Chapter 59

1.8K 71 2
                                    

#BC3JhoeyAndHerMusicalTalent


Jhoey's POV



Sabi nila, Time heals all wounds.



Kasama na din ba yung sugat na dulot ng unang pag-ibig?


Ayon kay Papa, Hindi si Mama yung first love niya ngunit wala siyang doubt sa thought na si Mama ang One True Love niya.



By Chance, ganun din kaya ang mangyayari sa akin?



Hinubog ng unang pag-ibig si Papa. She discovered and found her real identity. She became someone she thought she would never be. Kahit naging masakit man, ngunit mas pinatatag naman siya nito.



By Chance, ganun din kaya ang mangyayari sa akin?



Kung sakali man, ilang relationship pa kaya yung mapupuntahan ko bago ko makikilala yung one true love ko?



I leaned on the counter table habang pinaglalaruan yung mug ko na naglalaman ng hot choco.


Lumilipad sa kawalan yung isipan ko habang nakikinig ng soft jazz music.



"Psst.." napalingon naman ako at nakita si Mei na nakasilip sa may gilid ng pintuan sa may entrance ng kitchen



"Ready?" tanong ko at tumayo na ng maayos. Almost an hour na din kasi akong nag-aantay. Yung totoo, ganito ba talaga ang mga straight girls pagdating sa pagbibihis?



Natigilan naman akong mapansin kong medjo nakatulala ito sa akin habang nakasilip pa din sa may pintuan.



"Oh? Tulala ka jan? Ganyan na ba ako ka gwapo?" sabay kindat ko na siyang ikina-sama niya naman ng tingin sa akin.


"Sira!"


I chuckled, "ano bang ginagawa mo jan? Ta--" lalapitan ko na sana ito ng bigla niya akong pinahinto.


"Teka, jan ka lang!"


"huh? Bakit? Tara na, baka ma-late pa tayo. Isang oras na lang. Nakakahiya naman at saka gusto kong ma--kita---"



Natigilan naman ako ng tuluyan na itong lumabas mula sa pagtatago niya.

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now