39

1.8K 66 2
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

TATLUMPU'T-SIYAM

Naglalakad sa paking lot ng bar si Gun patungo sa nakaparadang kotse nito ng bigla na lamang siyang magulat at mapahinto dahil may biglang yumakap sa kanya mula sa likod.

"I miss you... Gun..." sabi ng isang boses babae na ngayon ay nakayakap sa kanya.

Kaagad na tinanggal ni Gun mula sa pagkakayakap sa kanya ang babae saka hinarap ito. Nagkasalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo nito ng makita ang magandang babae.

"Sari?" pagtatakang pagsambit nito sa pangalan ng babae. Natatandaan niya, isa ito sa mga naging babae niya.

Ngumiti ng matamis ang babae sa kanya. "Yes... It's me..." sabi nito. Pamaya-maya, nag-iba ang timpla ng mukha nito at napa-pout pa ng labi. "Bakit hindi ka na nagpapakita sa akin Gun? Mukhang nilalayuan mo ako..." sabi ng babae.

Natawa si Gun sa narinig na sinabi ni Sari sa kanya. "Huh? Bakit pa ako magpapakita sayo? As far as I remember... Wala naman na tayong ugnayan sa isa't-isa huh..." sabi ni Gun. Nakita nito ang sakit sa mga mata ng babae ng marinig nito ang kanyang sinabi.

"Huh? What do you mean?" tanong ng babae.

"Sari... Hindi mo ba natatandaan 'yung naging huling pag-uusap natin? Natatandaan ko kasi... Tapos na tayo... ah mali pala ko sa sinabi ko kasi wala naman pala akong dapat tapusin sa ating dalawa dahil as far as I remember, hindi rin naman naging tayo..." sabi ni Gun na pangiti-pangiti pa.

"What? Tayo? Tapos? Hindi naging tayo?" naiiyak na sabi na ni Sari.

"Nabingi ka na ba at mahina na ang pandinig mo ngayon? O baka naman sadyang mahina lang talaga maka-gets ang utak mo ngayon?" pang-asar na tanong ni Gun.

"Pero Gun... May nangyari sa ating dalawa..."

"Na nangyari rin sa iba ko pang mga nakalaro sa kama..." pang-asar na sabi kaagad ni Gun.

Tuluyan ng tumulo ang luha ni Sari. Bahagya namang nakaramdam ng awa si Gun para kay Sari.

"Sari... Alam mo naman na siguro nung una pa lang na hindi ako iyong tipo ng lalaki na pangmatagalan tama? Ako iyong tipo ng lalaki na paiba-iba ng putaheng tinitikman... Kumbaga sa restaurant... gusto ko iyong buffet at hindi lang iyong meal of the day lang ang titikman ko araw-araw... Gusto ko iba-iba..." sabi ni Gun. Napabuntong-hininga ito. Nakilala niya ito a few days ago. Kakauwi lamang niya sa Pilipinas galing sa ibang bansa. Kakatapos lamang niya ng kolehiyo at ito, balik bar hopping at pambabae na rin. Panlalalaki na rin.

Napakagat-labi si Sari para mapigilan ang pag-alpas pa ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata.

"Pero Gun... Alam mo naman na sa simula pa lang... Na simula nung una pa lamang kitang makita... Mahal na kita..."

"At alam mo rin na sa simula pa lang... Hindi na kita Mahal... Alam mo na sa simula pa lang... Hindi na lalagpas pa roon ang pagtingin ko sayo..." sabi kaagad ni Gun na lalong nagpaluha kay Sari habang nakatingin kay Gun.

Napabuntong-hininga muli si Gun.

"Look Sari... Hindi kita pinaasa... Maliban sa magaling ako sa kama at alam kong nagustuhan mo ang mga ginawa ko... wala naman na akong ibang ginawa pa para mahalin mo ako... Saka malinaw naman sa atin nung una pa lang kung anong magiging ugnayan nating dalawa di ba? Hanggang sa loob lang ng bar, hotel room at hanggang kama lang tayo... Oras na lumabas na tayo roon... wala na... It's over..." sabi ni Gun.

Nagulat na lamang si Gun ng bigla na namang yumakap sa kanya si Sari. Mahigpit na mahigpit na parang ayaw na siyang pakawalan pa.

"Mahal na mahal kita Gun..." sabi ng umiiyak na si Sari. Nakasubsob ang ulo nito sa bandang dibdib ni Gun. Ramdam nga nito ang pagtulo ng luha ni Sari sa kanyang pulang polo na suot.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now