Chapter 20: Encounter with Him Again!

628 19 0
                                    

Chapter 20: Encounter with Him Again!

Ariel's POV

Tapos na ang masalimuot at buwis-buhay naming adventure sa purgatory. Pwede bang wala nang kasunod yun? Pero sympre hindi yun maaari. I need to retrieve more archangels.

"Sure ka na bang papasok ka na sa work?" tanong sa akin ni Micah. I lost my count on how many days she thinks that I confined in the hospital.

"Pumasok na ako kahapon diba! I can take care myself. Don't worry." assurance ko sa kanya habang hawak ko ang dalawang kamay niya. Nginitian ko siya ng pinakamatamis kong ngiti bago ko tuluyang bitawan ang kamay niya.

"Mag-iingat ka palagi, Ariel. Wala na si Raph dito para iligtas ka." sabi niya na nakangiti na rin.

"Sinabi mo na yan kahapon eh! I am tried of it." kunwaring naiirita kong sabi.

Nagsitawanan kaming dalawa bago niya ako pinayagan na umalis na.

Sa LRT station, nagkasabay kami uli ni Benedict Chamuel Lozaga. Nagkangitian kami at nagbatian bago pumasok sa loob ng LRT.

"Pansin ko parang palagi mo ata akong inihintay dito sa station." pabiro kong saad.

Tumawa siya ng bahagya at inabutan ako ng baon niyang biscuit. "Ngayon ko lang nalaman, feelingera ka pala. Pero sige na nga... pwede ng hinihintay kita. Alam mo na para maging taga-tikim ng biscuit." sakay niya sa biro ko.

Napatawa rin ako ng bahagya dahil sa pagsakay niya sa biro ko at kinuha ang biscuit na hawak niya. Kinagatan ko muna ang biscuit bago ko siya sinagot, "Suhol mo ito sa akin sa pagligtas ko sa iyo no! Sinasabi ko sa iyo, hindi ako madadaan sa biscuit. Bayaran mo yung ticket ko sa LRT." biro ko uli sa kanya na siyang tinawanan niya lang.

"I am happy to know you. Feeling ko magiging maswerte ang mapapangasawa mo." sabi niya sa akin sabay alalay sa akin pababa ng LRT. Nasa station na kasi kami.

"Hindi rin." nasabi ko na lang habang pababa kami sa hagdanan ng station. Actually, naguguluhan ako. Did he really remembers what happened when Archangel Chamuel occupied his body? The question is hanggang saan yung alam niya.

"We are here na in your workplace. Masyado ka yatang nag-sspace out lately. Are you really alright?" nag-aalala niyang sabi habang tsinicheck kung may sakit ako.

"I am really okay. I had a bad dream kasi naalala ko lang bigla." sabi ko sa kanya at nginitian siya for assurance.

"Okay. Don't worry, it is just a dream. Tawagan mo na lang ako kung may problema ka ha!" sabi niya at nagpaalam na aalis na.

Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ng mga ka-trabaho ko. They keep on asking if I am really okay as if hindi ako pumasok kahapon. Sabagay, hindi naman talaga ako nag-work kahapon, pinagpahinga lang ako ni Sir Zach.

"So, are you really alright, Ms. Lee? Nagtambak na ang trabaho mo. Napilitan pa tuloy ang company na magbayad at mag-hire ng isa pang accountant because of your AWOL. What happened? Hindi ka raw magising this past few weeks. Tapos, kahapon, nag-pass out ka pa." parang nag-aalala na nagagalit na sabi ni Ma'am Sarah, ang boss ko.

"I am so sorry, ma'am. Nagkasakit po talaga ako eh! Don't worry, I will finished everything for today. Thank you for not firing me." sagot ko na lang with full of sincerity.

"Don't worry, Ariel. Wala ka naman ng masyadong tatrabahuhin. From now on, tutulungan na kita in your work." sabi ng isang lalaking napakafamiliar ng boses.

