Chapter 10

1.9K 62 9
                                    

#BC3FirstTrial [Part II]

Andria's POV


"Paul?" bulalas ko ng makita ko yung lalaking kasama ni Papa. Nakababata siyang kapatid ng childhood bestfriend ko na si Pam, which is matagal ko ng di nakikita.

"Hi Chloe, nice seeing you again" lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Nagdadalawang isip naman ako kung yayakapin ko ba siya o hindi. May masamang kutob kasi ako sa kanya ngunit di ko naman tukoy kung ano at kung bakit.

"Kamusta?" tanong niya ng kumawala ito sa yakap.

"Fine, I guess?"

Bahagya naman itong napatawa dahil doon sa naging sagot ko.

"Oh pumasok muna kayong dalawa dito sa bahay para maka pag-almusal kayo" tawag sa amin ni Papa.

~

"Si Pam?" tanong ko ng makarating na kami sa may dining area.

"Ahhmm-Ayun nagt-trabaho pa din" mukhang hindi ito sigurado sa kanyang sagot. 

"Sana man lang sumama siya sayo sa pagbisita. Matagal ko na din siyang hindi nakikita"

"Matagal?" pagulit ni Paul na siyang pagsiko naman ni Papa sa kanya.

'Wierd?' napatingin ako kay Mama, asking her anong nangyayari pero pati siya parang may gustong itago din sa akin. Bakit?

"So, Paul hanggang kailan ka ba dito?" binago ni Papa ng topic to lessen the tension.

"baka next month" sagot nito.

"why not samahan mo siya anak na magbakasyon, tour him around" sabi naman ni Papa sa akin.

"Ahmm Papa, hindi po ako sure"

"bakit naman? dahil ba kay Tony? Wag kang magalala ako na bahala sa kanya" nakangiting wika sa akin ni Papa.

"pero papa"

"susundin mo naman si Papa princess diba?" 

"o-opo" wala akong magawa. Di ko alam anong nangyayari at bakit nagiging ganito si Papa all of the sudden.

Napatingin na lamang ako kay Paul na siyang nakangiti naman sa akin.

~

Tony's POV


Hindi na ako dumaan sa Mendez residence ng magtext sa akin si Andria na nakauwi na daw ito.

"Sweetie?" tawag ko ng makapasok na ako sa bahay.

"Good Evening po Master" pagbati sa akin ng katulong namin.

"Si Andria?" tanong ko

"Nasa itaas po" agad naman akong umakyat at pinuntahan siya sa kwarto. Nanlaki naman ang mga mata ko ng maabutan ko siyang nagiimpake.

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now