Chapter 53: The Throne of the Archangels

533 22 0
                                    


Chapter 53: The Throne of the Archangels: Introduction to Archangel Michael's Retrival

Third Person

Sa pagpasok nila Ariel sa pilak na pintuan na iyon, buong pagkamangha ang makikita sa kanilang mga mata. Kahit minsan na itong nakita ni Ariel noong anghel pa siya, hindi pa rin maalis ang kanyang pagkamangha sa kwartong iyon.

Ang nasabing silid na may pilak na pintuan ay ang kinaroroonan ng trono ng pitong arkanghel. Tila isa itong bulwagan ng katarungan kung saan mayroong pitong nakapalibot na upuan na gawa sa marmol na may iba't-ibang kulay na nag rerepresenta sa ray nang arkanghel na nakaupo rito. Nakapalibot ang pitong upuan na ito sa isang napakalaking silid na gawa sa salamin ang sahig kung kaya't nakikita mo ang nangyayari sa ibaba. Sa likuran ng mga trono, mayroon isa na namang pintuan na kulay pilak. Tinunton nila Ariel ang pintuan na iyon na siyang nabukas sa pamamagitan ng pitong ray ng mga arkanghel.

Sa pagbukas ng pintuang iyon, bumungad kila Ariel ang isang napakaganda at napakalawak na silid na mayroong dalawang triple bed at isang single bed na malalaking kama, isang malaking ref, pitong cabinet na iba-iba ang kulay at isang napakalaking monitor ng TV. Mayroon ding pitong table na may nakapatong na desktop computers kada isang table. Sa may dulo ng silid ay mayroong isang napakalaking book shelf. Sa may book shelf, nakatayo ang isang lalaki na may mahabang itim na buhok at nakatalikod sa direksyon nila Ariel.

Bakas ng pagtataka ang mukha ni Ariel nang makita niyang isa lamang hamak na tao ang lalaking nakatayo sa may book shelf. Alam niya kasing off limits ang throne of the archangels sa mga kaluluwa ng mga yumaong tao. Nawala naman agad ang pagtataka niya ng tawagin ni Archangel Michael ang pangalan ng lalaking iyon.

"Archie." tawag ni Archangel Michael dito at agad na lumingon ang tinawag na lalaki sa direksyon ng anghel.

Ngumiti ang lalaki pagkakita kay Archangel Michael at agad niyang binaba ang hawak niyang libro para salubungin ng yakap ang anghel.

"Archie, bitawan mo na ako, hindi na ako makahinga. Ikaw din, baka mamatay ako yan!" biro ni Archangel Michael sa lalaki dahil niyakap siya nito ng sobrang higpit.

Tinanggal naman ng lalaki ang yakap niya sa arkanghel at niyuko ang ulo upang magbigay-galang dito.

Hindi pa man humuhudyat ang arkanghel na tinatanggap nito ang paggalang ng lalaki ay itinaas na ni Zach ang ulo nito at tinitigan ng mabuti.

Caramel brown ang dalawang pares ng mata nito na may nakaharang na isang eye glasses. Mayroon siyang matangos na ilong, mapulang labi, maiksing pilik-mata, makapal na kilay na bagay naman sa kanya at balingkinitang katawan.

Kinurot niya ang dalawang pisngi nito na hindi naman katabaan at agad na namula dahil na rin sa maputing kutis.

"Ano ba, Zachary! Akala mo hindi na ako nasasaktan!" masungit na pahayag nito sabay palo ng malakas sa kamay ni Zach na pinampisil ng kanyang pisngi.

Napangiti si Ariel sa scenariong nakita samantalang nakatingin lang si Gab sa mga nangyayari.

Ngumiti ng napakalawak si Zach nang makita ang ekspresyon ng lalaking pinisil niya ang pisngi kanina at nagtatalon-talon.

Tumawa naman ang anim na arkanghel na nanonood sa kanila samantalang nakakunot ang noo ni Archangel Michael.

"Ikaw na nga! Ang masungit at supladong book worm na si Archie Michael De Sevelles. Nakita ko na muli ang totoong si Arch." tumatalon-talon pa rin na wika ni Zach.

Napasimangot ang lalaki na kumpirmadong si Arch De Sevelles at tumungo na lang sa direksyon ni Archangel Michael at nilagpasan si Zach.

"Archangel, buti naman at nakarating ka na rin sa wakas. Akala ko ay balak mo akong itago sa silid na ito sa panghabang panahon." masungit na banggit ni Arch kay Archangel Michael.

Finding Archangels 1 (Completed)Where stories live. Discover now