Chapter 47

1.9K 56 2
                                    

#BC3Orgmates


Jhoey's POV


Tulog.Aral.Kain.Aral.Tulog


For almost 7 months, eto na yung naging daily routine ko. Minsan kung nabo-bored ako, naisisingit ko yung gala o di kaya yung paglalaro ng video games.


It's a typical Monday,

at andito ako ngayon sa classroom. History Class at nabo-bored ako, actually lahat kami. Halos lahat kasi di pa nakakarecover sa hang over ng Rave Party last Saturday.


"Ms. Manaying!" sigaw nung Prof namin na siyang ikinagising ng diwa ko. Hinampas niya din kasi yung board. Agad namang napatayo yung ka-klase kong tinawag niya.

"Masarap ba tulog mo? Kanina pa kita tinatawag?!" napatingin ako doon sa kaklase ko. Sa pagkakaalam ko siya yung pinaka maingay sa klase. Palagi din niyang napapa-good vibes etong boring na class nato. Hmm, pero I think nawala yung jolliness niya ngayon.


I just shrugged.

Tinanong siya ng Prof namin pero kahit medjo wala sa mood yung si Ms. Manaying nakakabanat pa din siya. At ayun, buhay na ulit ang klase.


Pagkatapos ng klase ay agad ng akong lumabas para tumungo sa next class ko.


Oo nga pala, Business Administration pala yung course ko. Kahit naman kasi may misunderstanding kami ni Papa, di ko pa rin kayang sirain yung pangako kong ako yung magmamana sa position niya sa companya. Ako na lang din naman kasi yung inaasahan niya since si kuya nag patuloy na sa medical course niya.

Lunch time at magisa na naman akong kakain, sanay na din naman ako kaya bahala na.


Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig ng music sa Ipod ko ng biglang may isang babae ang nagapproach sa akin.

"Hi, pwede ba kitang maistorbo saglit?" nakangiting wika niya sa akin. Hindi rin naman ako snab kaya tumango na ako at agad na siyang nagpakilala, "Audrey Diaz nga pala, I'm from the Taekwondo Organization. I was hoping kung makakapunta sa sa exhibition namin tomorrow. Kung baka sakaling gusto mo ding sumali, pwede kang mag sign up" tas inabutan niya ako ng flyer.

"thank you sa time" ngumiti siya at umalis na.


Napatingin lang ako doon sa flyer tas inipit ko na sa libro ko.


. . .


After class, dumertso na ako sa condo para makapagpahinga.

Dami kasing pinagawa sa aming mga seatworks at kung anu-ano pa mula sa mga minor subjects kong feeling major.

Hihiga na sana ako sa may sofa ng biglang iniluwa mula sa kitchen si Mama.

"Jhoey, nakauwi ka na pala."

Gulat na gulat akong nakatingin sa kanya, "Mama? Bakit . . . paano?"

"May spare key ako at saka di ka kasi umuwi sa bahay last weekend kaya binisita kita" nakangiting wika niya sa akin tas lumapit siya at niyakap ako. "kamusta school?"

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now