32

1.8K 70 2
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

TATLUMPU'T-DALAWA

"I want you to be mine again..."

"I want you to be mine again..."

"I want you to be mine again..."

Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Harold ang mga sinabi ni Anton sa kanya kahapon. Simula nang magkausap sila ni Anton, hindi na ito naalis sa isipan niya. Ang mga sinabi nito, ang ginawa nitong paghalik sa kanyang labi, parang plaster na nakadikit na ngayon sa isipan niya at hindi na talaga maalis pa sa kanyang isipan. Hanggang ngayon rin ay ang bilis pa rin ng tibok ng kanyang puso dahil sa pag-iisip ng nangyari kahapon.

Nakatayo ngayon si Harold sa malaking bintanang salamin ng kanyang opisina. Nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip.

Napansin naman ni Gun ang pagkakatulala ni Harold kaya kaagad niya itong nilapitan.

Nagulat at naputol naman ang pagkakatulala ni Harold ng magulat na lamang siya ng biglang may yumakap sa kanya mula sa likod. Inilagay at ipinagpatong pa nito ang magkabilang palad sa bandang tiyan niya. Alam naman niya kung sino ang gumawa nun sa kanya dahil ito lang naman ang kasama niya ngayon dito sa loob ng kanyang opisina.

"Gun..." sabi ni Harold.

Narinig ni Harold ang pagbuntong-hininga ni Gun. Naramdaman nito na ipinatong ng huli ang baba nito sa kanyang balikat.

"Tulala ka na naman at ang lalim nang iniisip..." sabi ni Gun.

Napabuntong-hininga rin si Harold. Hindi naman niya dito pwedeng sabihin na si Anton ang dahilan ng pagkakatulala niya. Baka kasi kung ano na naman ang isipin nito.

"Wala lang ito... Tungkol sa trabaho..." pagdadahilan na lamang ni Harold.

Napatango na lang ng bahagya si Gun.

"Oo nga pala... Sino 'yung nagbigay sayo ng painting na nakita ko sa kwarto mo?" tanong ni Gun. Nagpunta kasi ito kahapon sa bahay nila Harold at nakapasok rin sa kanyang kwarto kaya nakita nito ang painting na ibinigay sa kanya ni Anton. Nagandahan nga ito sa painting.

"Ah... 'yun ba? Galing iyon sa isang kaibigan... Regalo sa akin para sa birthday ko..." sabi ni Harold.

"Ah ganun ba..." sabi nito.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Gun. Ramdam na ramdam na nito na nakalapat na ang harapang bahagi ng katawan nito sa kanyang likod. Napabuntong-hininga si Harold.

"Mahal na mahal talaga kita..." bulong na sabi ni Gun kay Harold.

Muling napabuntong-hininga si Harold. Nandito si Gun pero ibang lalaki ang nasa isipan niya ngayon.

Matagal silang dalawa na nasa ganung posisyon habang kapwa nakatingin na sa kalangitan na makikita sa labas ng bintana.

- - - - - - - - - - - -- - -

"Ahm Sir..."

Kaagad na napatigil sa pagbabasa ng anime sa kanyang ipod si Gun at napatingin sa katulong na biglang sumulpot sa harapan niya. Nakaupo ito sa rocking chair ng kanyang lola na nasa garden. Nakita niyang may dala itong isang maliit na box na naging dahilan ng pagsasalubong ng kanyang magkabilang kilay at pagkunot ng kanyang noo dahil sa pagtataka.

"Nakita ko po sa labas ng gate... Nalaman kong para po pala sa inyo dahil may pangalan niyo po..." sabi ng katulong na kaagad iniabot kay Gun ang kahon na nakabalot pa sa magandang gift wrapper.

Inilapag muna ni Gun sa kanyang lap ang hawak na ipod saka kinuha ang box na inaabot sa kanya ng katulong.

"Sige... salamat..." sabi nito sa katulong sabay ngiti. Umalis naman na kaagad ang katulong ng nakuha na ni Gun ang ibinigay nito.

"Hindi ko pa naman birthday huh..." sabi ni Gun sa sarili habang nakatingin sa box na kanyang hawak-hawak. "Kanino kaya ito galing?" tanong pa nito sa sarili.

Pamaya-maya... Naisipan na niyang buksan ito.

Nagsimulang manginig ang magkabilang kamay ni Gun na nakahawak sa kahon ng makita ang nilalaman nito. Talagang nanlalaki pa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa isang litrato niya na may bahid ng dugo.

"Ano ito? May banta ba sa buhay ko?" tanong ni Gun sa kanyang sarili habang nakatingin pa rin sa litratong may dugo. Nakaramdam siya ng kaunting takot pero mas nangibabaw pa rin sa isipan niya na baka joke lang ito. Alam naman kasi niyang wala siyang ginawang masama kaya alam niya na walang magbabanta sa buhay niya. Pero sino ang nagpadala sa kanya nito? Nagjojoke ba ito ngayon sa kanya?

Kaagad na isinara ni Gun ang kahon at huminga ng malalim. Napapikit ito ng mga mata.

"Wala lang ito... Joke lang ito..." paulit-ulit na sabi ni Gun sa kanyang sarili habang nakapikit ang mga mata. Napadilat muli ito ng mga mata. "Wala kang dapat ikatakot dahil wala itong ibig sabihin..." sabi pa nito habang nakatingin na sa kawalan. Pilit na pinapakalma ang sarili at hindi iniisip na maaaring may nagbabanta sa kanya buhay.

- - - - - - - - - - - - - - - -

"Ano? Natanggap na ba niya ang munti kong regalo para lang sa kanya?" tanong ng isang lalaki sa katawagan niya ngayon sa telepono. Nakatayo ito ngayon sa veranda ng tinutuluyan nitong three storey house.

"Opo sir... Siguradong natanggap na niya iyon..." sagot naman ng lalaki na inutusan ng lalaki.

Napangiti ang lalaki. "Good..." sabi nito. "Hintayin mo na lang ang bonus na ibibigay ko sayo saka patuloy mo lamang siyang sundan at balitaan ako sa mga ginagawa niya... Hintayin mo na rin 'yung susunod kong ipag-uutos sayo..." sabi ng lalaki at kaagad ng ibinaba ang tawag at itinago sa bulsa ng suot niyang maong pants ang kanyang cellphone.

Napatingin ang lalaki sa malawak na garden na nasa labas lamang ng kanyang bahay. Napangiti ito ng demonyo.

"Humanda ka na Gun... Ito na ang umpisa... Ito na ang oras ng paniningil ko sayo kaya kailangan mo nang magbayad..." sabi ng lalaki at napahalakhak ito na parang demonyo. Napatingin ito sa kalangitan. Natigil ito sa paghalakhak at napalitan ng lungkot ang aura nito.

"Konti na lang... Magbabayad na rin siya sa ginawa niya sayo... Panuorin mo na lang mula diyan ang paghihirap niya na tanging ako ang magbibigay sa kanya..." may halong galit na sabi nito.

-KATAPUSAN NG KABANATA TATLUMPU'T-DALAWA-

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now