Chapter 57

1.8K 51 1
                                    

#BC3YouGotAFriendInMe


"Sushar darling, di ba nakakahiya jan sa kaibigan mo na jan ka nakatira?" wika ni Mrs. Manaying kay Mei habang sila ay nag-uusap sa may skype.

"nakakahiya po, pero she's the one insisted naman eh. Mas malapit din kasi sa university kesa naman doon ako kina Tito." hawak-hawak ang ipad na hiniram mula kay Jhoey ay i-nilibot nito ang kanyang ina sa buong condo.

"WOW P', you're so lucky to have a RK friend" biglang singit ni Aung.

"Yeah, pero hindi na din siguro ako magtatagal dito. Ayokong abusuhin yung kabaitan niya." wika nito at napaupo na sa may sofa.

"you're right! Don't worry Sushar, magpapadala kami jan next month. Para naman makabili ka na ng mga kakailanganin mo. Isasama ko na din yung pang renta mo ng bagong dorm."

"salamat po Mama. Naghahanap na nga din ako ng vacant dorms around the area. Kaso, punuan kasi. Baka sa may susunod na barangay na lang ako titira."

"siguraduhin mo lang na safe" paalala ng ina sa kanya, na siyang ikinatango naman niya.


"Nga pala mama, si papa po?"

"Nasa farm anak. Inaasikaso yung mg wine barrels na in-order ni Mr. Cholalongkorn, ngayong Friday na kasi yun"

She sighed, "sobrang na-mi-miss ko na yung sariwang hangin ja sa farm." napapikit naman ito habang inaalala ang masarap na simoy ng hangin at ang magagandang tanawin sa farm nila. 

"... Hindi kasi ako nakauwi jan nung summer dahil sa summer camp training" sabay pout nito.

"this coming semestral break, uwi ka P'.." nakangusong wika naman ni Aung sa kanya.

"Oo naman, miss ko na din kasi kayo. Lalo ka na lil' sis. Na-miss na kitang AWAYIN!" at pareho naman silang nagtatawanan.


After an hour of chitchats with her folks through skype ay nakaidlip ito.

Nagising ito bandang 9pm ng may narinig siyang ingay sa may kusina. Na ngamba naman ito na baka may nakapasok kaya kumuha ito ng walis at hinanda ang self-defence skills.

Sinilip niya muna ito, at mukhang nilooban nga sila. Naka-black leather jacket na lalaki at nakatalikod ito kaya di siya agad na mapapansin kung susugurin niya ito.

Marahan itong naglakad papunta sa may kitchen at huminga muna ng malalim bago sumugod sa akala niyang akyat-bahay, "SINO KA!?" sigaw niya.

Sa sobrang gulat naman ay nabitawan ni Jhoey yung basong hawak-hawak niya. "AHHHHH"

Gamit ang kanyang mga braso, ginawa niya itong panangga mula sa walis na kasalukuyang pinaghahampas ni Mei sa kanya.

"ARAY! ARAY!"

"UMALIS KA DITO! MAGNANAKAW!!"

"MEI!"

Napatigil naman ito at tinitigan mabuti yung mukha ng akala niyang lalaki.

"Jhoey?"

Mabilis pa sa alas-kwatro na binawi ni Jhoey yung walis mula sa kanya at magkasalubong na kilay siyang tinitigan nito, "ano ba problema mo?" sabay himas sa namumulang braso, "..nanghahampas ka jan"

Tulala man ay pinilit nitong bumalik sa sariling diwa, "J-Jhoey?"

"Ako nga, si Jhoey, ano ka ba..." may halong pagkainis yung tono ng boses nito.

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now