Chapter 50: Defeating Pride

523 19 0
                                    

Chapter 50: Defeating Pride

Lorenzo

Gabi na.. Wala pa rin akong natatanggap na tawag sa kahit na kanino sa kanila. Napabuntong-hininga na lang ako at gumawa ng bagong potion. It is the potion that will extend our strength kapag tinurok sa iyo. We need this kind of potion kung sakaling magkakaroon nga ng isang digmaan. Gumagawa rin ako ng healing potion na kapag ininom mo ay maghihilom ang lahat ng sugat mo agad-agad. They can drink this before the battle para hindi rin sila masyadong masugatan. I am mixing ingredients nang biglang nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan ko. Baka si Joph na iyan. Tuwing nandito si Archangel Jophiel, he is always my son.

"Sandali lang." sabi ko at tinago yung ginagawa kong mixture.

Agad-agad akong bumaba at pinagbuksan nang pinto kung sinuman ang kumakatok na iyon.

Nagulat ako nang malamang si Franz ang kumakatok na iyon. Pero Bakit parang may nararamdaman akong mali?

"Good evening po." magalang niyang bati.

"Good evening din, hijo. Pasok ka. Bakit ka nga pala napadalaw?" tanong ko sa kanya although may nararamdaman lang akong kakaiba.

"May sasabihin lang po akong importante sa inyo." magalang pa rin na sabi niya.

Kahit na napakagalang niyang makipag-usap sa akin ay may nararamdaman pa rin akong hindi tama.

"Ganon ba? Pagtimpla muna kita ng kape ha!" sabi ko at bago pa siya sumagot ay pumunta na ako sa kusina.

Maya-maya tumawag si Zachary. Binalaan niya ko na kapag pumunta si Franz ay pagtabuyan ko agad which is hindi na pwede dahil nasa loob na siya ng pamamahay ko. Tinanong ko kung bakit at sinabi niyang si Pride kasi iyon at kasama nila si Archangel Uriel. Kaya pala ganoon na lang ang kabang nararamdaman ko ng makita ko siya sa harapan ko. Binalaan naman niya ako na umakto nang normal.  Oo nga't mukhang hindi siya aware na wizard ako. Wala pa kasing demonyo ang nagtangkang pumasok sa territory ko. They know how harmful I am.

Saglit lang ang lumipas at bumalik na ako sa may sala kung saan ko siya iniwan. Nadatnan kong kinikilatis niya ang buong lugar. Buti na lang mukhang pang normal na tao lang ang bahay ko at nasa attic ang mga pang-wizard kong gamit.

"Ipagpaumanhin kung natagalan. Ito na yung coffee mo." sabi ko sa pinakacasual kong boses.

Nagpapasalamat talaga at naging wizard ako kaya hindi ako naapektuhan sa kanya.

Maya-maya lang ay kinuha na niya ang kapeng tinimpa ko sa kanya. Nagpasalamat siya sa akin at umupo sa sofa.

"Anong gusto mong pag-usapan natin?" panimula ko para hindi niya mahalatang naiilang na ako sa presensiya niya.

Kumunot ang noo niya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkunot niya ng noo pero sana hindi ang nasa isip ko.

"Sino ka bang talaga? Bakit di ka naapektuhan sa presensiya ko?" punong-puno ng pagtatakang tanong niya.

Mukhang tama ang naisip ko kanina na may ginawa siyang kung ano. Kung anuman yun, alam kong hindi siya patatahimikin nun.

"Lorenzo, iyan ang pangalan ko. Yun lang ba ang nais mong malaman?” mahinahon kong sagot.

" Anong klaseng nilalang ka?" tanong niya sa akin na may halong pagtataka sa boses.

Bumuntong-hininga ako at bago ko pa masagot na isa akong ama ay bumukas na ang pintuan at iniluwa nito si Gab kasama ang archangel niya.

"Oh, Gab. Tara rito, samahan mo kaming mag-usap ni Franz." yaya ko kay Gab na alam kong nagpipigil lang na sakalin yung demonyo sa harapan niya.

Tinanguan naman kami ni Gab at nag-request na ipagtimpla ko siya ng hot choco. Don't tell me, hindi niya alam.

Finding Archangels 1 (Completed)Where stories live. Discover now