Chapter 34

1.4K 57 0
                                    

#BC3FallingInlove

Katext ngayon ni Jorge si Pat habang ito ay nasa may terminal ito ng jeep, ng biglang naramdaman na naman nito na tila may nagmamanman na naman sa kanya.

"Sh*t, mababaliw na talaga ako neto." lumingon ito at nahuling may nakamasid nga at bigla itong umalis ng makita niya ito. "ano ba ang kailangan ng lalaking yun? Sa pagkaalala ko, wala naman akong utang ahh" Natatakot siya, pero at the same time curious. Pero may gut feeling ito na, kung sino man yung nagmamanman ay may kinalaman ang family ni Pat.

"sana naman hindi tama itong gut feeling ko"

~

"After class magsisimula na tayo sa practice ah" masiglang wika ni Rupert sa kanyang mga kaibigan. After kasi na pumayag si Ralph (yung kuya ni Row) na magpresent yung banda nila sa mid-year concert ay di na magkamayaw itong si Rupert sa pagiisip ng kung ano ang gagawin.

Gusto ni Rupert na kumanta kaya siya yung papalit pansamantala kay Jhoey bilang lead vocalist. Si Row muna yun mag du-drums, si Tin as is pa din bilang lead guitarist tapos si Jhoey naman ay magpi-piano.

Di alam ni Jhoey kung anong gagawin niya. Kahit anong pilit niyang maging masaya para sa kaibigan niya ay di pa rin maalis-alis sa kanyang isipan na, nasasaktan ito.


'Sana ako na lang yung nasa position ni Rupert. Yung bang ma-eexcite kang makantahan ang taong gusto mo sa harapan ng maraming tao.' wika nito sa kanyang isipan habang naglalakad sa may hallway.

Bigla naman itong napaatras ng may nakabangga ito, "Sorry" malumanay niyang sabi.

"Parang nung unang pagkikita lang natin" napatigil ito sa paglalakad at napalingon sa kanya. Nakita niya itong nakangiti which made her heart melt, "wait" pagpigil nito sa kanya. 

"where are you going?" 

"uuwi na ako" cold na sagot niya.

"Teka, my problema ka ba?" hinabol siya nito.

"wala"

"eh? bakit ka ganyan?" humarang si Aly sa kanyang dinadaanan, "di ikaw yung usual na Jhoey"

"masama ang pakiramdam ko, kaya umalis ka na" tinulak niya ito at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Jhoey?" tinamaan ata ng makulit na linta si Aly at di niya ito tinantanan, "teka nga.." inabot nito ang kanyang braso at hinila paharap sa kanya. Dahil sa malakas na paghila ay nagkabungo.an sila ng ulo. 

"Aish" inis na ungol ni Jhoey.

"Sorry" hinihimas naman ni Aly yung noo nito.

She glared at her, "Diba sabi ko naman sayo wala akong problema, bakit ba ang kulit mo!?"

"bakit mo ako sinisigawan?!"

"NAKAKAINIS KA KASI!"

"EH DI UMALIS KA NA! DI NA AKO MANGUNGULIT!" at nagwalk out na ito.


sighed.


'Mas mabuti na sigurong ganito. Yung magkagalit kami...' inilagay ni Jhoey ang kanyang mga kamay sa magkabilang mga bulsa niya.

~

.

.

.

By Chance III (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon