Chapter 51: Retrieving Archangel Uriel

528 22 1
                                    


Chapter 51: Retrieving Archangel Uriel


(It is after Ariel and Cham reached Hansel Forest; same time as Defeating Pride)


Ariel Jasmine

Pagdating namin ni Cham sa Hansel Forest ay sinalubong kami nila Lorenzo, Archangel Uriel at Archangel Zadkiel. Dala-dala ni Archangel Zadkiel ang katawan ni Franz. Pinakilala ko si Cham kay Lorenzo since siya lang ang nakikita nito. Halatang nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na ganito ang emergency na sinasabi ko.

"Anong klaseng emergency ito, Ariel?" tanong niya sa akin.

"Pasensya ka na't hindi ko maipapaliwanag. Thank you sa paghatid sa akin dito, Cham. Promise, may utang akong date sa iyo." sabi ko sa kanya.

Narinig kong napabuntong-hininga siya at naglakad na palayo.

"Fine. See you next time." sabi niya na nakatalikod habang nagwave sa akin.

"See you next time, Cham. Thanks for the day. I enjoy it. Sorry kung hindi ko mapapaliwanag ang sitwasyon ko." tugon ko sa kanya at nagwave din.

Tumango lang siya at naglakad palabas ng forest.

I feel really sorry for him.

"I am sorry, Ariel. Nagambala ko ata ang date ninyo." sincere na sabi ni Archangel Uriel sa akin.

Paano ko nasabing si Archangel Uriel yun? Siya lang kasi yung di pamilyar saka may pakpak siya na kumikinang ng purple.

"Wala yun. You're my priority. Let's start na." sabi ko sa kanya at binigyan siya ng isang napakagandang ngiti.

"Paano nga pala tayo magsisimula wala pa yung kaluluwa ng tunay na Franz?" sabi ni Archangel Zadkiel na siyang ikinabagsak ng balikat ng lahat.

We are about to give up ng biglang dumating si St. Peter. Karga-karga niya ang natutulog na kaluluwa ng tunay na Francis Guzman.

"I am just right in time. Simulan ninyo na ang pag-reretrieve kay Uriel at ako na ang bahala kung paano ko papalabasin na natutulog si Franz sa loob ng mahabang panahon malayo sa mga taong bahagi ng buhay niya habang inaakala ng lahat na namatay na siya." sabi ni St. Peter na siyang nagpangiti sa aming lahat.

"Paano ba yan, aalis na muna ako para di ko magambala yung process ninyo." sabi ni Archangel Zadkiel at nagpaalam na sa amin.

Maya-maya naman dumating si Gab at si Arch. Walang sabi-sabi ay nagpakalayo-layo sila sa lugar.

"So, Ariel and Uriel, maiwan ko na rin muna kayo. Baka magkaron ng spiritual disturbance kapag manatili ako sa area. Mararamdaman ko naman kung kailan ako papasok." paalam ni St. Peter at inilapag niya ang kaluluwa ng tunay na Franz.

Pagkaalis niya ay nagsalita si Archangel Uriel.

"Alam mo bang mahal na mahal ko ang forest na ito? Yung eskwelahan na malapit dito ay ako ang nagpatayo. What I mean is, I am the one who encourage the directress of that school na magpatayo ng isang Catholic school sa loob ng gubat. This forest is different from other forest. It gives you a peaceful mind. Makakapagrelax ka dahil sa solo mo ang lugar. Walang mga wild animals dito or even kahit anong hayop maliban na lang sa mga ibon na nadadapo sa mga sanga ng mga puno sa gubat. Those birds were not predators. Mga ordinaryong ibon lang sila. Kadalasan mga humming bird. That is why I really love this place. Kaya ng magkaroon ng kaguluhan dito, na-frustrate talaga ako ng sobra lalo na nung wala akong magawa para panatilihin ang katahimikan sa lugar. I am so sorry, Ariel for this disturbance. Kung hindi ako nagpalamon sa pride ko as angel of peace, hindi ito mangyayari. Sorry talaga!" kwento niya sa akin.

Finding Archangels 1 (Completed)Where stories live. Discover now