38

1.5K 65 4
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

TATLUMPU'T WALO

Nasa loob pa rin ng coffee shop sila Harold at Gun. Tahimik ang dalawa na kumakain habang nakaupo ng magkatapat sa pandalawahang mesa.

Naramdaman na lamang ni Gun na nag-vibrate ang kanyang cellphone na nasa loob ng kanyang bulsa ng suot niyang pants. Kaagad niya iyong kinuha mula sa bulsa at tiningnan kung may tumatawag o may nag-text sa kanya.

Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay niya ng makitang MMS ang pinasa sa kanyang cellphone. Galing pa ito sa isang unregistered number. Binuksan niya ito.

Lalong nagsalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo niya ng makita ang nilalaman ng MMS. Isang larawan ng magandang babae ang nakikita ng mga mata niya ngayon. Mala-anghel ang mukha nito. Nagtataka lamang siya dahil hindi naman niya ito kilala kaya bakit may nagpasa sa kanya ng litrato nito.

Tiningnan niyang mabuti ang larawan ng babae.

"Bakit parang pamilyar siya sa akin?" bulong na tanong nito sa sarili.

Hindi niya mawari sa isipan niya kung nakita na niya ba ito dati o hindi. Kahit kasi alam niya sa kanyang sarili na hindi niya ito kilala, parang pamilyar naman sa kanya ang itsura nito. Parang nakita na niya ito somewhere.

Sa pagtitig niya sa larawan ay nakita naman niyang may kalakip na mensahe ang litrato na kaagad niyang binasa.

"Miss me?... Faggot?" ang nabasa niyang mensahe mula sa ibaba ng litrato.

Nanginig na lamang bigla ang kamay ni Gun na may hawak sa cp. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang nakaramdam ng kakaiba dahil sa nabasa niya. Maiinis ba siya? Magagalit ba siya? O hindi na lamang niya iyon papansinin? Mukha kasing inaasar siya base sa nabasa niyang message.

"Ok ka lang ba?" nagtatakang tanong ni Harold kay Gun na nagpatingin naman sa huli sa kanya. Kaagad nitong tinurn-off ang cp at inilagay muli sa kanyang bulsa.

"Ah... Oo. Ok lang ako..." sabi na lamang ni Gun saka umiwas ng tingin kay Harold at muling kinain ang kanina pa niya kinakaing cheesecake. Napabuntong-hininga pa ito.

Nakatingin lamang sa kanya si Harold. Parang hindi ito kumbinsido sa sinabi ni Gun na ok lang ito. Para kasing sa tingin niya ay hindi.

'Ano kayang nabasa niya sa cellphone niya?' tanong ni Harold sa kanyang isipan. Nagtataka sa nakikitang pag-iiba ng mood ni Gun.

Sa hindi naman kalayuan sa loob pa rin ng coffee shop, nakatayo sa dulong pwesto kung saan hindi siya kita nila Harold at Gun si Chace. Hawak nito ang cellphone sa kanang kamay habang nakatingin ng matalim kay Gun. Nakangiting demonyo.

"Like my second surprise Gun? I'm sure na mas marami pa akong sorpresang ibibigay sayo na tiyak ikagugulat mo... Sisiguraduhin kong hindi ko lang sayo ipapatikim ang sakit at pagdurusa kundi ipapakain ko rin iyon sayo ng buong-buo gaya ng ginawa mo sa kanya... Sisiguraduhin kong matinding sakit ang malalasahan mo hanggang hindi mo na kayanin pa... Kaya ngayon pa lang... lasahan mo na ng todo ang tamis ng sayang nararamdaman mo dahil bukas makalawa... pait naman ang malalasahan mo na ako ang siya'ng magpapatikim sayo..." galit na wika nito sa sarili habang matalim pa ring nakatingin kay Gun. Napapakuyom pa ang kaliwang kamao nito.

-KATAPUSAN NG KABANATA TATLUMPU'T-WALO-

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now