Chapter 47: Mirror of Mind

518 21 0
                                    

Chapter 47: Mirror of Mind: Archangel Uriel's Depression

Ariel

Ilang minuto na ang lumipas ay patuloy ko pa ring binabantayan ang dalawa. Nakakaramdam na rin nga ako ng pagkaantok ngunit pinipigilan ko ang pagpikit ng mga mata ko. Hindi ko kasi malalaman kung may kakaiba bang nagaganap dito kung tutulugan ko rin sila. So far, wala namang kakaibang nangyayari. Wala naman sigurong masama kung umalis ako saglit at magtimpla ng kape.

Papalabas na sana ako nang marinig ko ang mahinang ungol ni Arch. Nakita ko pang tila pumipiglas siya sa lubid na nakatali sa kanya pero wala naman akong nakikitang kahit na anong bagay na magbibigay sa kanya ng pagpiglas. Muli akong bumalik sa loob ng kwarto.

"Arch,  anong nangyayari?" tanong ko bakasakaling gising siya.

"You can't defeat me in any matters, Lucifer.  I'll tell you, he is from God! You can't take him away!" matapang ngunit alam mong nanghihinang sabi niya.

What the hell is happening here? Is Lucifer try to over take Arch's body when he slept? Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa kay Arch.

"Lorenzo! Lorenzo! Help, something enigmatic happened!" pagpapanic na pagtawag ko nang muli kong mapansin na tuluyan pa ring pumipiglas si Arch.

Agad-agad namang dumating si Lorenzo, dala ang isang kwintas na may krus na pendant. Agad na isinuot ito ni Lorenzo kay Arch na siyang nagbalik sa binata sa matiwasay na pagtulog.

"Pag muling nangyari ang bagay na ito, Ariel, magdasal ka lang. He just asking for the help of the Almighty." bilin ni Lorenzo at pumanik na sa taas bago pa man ako makapagtanong.

I just release a deep sigh bago muling bumalik sa pagbabantay. Mukhang mamaya na lang ako magtitimpla ng kape.
Maya-maya lang din naman, bumangon si Arch na naghahabol ng hininga. Maybe he really had a hard time.

"Tubig! Kailangan ko ng tubig!" he commanded.

Agad naman akong nataranta at mabilis na kumuha ng pitsel sa may kusina at nilagyan ko ng tubig. Kumuba rin ako ng baso at nilagyan din ito ng tubig. Saglit lang ang lumipas at binigyan ko na ang basong may lamang tubig kay Arch. Agad naman niya itong ininom.

"Kumusta na pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya.

"A little bit okay.  Thanks. Wala pa ba yung salamin?" nanghihina pa rinna tugon ni Arch at nilagyan uli ng tubig mula sa pitsel ang baso niya.

For the first time, nakaramdam ako ng awa kay Arch. He suffered and lost. Malayong-malayo sa ugaling ipinapakita niya sa akin.

"Parating na rin iyon. Bakit ka ba nagmamadali?" tanong ko sa kanya.

"I need to repeat the process. Baka na-alter ni Lucifer yung memory na nakuha ko. By the way, if I passed out again, wake me up. Deeper sleep gives me nightmares." sabi nito sa akin at uminom uli ng tubig.

Magtatanong pa rin sana ako tungkol kay Lucifer nang biglang may kumatok. Agad ko naman silang binuksan. Iniluwa ng pintuan sila Zach at Gab dala ang isang machine na may parisukat na salamin.

"Pagpaumanhin, kung natagalan kami. Kailangan kasi naming ipagpaalam ito eh! Hindi pwedeng nakawin." playful na sabi ni Zach sabay baba ng hawak niyang mirror of mind.

"Its okay. Wala namang masyadong nangyari. Tawagin ninyo na yung Lorenzo and we start the process again." masungit na sabi ni Arch na hindi ko alam na nasa likuran ko pala.

Tatawagin na sana namin si Lorenzo nang bigla lamang itong sumulpot sa harapan namin na may dalang isang vial na may lamang lilang likido.

"It was cursed protection potion. Inumin mo yan, Arch, para pansamantalang hindi gumana ang sumpa sa iyo pag tumutulong ka." sabi nito sabay abot ng vial kay Arch.

Finding Archangels 1 (Completed)Where stories live. Discover now