Chapter 31

1.6K 53 1
                                    

#BC3Friends

Max's POV


Nasa may cafeteria ako ngayon at inaantay ang dalawa kong love birds na kaibigan. Mula nung naging sila, pana'y sila na lang yung nagsasama. Saka na lang siguro pag nag-aaway sila o di naman kaya pagka-naaalala lang nila ako saka nila ako sinasama.


*insert ma-dramang mukha*


"Hi Maxxy!" masayang bati sa akin ni Pat.


'himala ata di sila magkasama ni Jorge? Nagkatampuhan na naman kaya sila?'


"what's with the bitter face?" at talagang natatawa pa niya akong tinatanong. Mas kumunot pa tuloy yung noo ko, "nagtatampo ako sa inyo" sabay cross-arms ko.

"Asus, etong bff ko naman nagtatamporurot na naman ehhh" sabay kiliti-kiliti sa akin sa may tagiliran ko.

"Hmmmphh" Pinatigil ko ito at ipinatong ko sa may lamesa yung baba ko sabay nguso, 

"Palagi na lang naman kasi kayong ganyan"

"Asuss naman Maxxy ehh" inakap niya naman ako at ipinatong niya ang kanyang baba sa may balikat ko.

Bigla naman akong napaupo ng maayos ng makita ko si Adrian na may kasamang babae. Kaklase niya yun base sa suot na lab coat. Hindi ako mag-iisip ng masama kay Adrian, di pa rin naman siya nagbabago -- cold as ice pa din yung expression. Pero doon ako naiinis sa babae, kung maka tawa parang kinikiliti siya ni Adrian tapos may pahampas-hampas pa itong nalalaman.

"Aish naman" napakunot-noo ako.

"hay naku Maxxy, di ka pa ba napapagod jan kay Adrian?" tanong sa akin ni Pat.

Napatingin ako sa kanya at napailing, "ehh halos nakikita mo na siya araw-araw sa inyo tapos pati dito sinusundan mo. Baka naman magsawa na siya sa mukha mo"

"Patty naman eh"

"sinasabi ko lang yung maaring maging resulta. Baka imbis mainlove sayo, magsawa pa tuloy yan. At saka, diba dapat ang lalaki ang hahabol hindi ang babae."

"Pero Pat hindi naman kasi ganoon si Adrian."

"Alin? yung hindi siya lalaki?" sabay tawa pa nito kaya binatokan ko.

"PATRICIA!"

"Joke lang, eto naman." hnihimas-himas nito ang kanyang batok, "malay mo baka nagkapalit pala sila ni Jhoey ng katawan."

I just glared at her.

"Pero seriouso Max, dapat siguro wag mo ng dalasan. Masasanay yan, naku ekaw din"

"Anong gusto mong gawin ko, tutunganga na lang tapos titi-tigan siya hanggang sa makuha siya ng iba?"

"Hindi. What I mean is that, Iparamdam mong hindi sa lahat ng oras ay susunod-sunod ka sa kanya, kumbaga magpapamiss ka sa kanya. Para naman masukat natin kung may effect ba yung presensya mo sa kanya."

"eh paano kung hindi niya ako ma-miss?"

Hinawakan niya yung kanang balikat ko, "panahon na para mag move on"

"Patty naman eh" sabay nguso ko at napasandal naman ito sa balikat ko,

"Max, may mga bagay lang talaga na kahit anong pilit natin ay di talaga magiging atin. Mahirap mang tanggapin pero yun ang kailangan upang di na tuluyang madurog pa ang ating damdamin."

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now