Chapter 24: Prelude to the Retrieving Process of Archangel Jophiel

589 20 0
                                    

Chapter 24: Prelude to the Retrieving Process of Archangel Jophiel

Ariel's POV

Dahil sa misyon ko, nagpasya akong sabihin kay Mama na pansamantala munang hindi ako uuuwi sa amin. Noong una ay hindi siya pumayag ngunit nang lumaon napapayag ko rin siya. Sinabi niya na matanda na naman na ako at kaya ko ng mag-isa. Napag-isipan ko kasi na habang papalapit akong matapos ang misyon na ito, ay pahirap ng pahirap ang mga pagsubok na kailangan kong daanan. Mas mabuting hindi ako umuuuwi talaga sa amin para hindi nila ako masyadong hanapin kapag nawala ako ng isang linggo katulad na lang ng mag-travel kami sa purgatory na labis ko silang napag-alala.

Nang gabi rin ng Linggo, nakalipat ako sa isang maliit na apartment na pagmamay-ari ng mga De Sevelles. May nakapagsabi nga sa akin na malapit lang daw sa lugar na ito ang mansion ng mga De Sevelles, ang tirahan ni Arch. Maliban doon, nakatanggap rin ako ng isang tawag na nagsasabing siya si Archangel Michael at mag-usap daw kami after kong i-retrieve si Josh. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. Hindi ko rin alam kung papaano niya nalaman ang tungkol sa misyon ko at ang numero ng simcard ko. Hindi ko rin ma-distinguish ang boses niya. Bagama't maraming alinlangan, I am looking forward to know him. Kung hindi siya si Arch De Sevelles, hindi siya ang tunay na Archangel Michael. Basta, saka ko na pag-iisipan iyon, matagal pa naman iyon eh!

Kinabukasan ng Hapon, pumunta na ako sa St. Michael Basillica, ang simbahan na meeting place namin. Pinag-aralan kong mabuti ang mapang ibinigay ng isang lalaking balot na balot ang katawan. Napag-alaman kong tama nga ang mapang iyon. Pumasok nga pala ako sa trabaho kaninang umaga at nag-half day lang ngunit hindi ako nagkaroon ng pagkakataong kausapin si Josh. He became colder and colder each day. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakaupo sa isa sa mga bench ng simbahan sa labas at hinihintay ang pagdating ni Gab.

After 30 minutes of waiting, dumating na rin ang palaging late na si Gab. Napaka-peaceful ng aura niya. Ang gwapo niya sa simpleng white polo shirt and maong pants. No wonder why my bestfriend used to like him. Nag-wave siya sa akin ng mapansin niya ako at ganon din ako sa kanya.

"Kanina ka pa ba?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako ng napatamis sa kanya.

"Don' t worry. Mga 30 minutes lang naman akong naghintay." sabi ko sa kanya at inirapan siya kunwari.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "So childish, Ariel. I am so sorry if I kept you waiting again. Kailangan ko talagang magpa kondisyon eh!" sabi niya.

Napangiti ako sa kanya. I don' t think that the real Gabriel John Deleon had this side. Marami pa nga akong bagay na dapat malaman tungkol sa kanya.

"Alam ko naman. I am just trying to tease you." sabi ko sa kanya at nginitian niya lang ako.

"So, let's go." yaya niya sa akin.

" Hindi na ba natin hihintayin ang mga Archangels?" tanong ko sa kanya.

"They can find us, wherever we go." sabi niya at inilahad ang kaliwa niyang kamay sa akin para alalayan ako.

We are about to step our feet while holds each other hand nang biglang sumulpot sa harapan namin ang tatlong Archangels in their Archangel forms minus their rays.

" Anong hawak-kamay portion ito? Don't tell me, Gab, you like Ariel?" pang-aasar sa amin ni Archangel Gabriel na may pagka-childish talaga kahit kailangan.

"Hindi po, Archangel. I am just transferring energy to her." paliwanag ni Gab sa nanunuksong Archangel.

Napatawa na lang yung tatlong archangels sa depensa niya.

"Mukhang alam ninyo kung saan kayo pupunta ha!" pagpansin ni Archangel Raphael after ng ilang minutong tuksuhan.

