Chapter 6

1.8K 66 3
                                    

#BC3LoveAtFirstShout


Jhoey's POV


"Grabe! Sobrang laughtrip talaga ng mukha niya!" tawang-tawa pa din ako habang naaalala ko yung mukha ng Max na yun! Hah! Akala niya. Kinunan ko din siya ng maraming pictures ng makatulog ito sa may sofa doon sa sala namin. 

"Epic 'tong mukha niya dito oh!" sabay pakita sa akin ni Row sa naglalaway na mukha ni Max. Nag apir din kami habang tumatawa pa din.

"Oh guys, tama na yan. Kain muna tayo. Andito tayo para mag celebrate diba?" - Tin 

Oo nga pala tapos na yung valentines day concert namin sa school at andito kami ngayon sa mall para mag celebrate. Mall to na pagmamay-ari ng family ni Rupert, kaya kahit sa murang edad namin na  ito pinapayagan na kaming gumala. Bantay sarado din naman kasi kami dito.

Dito kami kumain sa G-Restaurant which is pagmamay-ari naman namin. Kaya libre kaming lahat sa araw na ito.

"pagkatapos natin kumain, arcade din muna tayo. I-ask dad na din kasi about this and libre niya daw tayong lahat! Play-all-you-can!! " Pag-aya ni Rupert sa amin. 

Halos lahat naman kaming magbabarkada ay may kaya sa buhay. Si Rupert, Malls ang negosyo ng family nila. 

Sina Jaq naman at Row ay meron silang Film Production Corporation and naghahandle din sila ng mga talents for showbiz. Di na ako magtataka kung isang araw, isa sa kanila ay papasok sa showbiz. Pero sabi ni Jaq sa amin mag fofocus daw siya sa pag gawa ng film, ewan ko jan kay Row, mailap kasi pag napapagusapan namin yan. 

Si Celestine naman ay meron silang Architecture firm. Plano niya ngang kumuha ng architecture pagtungtung namin ng college. Aside sa hilig niya sa pag guitara, hilig din niya ang pagdadrawing. Expected na din kasi ng parents niya na yan ang kukunin niya since nasa linya na ng family nila ang kursong yan.

As of for me naman, you all know naman siguro yung tungkol sa family businesses namin. Businesses kasi madami. From Sweets to hotels, restaurants, car factory, and even high-tech machine and gadget factories meron kami, I mean ang Papa ko kasi siya naman yung nagpapatakbo ng mga negosyo. Di na din namin yun pinagtataka ni kuya kung once in while lang siya umuuwi, madami kasi siyang inaasikaso. Kaya ko din naisip na pagtungtung ko ng college ay kukuha din ako ng same course as hers, para naman matulungan ko siya. Gusto kong ipagpatuloy ang legacy ni Papa. 

"Guys, dadaan lang muna ako sa bookstore." paalam ko kina Jaq ng papunta na kami sa arcade. "May pinapabili kasi si kuya, sabi niya makakatulong daw sa akin yun para sa advance lesson ko for grade 6"

"grabe naman yan Jhoey! may 3 months to go pa nga tayo bago tayo mag grade 6" wika sa akin ni Row.

"at saka may 1 month pa nga tayo bago matapos ang school year na toh" dagdag naman ni Rupert.

"and what's the use of gadgets and internet? Kailangan pa talag bumili ng libro?" hirit din ni Tin.

"wag na nga kayong kumontra, at saka ibibili ko din si kuya ng word puzzle" at tumakbo na ako palayo. Baka kasi kung ano na naman ang isasabat nila sa akin.

Di rin naman ako nagtagal at nabilin ko na yung kinakailangan kong bilhin. 

"Ilang oras na naman kaya ang mauubos ni kuya para masagutan niya lahat ng toh?" tanong ko sa sarili habang hawak-hawak ang binili ko. Ang galing talaga kasi ni kuya sa mga ganito. Yung latest record niya kasi is 2 hours with snack breaks pa yun.

"Paano kung di siya magtatake ng break masasagutan ni--- *booogggsssh* tumilapon yung binili ko habang natapon naman yung cappuccino nung nabunggo ko sa damit niya.

"The Eff!" she cursed at napatingin sa akin ng masama. 



Habang ako naman,

.

.

.

.

.

.

Parang timang na nakatitig sa kanya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

DUGDUGDUGDUGDUG

.

.

.

.

.

'this feeling, ano toh?' napatitig lang ako sa kanya habang inis na inis yung babae sa akin. Mukhang may sinasabi din ito sa akin ngunit di ko maintindihan kasi masyado akong namangha sa kagandahan niya.


'wait, ano? kagandahan?'



"---nakikinig kaba?" I snapped out ng bigla niya akong sigawan.

"h-huh?" para talaga akong tanga.

"Aurgh! You know what Miss, just pay for my dress and we're done." napabalik diwa ako ng sinabi niya sa akin yun.

"Oh, yeah..." sabay kuha ko ng wallet at inabot sa kanya ang 3K. "sapat na ba toh?"

Tinaasan niya naman ako ng kilay, "do you think my dress is this cheap?! This is worth 10K!" 

"what?! But that's all I have" kahit gusto kong magalit sa kanya, di ko magawa 'WHY?!'

She sighed and rolled her eyes on me, "you know what, this is enough. I'll go ahead, you are not worthy of my time" sabay bunggo pa niya sa akin.

Para naman akong na dumbfounded, I can't even say a word. 


'Ano ba kasing nangyayari sa akin?!' Napalingon ako at sinundan siya ng tingin, 

"Ano bang ginawa ng babaeng yun sa akin?!"

===

*Unedited Version

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now