Chapter 20

2K 55 4
                                    

Jorge's POV


Kilala niyo na ako diba? Di na ako mag iintroduce ulit.


Andito ako ngayon sa labas ng office, inaantay si Max. Ngayon na kasi niya makukuha yung result ng acceleration exam niya.

'Makakapasa siya!' si Max pa. Alam ko namang may kakayahan talaga si Max, sadyang di lang niya ginagamit yung kakayahan niya. Easy-go-lucky lang kasi, at panay Adrian lang ang nasa isip. 

Mula pagbata ay magkasama at magkakilala na kaya kamia, alam ko na yung mga kaya niya at ang mga limitations niya.

Napatingin ako kay Pat na kanina pa palakad-lakad at di mapakali. 

'Oo nga pala, ilang araw na kaming di nag-uusap nito. Ininsulto ba naman ako! I'm trying to be kind to her na nga eh. Ang arte-arte pa din, tss.' napairap ako at napatingin muli sa pintuan ng office.

"kumalma ka nga, wala ka bang tiwala kay Max?" sinabi ko iyon sa kanya, without looking at her.

Ramdam kong napatingin ito sa akin at napahinto ito sa kakalakad. Bumuntong-hininga siya at umupo sa tabi ko.

'eh sa yun lang ang bakanteng upuan eh.' kahit medjo nagtatampo ako sa kanya, di ko pa din magawang magalit sa kanya. Eh paano kasi, tinamaan na ako sa babaeng ito.


haist!


Oo, crush ko Pat, simula noong nakilala ko siya. Bago pa man sila naging magkaibigan ni Max, Eh kaso, ang sungit at sobrang homophobic kaya di ko magawa-gawang lapitan o di kaya kaibiganin. Mabuti na lang talaga at naging close sila ni Max. Eh kaso, kahit magkakasama kaming apat, di pa din niya ako masyadong iniimik. Ni hindi nga kami nagkaroon ng seriousong usapan o kahit usapang magkaibigan man lang.


Kaya para mapansin niya ako kahit papaano ay dinadaan ko na lamang sa pambabara. Inaasar ko siya para kahit paano ay malaman niyang, I exist! Sobrang saya ko nga ng malaman kong magiging magkaklase na kami, kasi AKALA ko chance na yun para maging close kami. Pero maraming namamatay sa MALING AKALA diba.


*face palm*


Na awkward naman ako ng bigla siyang napatingin sa akin.


"Ang dami namang lamok dito" palusot dot com baka sabihin niyang nababaliw na ako. Di ko alam kong tama ba yung nakita ko, pero nakita ko ata siyang napangiti.


'Gotcha!'


Pareho naman kaming napalingon ng biglang bumukas na yung pinto.


"Max!" sabay naming tawag sa kanya at agad na nilapitan ito.


"Kamusta?" si Pat muna yung nagtanong.


Di ko naman maiwasang magsimulang mangamba, yung mukha kasi ni Max di maipinta.


"Max?" medjo inuyog ko yung balikat niya. Napatingin siya sa akin at yung mga mata niya sobrang lungkot.


"M-Ma--"


"NAKAPASA AKOOOO!!!" di ko na naituloy yung sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw. 

By Chance III (TiAom)Where stories live. Discover now