Chapter 21: Something Strange Here

598 18 0
                                    


Chapter 21: Something Strange Here

Ariel's POV

After ng encounter namin ni Josh kay Sir Zach, sumakay na kami sa kotse niya. He is now in the driving seat at ako naman ang nasa tabi niya.

"Josh, kung ihatid mo na lang kaya ako sa amin para doon na lang ako magpalit?" request ko sa kanya. Bigla ko kasing na-realize na pag dumaan pa kami sa mall, mapapagastos pa kami or worst he will insists to buy it.

"Sure ka? Okay lang naman sa aking gumastos." sabi ni Josh sa akin habang nakatingin pa rin sa daanan.

"Nakakahiya kasi sa iyo eh! Para makatipid ka ng konti." nahihiya kong sabi.

Ngumiti siya sa akin. "Sabi mo eh! Basta papasok uli ako sa inyo ha!" sabi niya.

"Sympre. Alangan namang paghintayin kita sa loob ng kotse." sabi ko na lang sa kanya.

Napatawa siya ng mahina at tinungo na ang direksyon na papunta sa amin.

Sa bahay, nadatnan ko si Mama na kakauwi lang galing trabaho. Agad akong nagmano sa kanya at ganoon din si Josh. Kilala ni Mama si Josh since si Josh lang ang nag-iisang kaibigan ko na pinakilala ko sa kanya.

"Aba, mukhang yumaman ka na nga! Buti naman at hindi mo pa nakalimutan itong si Ariel." komento ni Mama kay Josh.

Ngumiti si Josh sa kanya. "Opo naman, tita. Mukhang itong si Ariel pa nga ang nakakalimot sa akin. Hindi niya nga po ako nakilala nung una kaming nagkita eh!" sabi niya kay Mama. He still remembers that? Sana kinalimutan niya na lang.

"May pinagkakaabalahan kasing kung ano si Ariel lately. Ewan ko nga kung ano. Pagpasenyahan mo na, sa sobrang busy sa kung anong pinagkakaabalahan niya eh nagiging makakalimutin na." sabi ni Mama na siyang ikinahiya ko.

"Ma, wag mo naman akong ipahiya kay Josh." sabi ko na lang kay Mama.

Tumatawa na lang si Josh sa trip naming mag-ina.

Maya-maya, nagpaalam na ako sa kanila na aakyat muna ako at magpapalit dahil may lakad nga kami ni Josh. Pumayag naman si Mama at sinabing magpaganda raw ako dahil nakakahiya sa ka-date ko na siyang ikinapula ng mukha ko. Feeling naman ni Mama, magdadate kami ni Josh eh gagala lang naman kami saka hindi kaya ako pwedeng magpaligaw sa isang anghel. Sympre sinabi ko lang iyon sa isip ko.

Pag-akyat ko sa kwarto, nakita ko si Micah na kausap ang magaling kong pinsan sa cellphone. Nakakabwisit yung pinsan kong iyon, pagkatapos ko siyang tulungan lahat-lahat, nakalimutan na ata ako. Hindi man lang kasi niya naisipan na tawagan o i-text o kaya i-message man lang.

Tutal busy naman si Micah na makipag-usap, dirediretso akong pumunta sa damitan ko at namili ng susuotin ko.

"Mas maganda kung itong white dress ang suotin mo. Hindi ka naman na makikitaan dito." sabi ni Micah sa akin na hindi ko alam kung kailan niya binaba yung tawag.

Nagulat ako sa pagsulpot niya sa likuran ko. Akala ko kasi hindi niya talaga napansin ang pagdating ko.

"Wag mo nga akong ginugulat. Fine, ito na ang susuotin ko. Siya nga pala, pinsan ko na naman ba yung kausap mo?" sabi ko sa kanya ng makarecover na ako sa gulat ko.

"Uhmm... oo. Raph says na baka sa end of November uuwi raw siya. Namimiss ka na raw niya." sabi niya na parang nag-aalinlangan pa kung sasabihin niya ba o hindi.

"Namimiss? Hindi niya ako tinatawagan o tinetext o kaya minemessage man lang." sabi ko habang nagbibihis. Sanay naman na si Micah na nakikita akong nabibihis sa kwarto kaya wala namang problema roon.

Finding Archangels 1 (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat