Chapter 43

1.4K 54 1
                                    

#BC3FriendshipOver

.

.

.

.

"JHOEY!" sigaw nito at mabilis na tumakbo. Hinatak niya ito sa kwelyo at sinuntok ng napakalakas.


"TRAIDOR!" he was so furious. Agad na pumasok sila Row at pinigilan si Rupert, susuntukin na naman sana niya ulit ito na kasalukuyang nakahiga sa sahig.

"Jhoey" tinulungan naman siya ni Aly na tumayo.

"Let go off me! I'll teach this bastard a lesson!!" sigaw niya.

"Rupert stop!" naiiyak na wika ni Aly.

Jhoey felt the stinging pain from her lips. She stared at her friend who was so furious, "Kaibigan mo ko! Ba't mo ko tinalo!? Di mo ba alam ang bro code??!" pilit pa din nitong makawala mula sa pagkahawak ni Row. "Kailan pa toh? Kaya ba di binubuksan ni Aly yung puso niya para sa akin kasi inaahas mo siya?!"

Iniwas ni Jhoey ang tingin, at walang ni isang salita ang gusto nitong ilabas. Nanatili siyang tahimik.

"Rupert!" nakawala ito at sumuntok sila ulit, this time sa may tiyan at sa kaliwang bahagi ng mukha, "Tama na!" hindi pa din ito lumalaban because she kept on telling to herself that she deserves it. "Tama na Rupert!" tinutulak siya ni Alyanna papalayo.

"Anong ka---hoy ano yan!" sigaw ni Cliff at dali-daling pinigilang si Rupert na magpapakawala na naman sana ng isang suntok. "Awat na!"


"Jhoey!" nag-aalalang sigaw ng kuya niya.


"what's happening here?" si Tiff yun at kasama na niya ang iba na kakarating lang. Si Jonas naman pumagitna na sa kanila at nagsilbing barrier. Ayaw pa din kasing paawat ni Rupert at pilit pa din kumakawala.

"That Bastard inaahas ang fiancee ko!!" sigaw niya.

"what?!" si Pat naman yun at tila gulat na gulat din sa nangyayari.

"Rupert, hindi mo ako fiancee and I'll never be!" depensa ni Aly.

"pero kahit na, inaagaw ka pa din niya!"

"hindi niya ako inaagaw sa'yo kasi wala namang tayo! At Mahal ko Jhoey, I love her not you!" napahinto ito ng marinig ang sinabi ni Aly. Para itong nanigas sa kanyang kinatatayuan.


"Get him out! NOW!" nagulat silang lahat kasi first time nilang marinig na sumisigaw si Adrian. He's really mad. 

Never pang narinig ni Max na sumigaw ng ganoon si Adrian, kahit sobrang naaannoy o naiinis na ito sa kanya. Ibang klaseng ang galit na nararamdaman niya ngayon.


"Halika na nga" hinila ni Cliff si Rupert palabas ng kwarto, "ang bata-bata niyo pa nagkikipagbugbugan na para sa isang babae" pailing-iling na wika pa nito.


Ng mailabas nasi Rupert ay agad namang inutosan ni AJ si Max na kumuha ng yelo, si Pat naman pinakuha ng first Aid kit na siyang sinamahan naman ni Jorge.


"I'm sorry Jhoey" naiiyak na sabi ni Aly sa kanya at kahit masakit ang mga labi nito ay nginitian niya pa din ito.

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now