Chapter 43: Sudden Turns of Events

567 25 4
                                    

Chapter 43: Sudden Turns of Events

Ariel

Nagising ako sa isang napakagandang liwanag. Kombinasyon ng puti, berde, lila, dilaw, at pink na liwanag ang nakita ko. Ganito ba ang araw na sumisikat sa kastilyo ng mga De Sevelles?

"Ano bang iniisip mo, Ariel? Are you awake or still dreaming?" sabi ng isang lalaki na napakalambing ng boses. Napakafamiliar sa akin ng boses na iyon kung kaya't agad akong napadilat. Napagtanto ko na si Archangel Gabriel nga ang nagsalita. At hindi lang siya nag-iisa, nandito rin ang limang arkanghel. Anong ginagawa nila dito sa kwarto ko?

"Nandito kami para imbestigahan ang nangyari kay Francis de Guzman. Napag-alaman kasi namin na five years na siyang nailibing but he is still here because of Archangel Uriel." ulat ni Archangel Jophiel sa akin.

"Kahit na... hindi pa rin dapat kayo pumapasok sa kwarto ko. Paano na lang kung nagbibihis ako?" medyo naiinis kong sabi.

"Okay lang. HIndi ka naman nagbibihis. Saka si Gab naman ang nagsabi sa amin na pumasok kami sa kwarto mo para gisingin ka." depensa ni Archangel Chamuel.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi na nga ako makikipagtalo sa mga arkanghel na ito.

"Fine. Ngayong nagising ninyo na ako, pwede na kayong mag-disappearing act dahil magbibihis at mag-aayos ako ng sarili ko. Papasok pa ako sa work." sabi ko sa kanila at sumunod naman sila. Buti na lang talaga at masunurin itong mga arkanghel na ito.

Pagkatapos kong gawin ang ritual ko sa umaga ay agad akong pumunta sa dining area para mag-almusal. Tila nasa ibang mundo nga talaga ako dahil ang mga pagkaing nakahain sa mesa ay mga hindi ko kilalang pagkain. Kinain ko na lang kung ano ang nakahain. Isa pa, wala naman siguro itong lason.

Pagkatapos naming kumain ay sabay-sabay kami ni Arch na nagpaalam sa head master ng mga De Sevelles, si Sir Solomon, ang lolo ni Gab.

"Ariel, doon ka na sa kotse ni Arch. Sa akin na sasabay si Gabby. Walang natatagalan na tao iyang si Arch maliban sa yo. " sabi ni Zach sa akin.

Agad akong napasimangot bago sumunod. Nakita ko pa ngang tinawanan ako ni Gab at Zach.

"Kung ayaw mong sumabay sa akin, pwede ka namang mag-commute. Kaso nga lang walang public vehicle na dumadaan sa lugar na ito saka hindi mo pala alama ang daan pauwi."may pang-iinis na wika ni Arch sa akin.

Nakabusangot ako na sumakay sa kotse niya. Aba, wala kaya akong choice. Kung ako natatagalan niya, siya hindi ko matagalan.

"Ariel, please, retrieved Uriel immediately. Nangangamba ako baka alam na ni Lucifer ang kinaroroonan ng kaluluwa ni Arch. Delikado pa naman kapag nabasa niya ang ala-ala ng alaga ko." mahinahon na sabi ni Arch sa akin pagpasok namin sa kotse niya.

Napabuntong-hininga na lang ako. I am glad na si Archangel Michael ang kausap ko.

"I can't promise you, archangel Michael. Alam mo naman na mahirap mag-retrieved ng mga archangels. It is a process of knowing why and how." sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang pagsimangot niya. I know he was disappointed in my answer.

"I know but please do it as early as you can." sabi niya bago siya nawalan ng malay.

My goodness! Anong nangyari?

"Arch, gising!" sabi ko na nagpapanic.

Suddenly, I've realize na nawawalan na ng kontrol ang kotse. Ginigising ko pa rin si Arch but hindi ko siya magising. Dahil doon, napilitan akong maniobrahen ang sasakyan. I am happy na nagawa ko naman kahit na medyo mahirap dahil nasa passenger seat kami. Ang problema lang ay saan kami dadaanan?

Muli kong sinubukang gisingin si Arch ngunit tila may kung anong enerhiya ang siyang hindi nagpapaalis sa kanya sa pagkakahimbing. My goodness! Ano na ba ang pwede kong gawin? Suddenly, bigla na lang umangat yung sasakyan. I don't know kung sino ang nagpaandar. Maybe another divine intervention.

"Can you please help me to bury my body para naman tanggapin na ako sa heaven?" pakiusap ng isang lalaki na kaboses ni Franz. Hindi ko siya nakikita ngunit nararamdaman ko ang presensya niya. Kahit na ganon ay hindi ko maunawaan kung ano yung ibig niyang sabihin.

"Please, pakikuha kay Archangel Uriel yung katawan ko para manahimik na ako ng tuluyan." rinig kong pakiusap niya.

Kinakabahan na ako at pinagpapawisan. Isang multo ang siyang tumulong sa amin. Patunay na patay na nga si Francis De Guzman.

"Sinasabi na nga ba eh! Ikaw talaga ang tunay na Franz. Buti na lang at nakita na rin kita. Hey, Ariel. Andyan ka pala." sabi ni Archangel Jophiel na nasa anyong archangel ngayon.

"Andito ka rin pala, archangel Jophiel. Anong ibig sabihin na siya ang tunay na Franz?" tanong ko sa kanya.

"Simple lang. May nangyaring kaguluhan sa isang lugar na mahal na mahal ni Archangel Uriel. Ginawa niya na ang lahat para makaroon ng pagkakasundo-sundo ang mga tao sa lugar ngunit walang nangyari kaya't nadepress siya at naisipang parusahan ang sarili. Magiging tao siya sa pamamagitan ng katawan ng isang namatay na na mortal." paliwanag ni Archangel Jophiel sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Isang napakagulong adventure na naman ang papasukin ko. Panigurado'y magiging mas mahirap ito sa mga nauna. Sasabihin ko na sana na maghintay na lang ang kaluluwa ng mas matagal pa nang marinig ko ang ungol ni Archangel Michael, hindi ako pwedeng magkamali, siya nga iyon.

"Ariel, please retrieve Uriel as early as possible. We already need to open the gate of heaven. The war is near." ungol nito bago muling nawalan ng malay.

Nagpanic ang sistema ko. Hindi ko na alam ang gagawin hanggang sa biglang dumating sila Zach at Gab.

"Ako na ang bahala kay Arch. Pagplanuhan ninyo na ang pag-retrieved kay Archangel Uriel. We are running out of time. Gabby, sa kotse ko na kayo sumakay ni Ariel. Dadalhin ko na si Arch sa mansion." sabi nito at nagmadaling pumasok sa kotse ni Arch at minaneho ito.

"We will do our best para manahimik ka na, Francis." sabi ni Gab sa multong kasama namin na hindi ko nakikita bago niya ako niyaya papasok sa loob ng kotse.

Isa na namang hindi inaasahang pangyayari ang dumating. Unti-unti ko nang nararamdaman ang "JUDGMENT DAY". Sana lang manalo ang mabubuti.

Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon