Chapter 23: Deadlines and Plans

615 21 0
                                    


Chapter 23: Deadline and Plans

Ariel

Days passed by pero wala pa rin akong naisip na plano kung paano ko maibabalik si Jophiel sa langit. Actually, kahapon tumawag si Raphael, yung pinsan ko, sa akin para kumustahin ako at ang relasyon daw namin ni Chamuel. Sympre, itinanggi kong may relasyon kami ni Chamuel ni hindi nga nanliligaw yung tao sa akin. Maliban doon, natapos din namin ni Josh lahat ng transaction. Hindi na rin namin napag-usapan yung nangyari sa amusement park. Maliban doon, bigla na rin siyang naging distant sa akin. Nakakainis na! Hindi marunong lumaban ng patas yung wizard na iyon. He started to have his first move para lalong napalayo si Jophiel sa mga taong nais i-retrieve siya. This task becomes more difficult.

Ngayon nasa simbahan ako at katatapos lang ng pagkanta namin sa misa. Paalis na ako ng makarinig ako ng isang mahiwagang tinig mula sa choir room. Muli akong bumalik doon. Pagdating ko roon, nakita ko si Gab na nakaupo sa may mahabang bench sa choir room. Napansin ko rin si Archangel Gabriel na parang hinihintay ako. Anong ginagawa ng arkanghel na iyan dito? Bakit niya tinawag si Gab?

"Andito ka na pala, Ariel. May pag-uusapan tayong importanteng- importante. Umupo ka na rito sa tabi ko." pagpansin ni Gab sa presensiya ko. Umupo ako sa tabi niya.

Nang mapansin ni Archangel Gabriel na okay na ako, nagsalita siya.

"Ariel, Gab, we only have three days to retrieve Jophiel. Napag-alaman namin na bago maisaayos niya yung munting paraiso rito ay nahuli siya ng isang Wizard na siya ring sumira sa lugar. That place needs to retrieve immediately dahil kung hindi raw naisaayos yun, God will punished the Earth. Napakalungkot Niya ngayon at kung hindi pa natin Siya mapasaya, itutuloy Niya yung nais Niyang gawin." babala ni Archangel Gabriel sa pinakamalungkot niyang tinig.

Naalarma ang buo kong sistema sa balitang iyon lalo na't bigla na lang napalayo ang loob ni Josh sa akin. Napa-face palm na lang ako at nagmumukmok sa upuan ko. Narinig ko naman ang sunod-sunod na buntong-hininga ni Gab. This time we know that it will became more difficult since God will not interfere since nalulungkot nga siya. How could we manage that task this time?

Maya-maya, nakaramdam kami ng kalmadong aura. It heals every worries and doubt in our hearts. Doon ko rin napansin ang emerald green light.

"Even God wants to punish the mankind, I know that He will never leave us, His sons and daughter who follows, obeys, praises, and believes Him. Don't worry. We will make it happened." Archangel Raphael told us that makes us comfortable. He never failed to heal my worries.

"Nakarating na tayo sa purgatory. Nakalaban ng dead souls. Nakakita ng dyablo. Naglakbay sa America even though our pride will judge. When we are still in human's body, Ariel, you give us your words of wisdom for us to never lost our faith to Him. Ngayon pa ba tayo susuko? We promise to help you, no matter what happened." pampalakas loob na sabi ni Archangel Chamuel sa amin.

Napangiti na lang ako. Archangels never failed to comfort me.

"So, what's the plan?" biglang singit ni Gab sa usapan namin.

Sa pagsasabi niya noon, biglang tumahimik ang choir room. Ramdam ko ang tension ng tatlong rays na nakikita ko ngayon. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Hindi ba pwedeng let it happened?" basag ko sa katahimikan since wala akong maisip na plano.

"Hindi. Wizards are powerful being. Kailangan nating paghandaan ang laban natin sa kanya para hindi maulit yung nangyari sa purgatory na muntik nang ikinamatay ninyong mga mortal dahil basta- basta tayo sumugod." sagot ni Archangel Chamuel sa sinabi ko.

Finding Archangels 1 (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora