Special Chapter 4: The Life of Jophiel

601 20 0
                                    

SPECIAL CHAPTER 4: The Life of Jophiel

Jophiel's POV

Being a reincarnation of an angel is difficult. Feeling ko kasi may mali. How could I become a reincarnation of an angel? Matagal ko nang tanong iyan sa sarili ko pero wala pa rin akong nakukuhang sagot. "Nak, kakain na." tawag sa akin ni Papa. Hindi ko alam kung bakit kahit kailan hindi ko masuway ang utos ng Papa ko. He is somewhat controlling me. "I am coming." as usual kong sagot at inayos na ang mga transaction na binabalance ko.

Sa hapag-kainan, tinanong ko si Papa, "Pa, how could I become a reincarnation of an angel?" tanong ko sa kanya. Tumagal ng limang minuto ang katahimikan. Maaaring nagdadalawang-isip pa siya kung sasagutin niya ang tanong ko o hindi. "An angel saves you for you to born." maikli ngunit misteryoso niyang sagot. Magtatanong pa sana ako ngunit parang may kung anong enerhiya na pumipigil sa aking magsalita. I feel something controlled me. Lagi ko itong nararamdaman ngunit wala naman akong kayang pagsabihan.

After naming kumain, pumasok na si Papa sa silid niya. Naiwan akong mag-isa sa dining area/kitchen. Una kong nilinis ang lamesa bago ako maghugas ng pinggan na palagi ko namang ginagawa since my father is old enough to do such task.

Habang naghuhugas ako ng pinggan, nakarinig ako ng isang mahiwagang tinig. Mahiwagang tinig na hindi na bago sa akin sapagkat palagi ko itong naririnig kapag nag-iisa na lang ako. Hindi ko pinansin ang tinig katulad ng palagi kong ginagawa.

"Alalahanin mo ako para makalaya ka na." paulit-ulit na sabi ng tinig. Nairita ako sa paulit-ulit na pagsabi niya ng mga katagang iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, I wonder where that voice comes and who is he. In my curiosity, binitiwan ko yung pinggan na hinuhugasan ko at nagsimulang sundan ang pinanggagalingan ng tinig. I badly want to know where it comes from and who is the man behind that voice.

Sinusundan ko lang ang mahiwagang tinig na iyon hanggang sa dalhin niya ako sa attic ng bahay namin. It is my first time na nakarating sa attic. Pinagbabawalan kasi ako ni Papa na pumunta rito without telling me the reason. Sa kauna-unahang pagkakataon, napagmasdan ko na ang attic pala namin ay mayroon mga sinaunang kagamitan para sa salamangka. I wonder who used those things.

Ginala ko pa ang paningin ko sa lugar hanggang sa makita ko ang isang bote na naglalaman ng isang kaluluwa. "Hawakan mo ako para makaalala ka na." sabi ng tinig na nagmumula sa kaluluwang nasa bote. Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari. Am I dreaming? or Is this the reality? "Magmadali ka, Jophiel. Kailangan ka na Niya." utos pa ng tinig. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari but deep inside me wanted to follow the voice's command. Parang pakiramdam ko nasa kanya lahat ng kasagutan.

Lumapit ako sa bote na may lamang kaluluwa. Nang akmang hahawakan ko na ito para mabuksan ay nagbukas ang pintuan sa attic. Iniluwa nito ang aking ama.

"Anong ginagawa mo rito, Joph? Gabi na. May tinatapos ka pang transaction papers." sabi ni Papa na parang hinihypnotize ako.

"May hinahanap lang po ako baka sakaling dito sa attic makita ko. Eh! Wala naman po palang makikitang ganon dito kaya po paalis na rin po ako." sabi ko na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakontra ko ang nag-hihypnotize niyang tinig.

"Ganon ba! O siya, pumunta ka na sa kwarto mo at tapusin mo yung ginagawa mo then matulog ka na. Wag ka na uling pupunta rito sa attic. Walang matinong bagay na nandito. Ako na bahala sa hugasing iniwan mo. " sabi niya sa akin at nagpaalam na ako.

Pagpasok ko sa kwarto ko, tinanong ko ang sarili ko. Sino ba talaga ako? Do I really exist in this world? Kaninong kaluluwa yung nasa bote? Why he calls me? I wonder a lot of things pero deep inside alam ko namang makakalimutan ko rin iyon when I woke up in the morning. Para hindi ko makalimutan lahat ng nangyari ngayon, I open my secret account and type what happened for this day.

I wish someday I will figure out the truth. I wish someday I will return to my original home, the heaven itself. In that thoughts, I fall asleep and wishing that I will remember the things that I saw for this day.

Finding Archangels 1 (Completed)Where stories live. Discover now