. Nakatingin na siya sa huli.

Napatingin si Harold kay Gun. Halos magkabunggo ang tungki ng kanilang mga ilong dahil sa paglingon niya rito. Sobrang lapit kasi ng pagitan ng mukha nila sa isa't-isa. Magkadikit na rin ang kanilang mga katawan.

"Ah... eh... Oo..." nauutal na sabi ni Harold habang napatitig ito sa mga mata ni Gun.

Napatitig rin si Gun sa mga mata ni Harold. Naramdaman na lamang ng huli na humigpit ang hawak ni Gun sa kanyang braso. Pamaya-maya, pinulupot naman nito ang braso sa may bewang niya. Mahigpit rin ang pagkakapulupot doon kaya halos yakapin na talaga siya nito.

"Sigurado ka ba talagang ok ka lang?" may halong pag-aalalang tanong muli ni Gun na puno ng kaba sa dibdib.

Tumango na lamang si Harold bilang sagot. Bigla niyang naisipan na tanggalin ang braso ni Gun na nakayakap sa kanyang bewang at dahan-dahang humiwalay rito.

Napatingin si Harold sa bumagsak at basag na paso.

"May nagbagsak kaya nito? Sa pagkakaalam ko kasi... wala namang halaman sa rooftop so paano magkakaroon ng paso ng bulaklak roon?" may halong pagtataka na tanong ni Harold.

Hindi sumagot si Gun. Napabuntong-hininga na lamang ito. Napatingin rin ito sa basag na paso.

'Chace... Alam kong kagagawan mo ito...' may halong galit na sabi ni Gun sa kanyang isipan.

"Halika na umuwi na tayo..." sabi na lamang ni Gun kay Harold.

Napatango na lamang si Harold bilang pagsang-ayon kay Gun.

- - - - - - --- - - - -

"GAG* KA! MAY BALAK KA BANG PATAYIN SI HAROLD?!!!!" sigaw ni Gun sa kausap niya sa cellphone. Nasa loob siya ngayon ng kanyang kotse na inihinto muna niya sa gilid ng daan.

Narinig niya ang malakas na pagtawa ng kausap sa kabilang linya. "Bakit? Patay na ba siya?" sarcastic na tanong nito. "Masyado kang OA Gun... Hindi naman kaagad mamatay si Harold kapag nabagsakan siya ng paso sa ulo... Malay mo... ma-comma muna siya bago mamatay..."

"GAG* KA! SINABI KO NA SAYO DI BA? TIGILAN MO SI HAROLD! KUNG GUSTO MO AKONG SAKTAN... AKO NA LANG AT WAG KA NG MAGDAMAY NG IBA!!!" sigaw kaagad ni Gun.

"Sinabi ko na rin sayo di ba? Damay na siya dito dahil malaki siyang bahagi ng buhay mo... Naniniwala kasi ako sa kasabihan na kung gusto mong saktan ang taong kinasusuklaman mo... unahin mong saktan ang mahal niya para mas doble ang balik ng sakit sa taong iyon... Ganun ang ginagawa ko... Isa pa... Nagsisimula pa lang ako tapos patitigilin mo na ako? O c'mon... wala pa nga 'yan sa kalahati ng mga plano ko kaya matagal-tagal ka pang dadagain sa kaba..." sabi ni Chace sa kabilang linya.

"Tigilan mo si Harold, Chace... Ako na lang ang saktan mo... Huwag lang siya dahil wala naman siyang kasalanan sayo... Ako ang may kasalanan kaya dapat ako lang ang magbayad sayo..." mahinahon at may halong pagmamakaawa na sabi ni Gun. Hindi niya kasi kaya na makitang masasaktan si Harold. Lalo na kung dahil sa kanya.

Narinig ni Gun ang pagtawa ni Chace. "Sorry Gun... Pero hindi mo na ako mapipigilan pa... Para kasi akong baril... Hindi titigil sa pagputok hangga't buhay pa ang kalaban... Kaya kung ako sayo... Lagi mo na lang bantayan si Harold para mailayo mo siya sa mga kapahamakan na gagawin ko para sa kanya... Hindi na tuloy ako makapaghintay na makita kang umiiyak habang pinaglalamayan mo ang taong mahal mo..." sabi nito.

Napapikit ng mga mata si Gun. Humigpit ang pagkakahawak nito sa cellphone niya.

Napabuntong-hininga ng malalim si Gun bago nagsalita.

"A-Ano bang gusto mong gawin ko para tigilan mo lang siya? A-Ano bang gusto mo? Pera? Bibigyan kita kahit magkano... Ano? Sabihin mo ang gusto mo kahit ano... ibibigay ko..." desperadong sabi ni Gun.

"Wow! Sound interesting huh... But sorry to say na marami na akong pera... Marami na rin akong kotse... Pero wag kang mag-alala... Pag-iisipan ko ang offer mo... Malay mo... Magbago ang isip ko at hindi ko na siya idamay pa..." sabi ni Chace.

"Kahit ano..."

Napatigil sa pagsasalita si Gun ng marinig na lamang niya ang tunog na ibinaba na ng kausap ang tawag. Kaagad niyang isinandal ang katawan sa sandalan ng inuupuan at halos ihagis ang cellphone sa likuran ng kotse. Napahilamos pa ito ng mukha at matinding sumigaw dahil sa galit at frustration.

"Put*ang in* kang Chace ka!!!!" sigaw ni Gun sa loob ng kanyang kotse. Pinalo pa nito ang manibela sa sobrang galit na nararamdaman.

-KATAPUSAN NG KABANATA DALAWAMPU'T-DALAWA-

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now