Chapter 64

2K 54 3
                                    

#BC3Pasiklaban


Mei's POV


"Jhoey?" gulat na bulalas ko ng masilayan ko ang mukha niya.


"Mei?" then she slowly smiled. "Akalain mo nga naman"

"Jhoey? As in RK ikaw ba yan?" hindi pa rin kasi ako makapaniwala.

I heard her chuckle at mas lumapit pa sa akin, "Oo ako toh. Anong ginagawa mo dito?" sabay tingin naman niya sa truck naming nasira.

"Nasiraan kami eh"

"Mei, who's that?" tanong ni Papa habang busy pa din sa pag-aayos sa nasirang makina. Kahit may budget naman, ayaw pa ding papalitan ni Papa itong truck namin. May sentimental value daw kasi at saka gumagana pa naman daw.

"Uhm Papa it's Jhoey. You remember the one that I told you about, the one who helped me and became my close friend in the Philippines?" napahinto ito sa pagaayos at lumapit sa amin.

"Sawadee ka Mei's Dad, I'm Jhoey Gonzalez. Nice to meet you" pagpapakilala niya.

"She's a girl papa" inunahan ko na, baka kasi mapagkamalan na naman niyang bakla.

"I know sweetie, relax" he smiled.


WOOW! First time ata 'tong ngiti niya. 


"Sawadee Jhoey. I finally meet you"


'WOOOOOOW'


Nahihiya namang napakamot si Jhoey sa may batok niya, "ahmm, nice to meet you also Sir."

"nga pala JJ, bakit ka andito?" singit ko.

"Ahh tungkol jan, kasi...ano...naliligaw kasi ako..." nahihiyang sabi niya.

"ganun ba?" Papa said with his Thai Accent kaya napalingon ako sa kanya.

"Opo.." bigla namang lumiwanag ang mukha nito, "...what if I'll give you a ride home? It's getting late already, and if you don't mind I also need some source of electricity to charge my phone and contact my cousin. She's probably worried sick now." she said which eventually my dad nodded.


Using a rope, Jhoey's car dragged our truck going all the way to our farm which is 45 minutes away. Papa remained  at the truck to steer while I rode at Jhoey's car to give her directions.

"So how's your vacation so far?" she asked, awkwardly?

"uhm, fun?"

Napa-chuckle naman siya, "ba't parang hindi ka sure?"

"Sure ako noh.." sabay chuckle ko. Grabe nakaka-miss naman yung tawa niya, kasama na din yung cute smile niya.

"Balita ko kasama mong nagbakasyon si Gelo?" medjo nagiba naman yung tono ng boses nito.

"OO" I plainly answer.


"K-kayo na ba?" hindi siya nakatingin sa akin kasi naka focus lang siya sa road pero ramdam kong may pag-aalinlangan ang boses nito.

"Hindi pa..." mahinang bulong ko.

"Pa?"

"I-I mean.."

By Chance III (TiAom)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu