Chapter 46: The Power of the Mentalist

541 18 1
                                    

Chapte 46: The Power of the Mentalist

Ariel

After ilang oras ng katahimikan sa byahe namin gamit ang kotse ni Arch ay muli na kaming nakabalik sa paradise. Agad kaming sinalubong ng nakakunot noo na si Zach.

"Bakit mo ako tinakasan?" galit na wika nito habang masamang nakatingin kay Arch.

Tinakasan? Ah! Binabantayan nga pala ni Zach si Arch kanina.

"It's too boring. Matagal ko nang gusto ng thrill. Isa pa, you are not my father to dictate me on what should I do. Hindi rin kita kidnapper o kaya babysitter para magbantay sa akin. If you excuse us, papasok na kami." supladong tugon ni Arch at tinulak si Zach bago nagdirediretso sa pagpasok. Feeling welcome lang siya.

"Arch! Kinakausap pa kita." sambit pa ni Zach bago sinundan papasok si Arch sa loob.

Napabuntong-hininga na lang kami ni Gab bago namin sinundan ang dalawa sa loob. Feeling welcome kasi.

Pagpasok namin ni Gab, nagulat kami ng nakaupo na sila Arch at Zach sa dining area na masama pa rin ang tingin sa isa't-isa.

"Ginoong bigla na lang pumasok sa pamamahay ko, ano ang iyong pangalan?" magalang na tanong ni Lorenzo kay Arch na tila hindi napansin ang aming pagdating.

Umupo kami sa dati pa rin naming pwesto sa may dining table at pinakikinggan lamang ang mangyayari.

"Ako po si Arch De Sevelles. Isa po akong mentallist. I am here to help you to know the whole truth behind the existence of Franz. Nalaman ko po mula kay Zach na matagal nang patay ang bestfriend ko na si Franz. I just want to know if there is still a chance to see him again o hindi na." magalang na tugon nito.

Tss. Kaya naman palang sumagot ng matino nitong si Arch eh! Akala ko puro kasupladuhan at kasungitan lang ang kayang gawin.

"Be careful with your thoughts, Ariel. Naririnig ko yan." suplado na naman niyang tugon sa akin.

Inirapan ko siya. Kung hindi lang talaga siya nagsabing tutulungan niya kami, hindi ko pagtitiyagaang kausapin iyang si Arch eh!

Narinig kong tumikhim si Lorenzo. Tahimik kong inaalis ang masama kong tingin kay Arch na siyang ikinangisi naman ng lalaki. Ang sama talaga ng ugali!

"Ano ang kayang gawin ng isang mentalist na tulad mo?" muling tanong ni Lorenzo sa kanya.

Napaisip ako ng bahagya. Minsan na niyang sinabi kung ano ang kakayahan niya sa amin ngunit nakalimutan ko na 'ata. Ang kasamaan na lang kasi ng ugali niya at yung tungkol kay Archangel Michael lang ang natatandaan ko kapag pumapasok sa isip ko ang salitang mentalist.

"I have an ability to read minds, seeing past and future of a person in a certain condition and photographic memory. I can help you to tell what is the past of the person by reading their deeper souls." tila may pagmamalaking sabi ni Arch kay Lorenzo.

"How could you do that?" tila namamanghang tugon ni Lorenzo.

"I need the flesh body of Franz then patutulugin ko siya at papasukin ko ang ala-ala niya gamit ang utak ko." sabi ni Arch na nakatingin ng diretso kay Lorenzo.

Namangha ako ng bahagya sa kakayahan niya iyon ngunit mas namangha ako ay sa kakayahan ni Archangel Michael na kontrolin ang kapangyarihan ni Arch nang walang kahirap-hirap. Naalala ko minsan na sinabi ni Archangel Gabriel na wala siyang kakayahang gamitin ang kapangyarihang taglay ni Gab. I am now wondering kung gaano kalakas na angel si Archangel Michael.

"Katulad lang din namin siya. Nakataon lang siguro na hawak niya ng buo ang katawan ni Arch kung kaya't kayang-kaya niyang kontrolin ito." bulong sa akin ni Archangel Jophiel na nasa anyo muli ni Josh. Mukhang gagamitin niya ang katawan na yan hanggang sa matapos ang misyon ha!

Finding Archangels 1 (Completed)Where stories live. Discover now