Chapter 15

2.2K 52 1
                                    

Pat's POV

Pagkatapos naming maki-chismis at pahiyain na naman ni Max ang kanyang sarili ay dumeretso na kami sa mga klase namin. 

Nakakalungkot nga kasi di na kami same ni Max ng building. Nakakapanibago din, di naman kasi ako yung tipong maaga pumasok. Late kaya ako palagi! Pero dati kasi yun, yung nasa Section F pa ako. Ngayon, magbabagong buhay na ako. (Naks!)

Pinaintindi na kasi nila Dad ng maayos sa akin ang situation. Nalulugi na pala yung business namin, at dahil ako ang panganay, inaasahan niyang ako yung makakapagpaahon ng companya namin. So yun, parang na motivate ako. Di naman din nila ginustong mapalayo ako sa kanila. Ayaw naman kasing sumama ni Lola at umuwi sa Mexico kasi napamahal na sa kanya ang Pinas. Ayaw lang din naman ni Dad na maiwang mag-isa siya dito kaya pina-stay niya ako para samahan siya.

Natigilan ako sa pagmumuni-muni ng marating ko na din sa wakas ang magiging bagong classroom ko for this school year. 

'Kung kailan last na namin sa high school, kailan naman kami di magkaklase ni Max' 

*insert sad face*

'Sana talaga pumayag yung mokong na yun na magtake ng acceleration exam. At sana din biyayaan siya ng swerte at awa.' 

I know Max, and di sa ni-lo-look down ko siya pero medjo... slow talaga yun.

4-C

Pagpasok ko pa lang ay pinagtitinginan na ako ng mga magiging ka-klase ko.

"Oii isang taga-section F ka diba? Napasyal ka ata?" sabi ng isang maangas na lalaki at lumapit sa akin.

'eto ang isa sa dahilan ba't ayokong malipat eh! Ayokong ma-bully sa buong huling taon ko'

Di ko lang siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad ngunit ang kulit din ng isang toh! Hinarangan niya yung daanan ko at lumapit din yung kasama niyang mukhang gangster.

"Nagmamadali ka ba Miss? Transeferee ka diba? Kailangan mo munang dumaan sa amin" sabay tingin niya sa akin ng nakakaloko.

"Bawat newbie, dumadaan sa initiation" sabi nman sa akin nung isa.

Napatingin ako sa iba kong mga kaklase at tila wala lang silang pakialam sa akin. 

'wala din naman palang pinagiba itong section na toh kumpara sa amin! Meron pa ding mga bully' pero mas okay na sa akin yung bully sa section namin eh. Nakasanayan ko na at kilala na din naman nila kung sino ang mga dapat i-bully and I'm not on the list. Kasi kilala na nila ako bilang palaban. At saka, si Thomas yung leader-leaderan ng Section F, eh under yun sa akin lalo na't bestfriend ko yung nililigawan niya. Kung si Ms. Bratty naman ang paguusapan natin, well, bahala siya sa pagiging bitch niya.

Anyway, back to this two morons,

Di ko lang ulit sila pinansin at inirapan lang sila.

"Aba! Matapang!" sabay hawak sa akin ng panget sa may braso ko.

"Bita--"

"Bitawan mo siya" sabi ng isang pamilyar na boses.

Agad na inalis ng lalaki ang pagkahawak niya sa braso ko at itinaas ang magkabilang kamay niya.

"Chill Bro" at agad na silang umalis ng kasama niya.

Napalingon ako sa taong nagtanggol sa akin at halos matanggal naman yung panga ko ng makita ko siya.

"J-Jorge?" nauutal na tawag ko sa pangalan niya.

Napa-smirk lang ito sa akin at hinila ako papunta sa magiging upuan ko.

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now