Chapter 9: A Day with Josh and the Promise

847 28 2
                                    

Chapter 9: A Day with Josh and the Promise


Ariel


Three days simula nang bumalik ang ala-ala ni Archangel Gabriel, naging close namin ni Raphael si Gab. Tatlong araw na naming hinahanap ang kaluluwa niya sa nasabing hospital pero hindi pa rin namin nakikita. Sa katunayan, hindi naman talaga namin alam kung paano makikita ang kaluluwa niya dahil sa wala namang nakakakita sa amin ng kaluluwa. "Bakit hindi mo na lang siya tawagin, Gabriel?" suhestiyon ni Raphael. Nasa garden kami ng hospital ngayon at naghahanap pa rin. "Kung pwede ko nga lang gawin, ginawa ko na. Raphael, iba ang ayos ng katawan ng taong ito. He has an special gift from God. Hindi ganon kadaling kontrolin ang katawan niya. If Jophiel is here, he may help us. Matalino si Jophiel and he is creative angel." malungkot na sabi ni Gabriel. Napaisip ako. Maaari ngang makatulong siya sa amin. "I'll try to retrieved him." confident kong sabi. "Alam mo na ba kung nasaan siya?" agad na tanong ni Gabriel sa akin. "Oo." matapang at sigurado kong sagot. "Sige, may tiwala naman ako sa iyo." huling sabi niya bago siya nagpaalam na mauuna na raw siya.

Sabay kami ni Raphael na umalis ng ospital at umuwi na. Sa bahay, may naghihintay sa akin na isang biyaya. Hindi ko na kailangan pang hanapin siya dahil narito na siya mismo sa bahay namin. "Ariel, Raphael, buti umuwi na kayo. Kanina pa kasi hinahanap ni Josh si Ariel eh!" salubong ni Micah sa amin. Si Josh, ang archangel na si Jophiel ay nandito sa bahay at sinundo ako. "Ganon ba! Sorry, Josh kung pinag-hintay kita ng matagal." magalang kong sabi. Ngumiti siya sa akin. "Okay lang iyon. Tara, alis tayo." yaya niya. Tumingin ako sa direksyon ni Raphael. Nakita ko na naman ang lungkot sa mga mata niya. Lumayo muna ako kay Josh at sinabing magpapaalam muna ako kay Raphael. Lumapit ako kay Raphael at tinanong siya kung bakit siya nalulungkot. "Hindi niya naramdaman ang presence ko. Walang dilaw na liwanag akong nakita nang magkasalubong ang mga mata namin kanina." malungkot niyang sabi. Nalungkot din ako sa sinabi niya. Si Archangel Gabriel na recognize ang presence niya kahit hindi siya naalala nito sa pamamagitan ng shake hands nila pero si Archangel Jophiel ay hindi man lang naapektuhan nang magkatinginan sila. Mukhang mahihirapan akong mabalik ang ala-ala ni Jophiel ha! "Wag mo nang alalahanin iyon. Pangako, sa susunod na magkikita kayo, I will assure that he will recognize your presence that time." pampalubag-loob kong sabi sa kanya. Nakita kong ngumiti siya ng medyo alanganin. "I count on you, Ariel." sabi niya at niyaya si Micah na iwan kami ni Josh sa sala.

"Long time no see, Ariel. I miss your company. May I ask you to go out with me?" diretsong sabi ni Josh sa akin. I just nod as my reply. Kailangan ni Jophiel na makaalala. I must find a way pero papaano? Siguro makakaisip ako ng paraan kung magkakasama kami ngayon lang. "Thanks for accepting my invitation. Magbihis ka na, hihintayin kita rito." sabi niya pa. Bago ako pumunta sa silid ko at magbihis, tinanong ko muna siya. "Are you believe in angels?" tanong ko sa kanya. He smiles at me. "Are you already forgotten my answer in that question? I do believe in angels because I am a reincarnation of an angel." walang alinlangan niyang sagot. Kung ganon nga ang paniniwala niya, bakit hindi niya na-recognize ang presence ni Raphael? Maaari kayang ang isang reincarnation ay hindi makakarecognize ng kapwa niya anghel? Kung reincarnation nga siya, paano niya nalaman na reincarnation siya? Namamatay ba ang mga anghel? Kung oo, papaano? Iyan ang mga tanong na nasa isip ko ngayon. Hindi nawala sa isip ko ang mga tanong na iyan hanggang makarating kami ni Josh sa isang napakagandang park. Hindi ko nga masyadong na-appreciate ang ganda ng park na ito because of the things that occupied my thoughts. "Are you okay?" tanong niya sa akin. Nag-nod na lang ako as respond. "Hindi ako naniniwala. Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo naman ako sinasagot. Are you thinking something?" sambit niya sa akin. "Ganon ba, my apology." maikli kong sabi.

"Are you really a reincarnation of an angel?" tanong ko from nowhere. Narinig kong tumawa siya. Kasalukuyan kaming nakaupo sa bench at kumakain ng ice cream. "Paniniwala ko lang iyon. Ewan ko ba paggising ko isang araw, naniniwala na akong reincarnation ako ng arkanghel na si Jophiel. May nakapagsabi sa akin na baliw daw ako pero anong magagawa ko. Alam mo ba? Bago mo ako makilala, ang pagiging reincarnation ng isang anghel lang ang ala-alang mayroon ako. Hindi ko nga alam kung totoo ba iyong nag-iisang ala- alang iyon o hindi eh! Anong magagawa ko? Yun lang ang ala-alang mayroon ako, hindi ko pa paniniwalaan. Siguro iniisip mo ngayon na baliw na ako pero yun ang totoo. Sa katunayan, yun ang dahilan ko kung bakit lumipat ako ng school. I want to explore the beauty of the world and gain memories na pinagkakait sa akin." mahaba niyang sabi habang nakatingin sa langit. Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha sa mga mata niya. Nakita ko ang kalungkutan sa mukha niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya. Hindi ko maintindihan ang sitwasyon niya. Hindi ko maintindihan kung bakit wala siyang ala-ala. Kung kaya ko lang bumalik sa nakaraan at alamin ang pangyayari, ginawa ko na. "My apology." tanging nasabi ko na lang. "Wala kang kasalanan kasi hindi mo naman alam. Nagpapasalamat pa nga ako sa iyo dahil pinaniwalaan mo ako." sabi niya sabay alis ng pagkakayakap ko sa kanya. Maya-maya, pinunasan niya ang mga luhang pumatak sa mga mata niya at pinilit niyang ngumiti. "Tara, let's enjoy this day, Ariel." sabi niya at hinatak niya ako kung saan-saan. Nagpadulas kami. Nagswing. Nag-see saw. At kung anu-ano pang pwedeng gawin sa park. I enjoy his company at nararamdaman kong siya rin.

Finding Archangels 1 (Completed)Where stories live. Discover now