Chapter 49

1.8K 58 6
                                    

#BC3Breakeven

Jhoey's POV


Sunday ngayon, at uuwi ako sa amin.


Limang na buwan na din kasi mula nung huli kong uwi sa mansion. Nitong nakaraang semestral break kasi, sumama ako kay Row sa tour niya. Nitong christmas break naman kina Lola at Lolo ako umuwi. Miss ko na kasi sila,

Pero siyempre, di ko maiaalis yung katotoohanang kaya ako di umuuwi kasi iniiwasan ko pa din si Papa hanggang ngayon.


Bakit?


Isa siya sa dahilan kung bakit umalis at nakaalis si Alyanna!


Hindi nga rin sana ako uuwi ngayon, eh kaso si Mama kasi mapilit. Uuwi din kasi si Kuya Adrian mula sa Medical school, kaya eto uuwi na din ako.


First family outing namin this year. Hindi rin kasi kami nagkasama nung christmas at new year kaya ngayon na lang daw namin gagawin etong bonding na toh.


"Ma'am we are here" sabi nung driver tas bumaba na ako.


"JHHHHOOOEEEYYYYY!!!!" pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, si Ate Max na agad yung bumati sa akin. 

Oo nga pala, sa amin pa rin siya nakatira. Sinasamahan niya si Mama sa bahay, pero dahil sa madalas na umaalis din si Mama dahil sumasama sa mga business trips ni Papa, madalas naiiwan siya, sila nina Manang at ni Tito Robi. Kaya din siguro ganito toh makareact ngayon, wala na kasi siyang kakulitan sa bahay.

"NAKUUU Bata, miss na miss kita!! Woow haba na din ng buhok mo! Gumaganda kana hindi Gumagwapo!" napangiti lang ako, tas inakbayan na niya ako't sinabayan sa pagpasok.


"Alam mo kayo ng Kuya mo madalang na lamang umuuwi dito! Nakakamiss kayo" nakangusong sabi niya.

"baka naman nagsawa na si Kuya sa mukha mo kaya di na siya umuuwi dito" panunukso ko at nakatanggap naman ako ng batok mula sa kanya.

"Bawiin mo yun! Mahal ako ng kuya mo noh FYI!" at mataray itong nakapa-cross arms.


Oo nga din pala, sila na ng Kuya ko. Mag-Aapat na taon na din ata. Yung mas nakakagulat pa nito, kinasal na sila agad. Pero civil lang, biglaan kasi yun.


Haha, Mahilig pala sa galawang breezy si Kuya! Matagal na pala niyang gusto si Ate Max. In denial nga lang. Sa sobrang talino kasi, nakakalimutan ng paganahin yung puso. Kung hindi siguro sila nagkasagutan ni Kuya Jonas hindi siguro siya mapapaamin.

At talagang kasal agad, tss ibang klase din.


"Kuya!" tawag ko sa kanya ng makita ko siyang nakaupo sa may sala. Tumayo naman ito at sinalubong ako ng yakap.

"Mga babies ko!" sigaw ni Mama at dali-daling pumanhik pababa upang kami ay salubungin. Una niyang niyakap si kuya tas sa akin, "Alam niyo, sobrang miss na miss ko kayo!"

"mama pumunta ka kaya sa condo ko last week"

"iba yun eh! Iba toh, at saka last week pa yun. Miss na miss kita araw-araw na wala ka sa paningin ko" bumanat pa 'tong mama ko. "Papa niyo na lang yung kulang" 

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now