Chapter 35: Welcome to Hell, Angels!

541 20 0
                                    

Chapter 35: Welcome to Hell, Angels!

Ariel

Lahat ng mga preparations para mahanap namin ang kaluluwa ni Zachary Zalgosa ay natapos na kahapon. Kasalukuyan naming inaayos ang mga dadalhin naming mga gamit.

"In case of emergency, Ariel, ito ang pilak na espada na minsan mo ng ginamit ng nasa purgatory tayo. Itago mo ito gamit ang invisible potion sa lalagyan sa bandang hita mo. Hugutin mo in case na kailanganin mong lumaban." sabi ni Archangel Raphael sa akin sabay bigay sa akin ng espada na minsan ko na nang nagamit sa purgatory.

"Zadkiel, pansamantala, ito munang golden dragger ang sandata mo. Ni-recreate ko ito upang maging kapantay ng dagger na talagang ginagamit mo sa digmaan." sabi ni Lorenzo kay Zach. Agad namang tinanggap ni Zach ang dagger at nagpasalamat.

"Maraming salamat po sa iyo. Ang laki po ng tulong ninyo sa amin." sabi ko sa wizard.

"Sabihin na nating ito ang kabayaran ko sa muntik ko nang pagbawi sa mga buhay ninyo. Mag-iingat kayo sa hell. Tandaan ninyo ang mga bilin ko." sabi ni Lorenzo ng nakangiti sa amin.

Hindi raw siya sasama sa amin dahil sa kailangan niyang bantayan ang paraiso niya. Ngunit susubaybayan niya raw ang mga kilos namin gamit ang mga tracker na nilagay niya sa suot-suot namin na bracelet. Ito rin ang bracelet na siyang magpapa-adjust sa kaluluwa namin sa init ng hell. In case we are in trouble, pindutin lang daw namin ang button and he will immediately transported himself to hell. Binilinan niya rin kami na wag naming kakalimutang inumin ang energizer potion niya na siyang magbibigay sa amin ng karagdagan lakas para lumaban. And we all take note that. Afterall, siya ang general namin at kami ang kanyang commander officers.

Maya-maya ay inintake na ni Gab ang energizer niya. It helps him to summon the portal to hell kahit hindi na namin hanapin ang mismong kinarooonan ng portal na iyon. Masyado kasing hassle kapag sinubukan pa naming hanapin ang portal at puntahan iyon.

"Pag hindi kayo nakabalik after three days, susundan ko na kayo." bilin pa ng wizard sa amin na siyang sinang-ayunan naman naming lahat.

Maya-maya lang ay nag-incant ang wizard na siyang nagpahiwalay sa aming katawan ang aming kaluluwa. For the first time simula ng ma-retrieve ko si Josh, nakita ko ang tunay niyang anyo. Hindi siya kahawig ni Josh. Mahaba ang kanyang buhok na animo'y isa siyang babae.

"Namangha ka ba sa itsura ko, Ariel?"tanong ni Archangel Jophiel sa akin ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya.

Ngayon ay walang duda na kaharap ko na nga ang archangel na si Jophiel.

Hinampas ko siya sa may braso niya.

"Sira ulo ka talaga kahit kailan. Hindi lang ako sanay na makita kang ganyan ang anyo." sabi ko sa kanya.

Narinig ko namang tumawa lang siya ganon din si Zach.

"Ariel, Jophiel, stop your LQ's. Naiinip na si Gabby." sabi ni Zach na siyang nagpatigil sa amin ni Josh.

Kahit nakakaalala na siya bilang archangel eh hindi pa rin niya tinitigilan ang pag-papair up sa amin ni Jophiel. Hindi niya ba naisip na literal na langit at lupa ang pagitan namin? Angel siya at tao ako.

"I told you, Zachary, stop calling me Gabby. Isa pa, hindi ako naiinip. I am still adjusting myself." sabi na lang ni Gab.

"I will never stop calling you Gabby. It is because for me, it is the nickname suits you." sabi ni Zach.

Napabuntong-hininga na lang si Gab.

I was about to comment something ng marinig kong nag-incant na si Gab. It is the same incantation na ginamit niya ng pumunta kami sa purgatory.

Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon