Chapter 48

1.8K 59 6
                                    

#BC3Friends


Jhoey's POV


"ang dami naman ata ng inorder natin?" napakamot ako ng ulo ng dumating na yung mga inorder namin. Nasa isang pizza parlor kami ngayon, dito ako dinala ni Mei.

"sabi mo naman libre, eh di susulitin ko na" tuwang-tuwa naman ang isang toh na parang bata.

"parang pinagti-tripan mo lang naman ata ako eh. Broken hearted ka ba talaga?" kakaiba din ang isang toh. Parang di lang umiyak kanina, ang saya-saya na niya kasi. pero nakakahawa yung masayang vibes niya ah.

"oh, nakangiti ka jan? Attack na! Para naman makaalis na tayo"

"huh? May pupuntahan pa pala tayo?"

"Oo, diba sabi mo gusto mong pagaanin yung loob ko?"

"sinabi ko ba yun?" napanguso naman ito.

"hindi, pero parang ganun na din kasi inaya mo ako ng libre."

"HAHAHA, oo na sige na kumain ka na jan." bumalik naman ulit ang ngiti sa kanyang mga labi. Grabe naman ata ang mood shifts ng babaeng ito.


Pagkatapos naming kumain ay nag-aya naman siyang maglakad-lakad muna kami sa mall, pampatanggal daw ng pagkabusog . Ng makakita kami ng isang ice cream stall, pinaghihila na naman niya ako.


"libre" nakangising sabi niya.


"Ang lakas mo naman atang kumain para sa isang babae" napailing-iling na lamang ako habang inaabutan ko na ng pera yung tindera ng stall.

"eh sabi mo 'libre' kaya lulubusin ko na" hinawakan niya yung braso ko tas hinila papunta sa isang bench sa may center.


A moment of silence


"alam mo kung ano yung nagpapagaan ng loob ko?" bigla niyang tanong sa akin habang kumakain pa din ng ice cream.

"Pagkain?" hinampas niya naman yung braso ko sabay tawa.

"bukod doon meron pa"

"sirit na ba?" tanong niya ng mahalata niyang wala na akong maisip.


Tumango naman ako.


Lumapit ito sa may tenga ko at bumulong ng, "cute boys . . ."

Lumayo ito at tumawa ulit. Napatawa na lang din ako, ang cute niya kasi. Para talaga siyang bata.

"Lika, hanap tayo." tapos napatingin ito sa bawat tao na napapadaan sa harapan namin.


"LOOOOK" kinakalabit niya yung shirt ko, "ang cute nung guy!"


"yun pa ohhhh"


"at yun din"


Napailing lamang ako ng napailing habang kilig na kilig naman siya na parang ewan.


"hoy, ba't di mo ko sinasabayan? Ayaw mo ba yung mga tipo ko? Cute naman sila ah" nakangusong wika niya sa akin.

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now