Chapter 2

4.2K 78 6
                                    

#BC3Simula


"Tony.. Tony gising kana. Mala-late kana"


"Tony?" lumapit ito sa kanyang asawa at bahagyang inuyog ito. "To--" nanlaki naman ang mga mata niya ng mapansing mainit ito. "Mainit ka. Bakit di mo sinabi sa akin" natatanrantang tanong nito sabay kuha ng tuwalya at tubig sa may banyo.

"hmmm..."

"Ikaw talaga, ang tigas-tigas talaga ng ulo mo kahit kailan!" agad itong bumalik sa kanya at sinimulang punasan ito sa may kamay at noo niya.

"Siguro inaatake ka na naman ng migrain mo kaya ka nagkakaganyan! Naku ikaw talaga kahit kailan!" tumayo uli ito at kumuha ng gamot sa may medicine kit.

"mawawala din naman kasi ito" halata sa boses nito ang pagiging matamlay dahil sa kanyang lagnat. Pilit itong umupo na siyang agaran namang paglapit ni Andria, "dito ka muna sa bahay. Sasabihan ko na lamang si Anthony na di ka muna papasok"

"kailangan ko--"

"HINDI nga sabi! Naku ikaw talaga!" sabay pindot-pindot sa may noo nito. "Stay put ka lang jan. Magpapagawa ako kay manang ng light breakfast"

"wala akong ganang kumain eh" sabay nguso nito.

"Sweetie, kailangan mong kumain upang mainom mo yung gamot mo."

Napasandal na lamang ulit ito sa may head boarder ng kama. Kahit kailan din naman kasi, hinding-hindi siya makakapalag sa misis niya.

~

Kahit afford nila Tony at Andria ang mga malalaking mansion at kung ano pa yang mga karangyaan sa buhay. Mas pinili nilang manirahan ng simple. Though, di pa din nila maiwasang gumastos ng malaki, especially sa tuition ng mga anak nila at sa security na din nila.

Kahit naman kasi gustuhin nila na maging simple ay di pa din maiiwasang malayo sila sa kapahamakan lalo na't mayaman pa din sila sa mundo ng business.

Hands-on Mom si Andria sa mga anak niya at ni hindi ito kumuha ng katulong para may magbantay sa mga anak niya. Yung kinuha nilang katulong na si Manang Luz ay taga-laba at linis lang bahay. Most of the times din kasi, si Andria yung naghahanda din ng mga kakainin.

~

"Mama! sabi ko naman sayo, ayokong magsuot ng ganito!" reklamo ni Jhoey habang pilit na kinukumbinsi ang mama niya sa bagay na pinipilit nitong ipagawa sa kanya.

"Subukan mo lang kasi JJ" alam ni Andria na nakikitaan na niya ng signs ang unica iha nila tungkol sa pagiging tom nito. Kahit hindi pa naman nito sabihin, pero the way she moves and carries herself kagayang-kagaya kay Tony.

"JJ sige na. Gusto lang makita ni Mama" mahinahung pakiusap nito. Ayaw niyang nagagalit siya sa mga anak niya at lalo ding ayaw niyang pagalitan ang mga ito. Hangga't maaari ay sinisigurado nitong hanggang pangaral lang ang gagawin nila ni Tony at never silang magbubuhat ng kamay sa kanila.

So far si Jhoey lang naman yung tila may pagkapilya at matigasin ang ulo. Si Adrian kasi silent type lang yung at kino-consider niyang Good boy sa family.

Hanggad sana ni Andria na hangga't kakayanin ay maiwasto niya si Jhoey. Umaasa itong mapapabago pa din niya ito. Hindi sa ayaw niya na maging katulad ito kay Tony, gusto lang naman niyang magkaroon talaga ng Baby Girl.

Adrian as a baby boy was enough already.

"Ano ba yang comotion na nangyayari jan?" tanong ni Tony ng makababa ito mula sa hagdanan at nagtungo na sa may sala kung nasaan sina Andria at Jhoey.

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now