Chapter 55: The End of the Quest

914 24 0
                                    

Chapter 55: The End of the Quest to Find the Archangels

Third Person

Pagkasabing-pagkasabi ni St. Peter nun, agad nagtungo sila Ariel sa kwartong kinaroroonan ni Arch. Nakita nilang prenteng-prenteng nakaupo si Arch sa kama habang nagbabasa ng libro.

'Didn't he feel the commotion a while ago?' pagtataka ni Ariel sa isip niya.

"Archie, are you alright?" nag-aalalang tanong ni Archangel Michael sa kanya.
Binaba ni Arch yung librong binabasa niya at kumunot ang noo.

"Archangel, are you being paranoid again? Wala namang masamang nangyari sa akin after nung kung anuman yung sumasakal sa akin kanina. Did something happened? Parang galing kayo sa labanan ha!" sabi niya na halatang clueless.

Tinignan niya isa-isa sila Ariel. Bahagya siyang nagulat nang mapansin niya ang tila nanghihina katawan nila Zach dahil sa nangyari.
"Dumating si Envy. He tried to get you and Gab.

Kinalaban siya nila Ariel sa kabilang silid. Hindi mo namalayan. Andito nga ako para bantayan ka eh!" sabi ni Lorenzo sa kanya.

That message of him became the cue para ngumisi si Arch.

"Anong nangyari kay Envy?" nakangisi pa rin niyang tanong.

Kita ang pagtataka sa lahat ng nilalang sa throne room sa pagngisi ni Arch. Mahirap kasing i interpret ang mga kilos nito.

"Archangels defeat him. End of the story." prenteng sabi naman ni Gab na nag-iisang hindi nagtataka sa pagngisi ng pinsan.

May ideya kaya siya kung bakit ngumisi ito?

Napatango-tango lang si Arch at binalik na sa book shelf yung librong binabasa niya.

"So, ano pang hinihintay natin? Archie, you need to return to your body immediately bago pa tuluyan itong sirain ni Lucifer." sabi ni Archangel Michael.

"I am always ready archangel." sabi naman ni Arch.

Pinaalis na ni Ariel ang mga arkanghel sa silid liban kay Archangel Michael. Lumabas din si Gab, Zach, at Lorenzo dahil ililibot daw sila ng mga arkanghel bago sila umalis.

Pagkaalis na pagkaalis ng lahat ay nagpakawala muna ng isang buntong-hininga si Ariel.

"Hindi ko akalain na malapit na pala matapos ang lahat. Kung pwede lang dito na magtapos ang misyon ko, ginawa ko na. Ngunit, hindi matatapos ang misyon ko hangga't hindi ko nasisiguro ang kaligtasan ng mundo sa kamay ng mga demonyo." sambit ni Ariel.

"Tsk. Ang dami mong drama. Simulan mo na kaya yung incantation para matapos na at mapag-isipan na natin kung papaano natin patataguin muli ang mga demonyo sa lungga nila." masungit na banggit ni Arch.

Halata sa mukha ng dalaga ang labis na pagkainis sa tinuran ng binata.

"Bakit ang sungit-sungit mo? Kung hindi lang dahil kay Archangel Michael, hindi kita pagtutuunan ng pansin eh!" naiinis na wika ni Ariel.

Nagkibit-balikat lang ang binata sa pag-angal ng dalaga na siyang lalo namamg kinainis ng babae.

Bago pa muling mag-away ang dalawa ay nagsalita na ang natitirang arkanghel sa silid.

"Huwag na kayong mag-away. We are allies. We should hold each other's arms and help one another." banggit ng arkanghel na siyang kinapayapa naman ng loob ng dalawa.

Bumuntong-hininga muna si Ariel bago nagpalabas ng asul na apoy at pinalibot sa arkanghel, sa kaluluwa ng lalaki at sa katawan ng lalaki. She feel the strong presence of strength on her body as well as the strong presence of faith.

Finding Archangels 1 (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora