Chapter 9

1.6K 53 8
                                    

#BC3FirstTrial

[14 years ago; After the honeymoon]

Tony's POV


"Welcome Home!" gulat na gulat ako ng buksan ko ang pintuan ng bahay. Andito pala silang lahat, ang Mendez family, sina Anthony at Joe.

"Ma, Pa?" lumapit si Andria sa mga magulang niya at binati niya ito ng yakap.

"Kamusta anak? Okay lang ba ang honeymoon?" narinig kong tanong ni Mrs. Mendez sa kanya.

"Mama naman, wag mo po akong tanungin ng ganyan" nahihiyang wika nito sa kanya.

"So ano na? Magiging ninong na ba ako?" lumapit naman si Joe sa akin sabay gulo-gulo sa buhok ko habang nakaakbay pa talaga na parang unggoy.

"Aray ano ba" grabe lang kasi kung maka-akbay, babaliin ata yung balikat ko.

"Ilang anak ba balak niyo?" tanong ni Anthony.

"Okay na din siguro ang  lima?" sagot ko.

"ano yan, parang pang basketball team lang?" at nagtawanan naman kami dahil sa hirit ni Joe.

"Magkakaanak?!" napatingin kaming lahat ng biglang nagsalita si Mr. Mendez. "Mukhang impossible yan" halata sa tono nito ang pagiging sarcastiko.

"Papa---"

"So ano magaadopt kayo? Sa papel niyo lang naman magiging anak! Hindi niyo tunay na kadugo kaya hindi niyo tunay na anak!" hala ano toh? ba't parang umiba na ata ang timpla niya ngayon.

"Papa ano po bang nangyayari sayo?" tanong ni Andre sa kanya habang halata naman sa mukha ni Andria ang pag-aalala.

"Nagsisisi ako lang naman ako sa desisyon kung ipakasal anak ko sayo!" lumapit ito sa akin at tinuro ako sa mukha. "marami ka ngang pera, pero di mabibili ng pera mo ang apo ko na galing sa dugo't laman ng anak ko!" sabay walkout nito.

"Papa..." hinabol naman ni Mrs. Mendez at Andre si Mr. Mendez habang nanigas naman ako na parang bato dito sa kinatatayuan ko.

"Bro?" lumapit si Joe sa akin pero yung paningin ko ay nakatingin lang kay Andria na kagaya ko ay gulat din sa pangyayari.


Natapos ang araw na ito na di kami nagkikibuan. Di ko alam anong sasabihin ko o kung meron man, di ko alam kung paano ko i-o-open up.

'Ba't ganun? Aprob na  naman ako sa kanya bago kami nagpakasal ah. Ba't ngayon parang ayaw na? Dahil ba dun sa di ko mabigyan ng tunay na anak si Andria?' napatingin ako sa kanya ng lumabas ito mula sa banyo.


Dito muna kami nagstay sa mansion since hindi ko pa nasesettle kung saang lugar kami lilipat. Plano ko nga sanang sa U.S pero since di ko pa maoopen up yang topic na yan, dito na lang muna kami pansamantala.


Napahiga na si Andria sa kama habang nakaupo pa din ako sa may sofa. 

Sobrang nakakadrain ng energy, di lang dahil sa biyahe pati na din doon sa nangyari. 

'Siguro dapat kausapin ko muna si Mr. Mendez tungkol dito. Sigurado naman akong maayos pa toh'


"Andria" sawakas ay nagawa ko na ding magsalita.

"hhmm?"

"uhmm , yung tungkol kanina..."

"wag na lang muna natin pag-usapan yan" napabuntong-hininga na lamang ako at napatingin sa may kesame. 

Natulog kaming dalawa na hindi magkayakap. Siguro dahil parehong occupied ang mga isip namin at Awkward? Hindi ko alam. 

'Sana naman maayos na toh agad.'

~

Nagising ako kinaumagahan na wala na ito sa tabi ko. 

"Andria?" agad naman akong napatayo at hinanap siya. Naging kampante naman ako ng makita ko siyang naghahanda ng almusal sa may kusina.

"Good morning" bati ko sa kanya.

Binigyan niya lang ako ng faint smile saka inilapag ang mga pagkain na niluto niya sa may lamesa. "breakfast?" 

Hanggang ngayon hindi pa din kami masyadong nagkikibuan. 


"Pupuntahan ko si Papa ngayon" pambabasag niya sa katahimikan.

"gusto mo samahan kita?" tanong ko sa kanya.

"wag na, mukhang hindi ito yung tamang panahon para sumama ka" medjo kumirto ang puso ko dahil doon sa sinabi niya.

"S-sige, papasok na lang muna ako sa trabaho" kahit wala pa ako sa mood ay yun na lang din siguro ang gagawin ko kesa tumambay lang ako dito sa loob ng mansion buong maghapon na walang ginagawa. Mapapraning pa ako kakaisip tungkol doon sa nangyari.

~

Andria's POV


Hindi ko alam kung bakit biglang nagiba si Papa. Parang biglang nagiba ang isip nito at biglang tutol na sa relasyon namin ni Tony. 

Hindi ko halos magawang makausap si Tony kasi yung puso't isipan ko in shock.


'Pupuntahan ko na lamang si Papa bukas' wika ko sa aking isipan bago tuluyang nakatulog.


Kinabukasan,

Pagkatapos mag almusal ay agad ko na itong pinuntahan. 


"susunduin na lamang kita mamaya?" tanong sa akin ni Tony ng makarating na kami sa tapat ng bahay ng parents ko (sa mansion na kasi yung bahay KO ngayon. Hehe)

"wag na, magtataxi na lamang ako"

"ano ka ba, asawa kita. Susunduin kita" hinalikan niya naman ako sa noo. "ingat" at bumaba na ako mula sa kotse.

"Andria" sinalubungan ako ni Mama ng yakap ng makita niya ako. "napadalaw ka?"

"si Papa po?" biglang nagiba ang ekspresyon ng mukha nito, mukhang alam na din niya kasi kung ano yung sadya ko.

"Pasensya ka na ulit sa papa mo kahapon anak ah"

"Mama ano po ba ang nangyayari?"

"hindi ko nga alam ba't nagkakaganyan siya."

"nasaan po pala siya?"

"nagjogging"

"po? kailan pa po nagjo-jog si Papa? Di naman yun mahilig ah sa pagkakaalala ko." nagtatakang sabi ko kay Mama.

"Yung dating kaibigan mo kasi nagawi dito at niyayaya niya yung Papa mo." sagot ni Mama sa akin.

"po? Kaibigan? Sino?"

"Good Morning Princess" pareho kaming napalingon ni Mama ng marinig namin ang boses ni Papa.

"Good Morning Chloe" bati ng lalaking kasama niya.

.

.

.

.

.

.

"Paul?"

===

A/n: Biglang nagpop-in itong plot na toh ng dahil sa comment ng isang reader, hehe. Pasensya na kung medjo na pa fast forward ako. i-faflashback ko na lang.

*Unedited Version

By Chance III (TiAom)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt