Chapter 14

1.8K 57 6
                                    

Max's POV

Masyadong mabilis ang takbo ng panahon. Tapos na ang summer at ngayon ay pasukan na naman. Last year ko na sa high school at sana naman kahit paano ay tumaas na yung grades ko.

Tulad ng naging kagawian ko, sasabayan ko na naman si Adrian papuntang school.

"Ipapahatid ko kayo sa driver ngayon ah. First day of school kaya dapat japorms yung mga babies ko" sabi ni Tita kina Adrian at Jhoey.

"Mama maglalakad na lang ako" pagtanggi ni Adrian sa offer ng mama niya.

"Kung maglalakad ka, isasabay mo din si Max kaya wala kang takas sa akin AJ" sabay tawa ni Tita.

"Mama, bakit niyo po kasi pinagpipilitan yang panget na yan kay Kuya" nakabusangot na naman ang mukha ni Jhoey sa akin.

Dinilatan ko lang siya at yun din ang ginawa niya sa akin. Parang mortal enemy lang talaga yung turing namin sa isa't-isa. Walang araw ata na di kami nagaaway!

"Whatever" sabi ni Adrian at umalis na ng bahay. Agad ko naman itong sinundan bago paman ito makalayo.

As usual sumakay kami ng bus at siksikan na naman kasi nga first day ng pasukan.

Medjo malayo yung pwesto ko mula sa pwesto ni Adrian dahil na huli ako sa pagpasok.

Ng makababa na kami sa my gate ng school ay inantay ko muna siyang makapasok bago ako sumunod. Kasi nga diba yung rule number 2, wag akong sunod ng sunod at yung rule number 3, dapat walang makaka-alam na magkasama kami sa iisang bahay.

~

"MAAAAAXXXXXXXX!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" narinig kong sigaw ni,

"PAAATTTTTTTTTTTT!!!!" at nagyakapan kami na parang ilang taon kaming hindi nagkikita.

"Sobrang namiss kita!"wika niya sa akin.

"Ako din!!" sabay kaming pumasok sa school habang nagdadaldalan.

Andaming ikwenento si Pat sa akin tungkol sa naging summer vacation niya.

Nasali na din dito yung mga itinatago niyang secreto sa akin. Isang heiress pala 'tong gaga na toh sa isang international company. Pumunta daw siya sa hometown ng Dad niya sa Mexico.

"Grabe Pat, mayaman ka naman pala eh!" sabay batok ko sa kanya, "Yung mga utang mo, bayaran mo na!!"

"Yung Dad ko lang yung mayaman noh, gaga!" sabay tawanan naming dalawa, "Nga pala Max, may sasabihin ako sayo" medjo umiba naman ang mood nito.

"Ano yun?"

"wag kang magagalit ah"

"ano ba kasi yan?"

"Nilipat na kasi ako sa section C"

"WHHHHHAAAAAAaTTTTTT!?!?!?"

Napaiwas naman ito ng tingin sa akin, " Kaya ako nawala for 2 months kasi, pinasali ako ni Dad sa isang tutorial class sa Mexico. Bale aral din yung ginawa ko, imbis magbakasyon. Ng makabalik ako dito a week ago, pinatake niya ako ng exam para malipat ako ng section. Kinahihiya niya kasi yung section natin, ang section F"

"so paano yan, magisa na lang ako" malungkot na tugon ko sa kanya.

"hindi ah, section lang naman ang nagbago eh. Magkikita pa din naman tayo dito sa school"

"pero iba kasi yung magkaklase talaga tayo, hindi yung schoolmates tayo. At saka nasa ibang wing kaya yung building niyo"

"sorry maxxy..." at niyakap niya naman ako.

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now