Chapter 13

1.9K 56 0
                                    


Max's POV


Sobrang saya ko ng malamang isasama ako nina Tita sa Disneyland! Eto na yung first time na lalabas ako ng bansa at makakasakay din ng eroplano!!

Sabi pa sa akin ni Tito, sagot na niya lahat! From tourist visa ko to plane ticket. Kyyaaahhh!!


Eh kaso, KJ naman 'toh bigla si PAPA.


"Nak, bibisitahin pala natin yung Mama mo sa probinsya" sabi niya sa akin the night before yung alis namin.

"pero papa, di ba po sasama ako kina Tita Andria?" mangiyak-ngiyak na sabi ko. Yung feeling na sobrang excited kana tapos parang biglang babasagin na lang.

"Oo alam ko, pero matagal na din kasi tayong di nakakabisita sa puntod niya. Namimiss ka na din ng mga pinsan mo" wika niya sa akin.


sighed


Ano pa bang magagawa ko. May point din naman si Papa eh.

~

"next time sana makasama kana" niyakap ako ni Tita ng matapos na nitong ilagay lahat ng gamit nila sa likod ng van.

"sana nga po" tinatry kong itago ang nalulungkot kong emosyon.

"HAHAH! Salamat at di ka sasama" nangaasar na sabi sa akin Jhoey. "Hindi masisira ang birthday ko" at nilabasan pa niya ako ng dila habang nagma-make faces.

Dinilatan ko lang din siya at napacross arms ako.

"Jhoey, tama na yan" sita sa kanya ni Tita. "Oh Max, sure ka bang magiging okay ka lang dito?"

"Opo, darating na din naman po si Papa mamaya. Baka bibiyahe na din kami mamayang hapon"

"Mag ingat ka dito iha" habilin sa akin ni Tito.

Tungo naman ako sabay ngiti.

Parang hangin lang ako ng lagpasan ako ni Adrian.

"Teka.." napahinto ito at napatingin din sila sa akin.

"Uhmmm, have a safe trip, Adrian..." I paused. "...at sa inyong lahat" nakita kong ngumiti sina Tito at Tita. Medjo napatingin lang sa akin si Adrian bago siya sumakay sa loob ng van.

"di bale.." napatingin naman ako kay Jhoey, "I will send you pictures naman.... na I Know KAKAINGGITAN MO!!!" *bleeeeeeehhhhhh* sabay takbo niya papasok sa van.

*insert sad and pouting face*

~

Ng umalis na sila ay naiwan na akong mag-isa dito sa bahay. Not totally mag-isa kasi andito naman si Manang Lulu kasama ko. Hindi ko din naman dapat alalahanin ang security sa bahay na toh kasi sa may gate pa lang ng subdivision, daig pa ang pinagsamang NBI at FBI kung maka-inspect at makabantay.

Bored na bored akong nanonood ng tv ng biglang tawagan ako ni Papa.

'Maxxy may sasabihin ako pero wag kang magagalit ah' sabi niya sa akin ng sagutin ko ang tawag niya. Bigla naman akong napaupo ng maayos sa sofa at napa-cross fingers habang inaatay ang kabuoan ng sasabihin niya.

"Huwag mong sasabihing hindi tayo matutuloy Papa" panghuhula ko ng hindi pa ito agad na umimik.

'Sorry Maxxy'

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now