"May isang mahiwagang lalaki na nagbigay sa amin ng mapa papunta sa lugar na kinaroroonan ng kaluluwa ni Archangel Jophiel. Binigyan niya rin kami ng invisibility potion na pwede naming magamit para maging invisible kami sa time na pupuntahan namin. He also gives us the chance to used his car na naka-park daw sa likod ng simbahan na ito. Papunta kami sa likod ng simbahan to fetch the car and used it. Automatic daw iyon at hindi na kailangan ng kahit na anong control." sabi ko sa kanila.

Nakita kong nagkatinginan ang mga archangels. Marahil ay pinagtatakahan din nila ang sitwasyong nangyari sa amin kahapon after nilang magpaalam na babalik na sa kani-kanilang trabaho. I see three combining rays na parang may iisang thought but I can't read it.

"Ariel, ang church na ito ay ang church na ipinatayo after iligtas ni Archangel Michael ang lugar sa sunog that is why it is named after him." sabi ni Archangel Chamuel sa amin.

"Sakay siya noon ng isang automatic car na nakakalipad since hindi kami pwedeng magpakita in our full archangel form sa mga tao." dugtong naman ni Archangel Raphael sa kwento kanina ni Archangel Chamuel.

"After mailigtas ang lugar na ito sa sunog, i-pinark niya sa ngayong likod na ng simbahang ito ang kotseng sinakyan niya as indication that he is forever with them.And it is now considered as the greatest treasure of this church. Kaya kailangan natin ng ibayong pag-iingat sa pagkuha at paggamit nito." sabi naman ni Archangel Gabriel.

Nagulat kami ni Gab sa rebelasyong iyon. Nagkatinginan kaming dalawa.

"It only means nakakaalala na si Archangel Michael." medyo statement na patanong kong sabi.

"Maybe. Kung ganon nga, eh di good news." nasabi na lang ni Archangel Gabriel.

Sana nga tama ang conclusion ko.

After naming magkwentuhan regarding kay Archangel Michael, tahimik kaming pumunta sa likod ng simbahan. Nakakatakot. Para tuloy kaming magnanakaw na kukuha ng mahalagang gamit sa isang simbahan. God, pagpasensyahan mo na kami. Desperado lang talaga kaming ma-retrieved ang mga archangels mo.

"So, naughty for your thoughts, Miss." sabi ng isang lalaking balot na balot ang mukha.

Napahawak ako sa bibig ko. Don't tell me, siya rin iyong lalaki kahapon. Ibig bang sabihin nito ang lalaking balot na balot na ito ay si Arch De Sevelles?

"Nice conclusion, Ariel. Kailan mo pa alam na ako si Archangel Michael?" sabi niya sa akin habang unti-unting tinatanggal ang takip niya sa mukha.

Nang matanggal niyang ganap ang takip niya sa mukha ay bahagya akong nagulat. Nasa harapan ko nga ang aloof na si Arch De Sevelles. Teka, bakit niya nababasa ang nasa isip ko?

"I am a mentallist. I have an ability to read minds at will. I also have an ability to control things at will. I can also tell the past and future of the certain person at a certain condition. And lastly, I have a photographic memory. But I am so sorry I can't help you directly. Nahihimatay ako pag tumutulong ako. Don't be afraid to get the car, napagpaalam ko na yan as Archangel Michael sa kura paroko ng simbahan na ito. Enjoy your trip. Mag-usap tayo ng mas malinaw after your fourth mission." sabi niya and he disappears to the mid-air.

Hindi ako nakapagreact man lang dahil sa sobrang shock ko. Bumalik na lang ako sa kamalayan ng tapikin ako ni Archangel Gabriel sa balikat ko.

"Let's go, Ariel. Naghihintay na si Jophiel sa atin. I sensed it." sabi niya at nagpatanggay na lang ako sa kanya.

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok ng tuluyan sa kotse. Archangel Jophiel is the fourth archangel to be retrieved. I am looking forward for this new adventure.

"Are you ready to travel through past, Ariel?" tanong sa akin ni Gab.

"I am always ready, Gab." sabi ko sa kanya at muli niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"When we reach the place, we start our travel. Hold tight." sabi niya sa akin at napahawak talaga ako ng mahigpit sa kamay niya. 

Finding Archangels 1 (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt