50

1.6K 65 1
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

LIMAMPU

"Ok... Ah Ganun ba..." sabi ni Harold habang nakalagay sa kanyang tenga ang kanyang cellphone habang tumatawag ang kanyang secretary.

"Ah sige... ganito na lang, ipasa mo sa email ko iyong mga files na dapat kong mabasa... Babasahin ko mamaya..." sabi pa nito sa kanyang secretary. Napapatango-tango pa ito sa naririnig na sinasabi ng kanyang secretary.

Pamaya-maya ay natapos na ang pag-uusap ng dalawa. Ibinaba na ni Harold ang cellphone at inilagay na iyon sa bulsa ng suot niyang short. Sabado ngayon at day-off niya.

Napatingin si Harold sa maaliwalas na kalangitan na tanaw na tanaw niya habang nakatayo dito sa terrace na nasa likuran naman ng mansion. Napangiti siya dahil naisip niyang ipasyal si Kiel sa park. Maganda ang panahon kaya ito rin ang magandang oras para isagawa ang nais niya.

Napadako ang tingin ni Harold sa ibaba ng mansion. Nakikita niya mula sa pwesto niya ang isang malaking infinity pool na nasa likod lamang ng mansion. Nagkasalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Harold ng makita niyang may lumalangoy roon.

Naglakad si Harold patungo sa railings ng terrace. Kumapit ang mga kamay niya doon habang hindi niya inaalis ang tingin sa taong lumalangoy ngayon sa pool.

Talagang pinagmasdan niya iyon mabuti. Pamaya-maya ay nakilala na niya kung sino ang lumalangoy na iyon. Si Chace. Napahanga siya sa galing nito sa paglangoy. Iba't-ibang klase ng exhibition ang ginagawa nito sa tubig. Para itong professional swimmer.

Kitang-kita niya rin ang pag-flex ng bawat bahagi ng katawan nito. Mula sa pagkampay ng matitipuno nitong bisig hanggang sa mga binti nitong sa tingin niya ay napakatigas at hinulma na ng panahon. Napakaganda ng likod nito na parang perperktong nalilok ng isang iskultor. Napansin rin niya ang bilugan at maumbok nitong pwetan na bumagay sa perpektong hubog ng likod nito at sa angkin nitong tangkad. Naalala niya tuloy sila Anton at Gun. Bukod kasi sa may gwapong mukha, magagandang hubog ng katawan, at tangkad na bumabagay sa kisig ng mga ito, nagtataglay rin ang mga ito ng perpektong likod, bewang na may kaliitan at walang kataba-taba at maumbok at bilugang pwetan na bihira lamang makita sa mga lalaki. Nagpapadagdag kasi ito sa magandang tindig ng isang lalaki. Kahit na nakadamit pa ang mga ito ay makikita mo talaga ang angkin nilang kakisigan. Gwapo at matipuno rin naman siya at may magandang hubog ng katawan pero hindi kasing hubog sa mga nauna, maumbok at bilugan rin naman ang kanyang pwetan at may kaliitan ang kanyang bewang na walang kataba-taba na bumagay sa kanyang tangkad pero iba pa rin talaga at humahanga ka kapag sa ibang lalaki mo nakikita ang mga ganung katangian.

Pamaya-maya ay nakita niyang paahon na ito sa pool. Humawak ito sa bakal na hawakan na nasa gilid ng pool saka inangat ang sarili at umakyat roon. Doon niya nasilayan kung gaano talaga kaganda ang katawan nito. Nangingintab dahil sa basa ng tubig at sinag ng araw ang morenong kulay ng balat nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang ibabang bahagi ng katawan nito na natatakpan lamang ng suot nitong trunks na nabasa na ng tubig. Bakat na bakat roon ang haba, hugis at taba ng itinatago nitong pagkalalaki na nakapaling sa kanan. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mapatitig doon at makaramdam ng kakaibang pag-iinit. Mali man na maramdaman niya iyon dahil sa kapatid niya ito pero anong magagawa niya? Tao lang siya at nakakaramdam kahit papaano ng pagnanasa.

Napaka-hot talaga tingnan ni Chace. Kahit na bagong gising ito o kahit na wet look ito. Kahit nga naka coat and tie ito, hindi maitatago ang nag-uumapaw nitong hotness at sex appeal. Hindi akalain ni Harold na magkakaroon siya ng kapatid na gaya ni Chace. Kapatid na nakakatukso na gumawa ng isang kasalanan.

Napailing si Harold pero hindi pa rin inaalis ang tingin kay Chace. Kung ano-ano kasi ang naiisip niya ngayon tungkol sa kapatid niya.

Napaiwas ng tingin si Harold ng mapatingin rin sa pwesto niya si Chace. Napabuntong-hininga siya ng malalim. Napangiti naman si Chace habang nakatingala at nakatingin kay Harold na nakikita niya ngayong nakatayo sa terrace at nakaiwas na ng tingin. Alam niya na kanina pa siya nito tinitingnan.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now