Nilingon ko siya at nagulat ako ng sa muling pagkakataon ay nagkita kami ni Josh. Maybe this is the time for me to talk to him.

"Ms. Ariel Jasmine Lee, he is the public accountant that we hired when you are sick. He is Joshua Jophiel Jerisago." pagpapakilala ni Ma'am Sarah sa kanya.

"I already know him, ma'am. He is my former companion in my college days. I am glad to be your office mate. Thank you for doing my job when I am out." sabi ko sabay ngiti ng matamis kay Jophiel. Nakita kong kumindat siya sa akin. Before, kindat means 'too formal'.

"I am glad to do your job, Ms. Ariel Lee." ganti niyang formal sa akin.

"Good to hear that you're friends. Sige, una na ako. Do your job well." sabi ni Ms. Sarah.

"Yes,Ma'am." sabay naming sabi ni Josh. Tinaas lang ni Ma'am Sarah yung kilay niya tapos bumalik na sa office niya.

Pagkawala ni Ma'am sa paningin namin ay sabay kaming napatawa ni Josh.

"Akalain mo yun, ikaw pala yung accountant nila na nakaleave dahil sa biglaang na-confine sa ospital. Ang liit talaga ng mundo no! Kumusta ka na?" sabi ni Josh sa akin pagkatapos naming maka-recover sa napaka-formal na pagkakilakilala namin kanina.

"Oo nga eh! Sobrang liit talaga ng mundo. I am feeling a little bit okay. Pero bawal pa raw akong masyadong ma-istress." may katotohanan kong sagot. Actually, sabi talaga ni Gab magpahinga muna ako at sa susunod na buwan na magtrabaho para manumbalik daw yung buo kong lakas. But, I have an instinct na kailangan kong pumasok talaga. Maybe because this is the right time to talk with Josh. Sa wakas, hindi ko na kailangang hanapin si Josh sa kung saan mang lumalop dahil narito na siya sa harapan ko. God really finds way for me to meet His archangels.

"Gusto mo, tumakas tayo?" patanong niyang sabi. Napangiti ako. I remember the times na magkaklase kami back in our college days. Nag-cutting classes kami dahil sabi ko ayokong ma-stress sa accounting class namin and we manage to cutting class because of his creativity. Sino bang mag-aakalang hiram lang pala ang mga ala-alang iyon?

"Sira ka ba? We are no longer college students to skip classes. It is our job. It is our responsibility." paalala ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "I can manage. Sasabihin ko na hindi tayo makapag-concentrate sa pag-tatally ng mga transactions na ito and we need to go somewhere para matapos natin ito. Then, we will go back tomorrow for the reports of this transaction." sabi ni Joph na para bang napakaganda ng naisip niya. Sira ulo talaga!

"Eh di gagawin din natin ito." sabi ko naman sa kanya.

Binatukan niya ako. "Sira! Sympre, gagala lang tayo. Dadaan muna tayo sa bahay para iwan itong mga transactions tapos gagala na tayo. Pagkahatid ko sa iyo after nating gumala, tatapusin ko itong mga transactions para ready to report bukas. Mababawasan yung stress mo and at the same time, we will having another time together." sabi niya. Napapalakpak na lang ako. Grabe, wala akong masabi. Matalino nga talaga si Archangel Jophiel.

Pagkatapos naming matapos yung journaling, tumawag si Josh sa opisina ni Ma'am Sarah at ginawa yung nasa plano niya. Napapayag naman niya si Ma'am kaya't nagmadali kaming ipasok sa isang box lahat ng mga journals and transactions na iaanalyze pa lang namin tapos nagmadali kaming tumakbo papasok sa kotse ni Josh. God, pagpasensyahan mo na itong angel mo, mukhang malakas ang tama eh!

"Dadaan muna tayo ng mall para makabili ng damit na isusuot mo tapos dadaan tayo sa bahay para ipasok itong mga papeles sa kwarto ko at para makapagpalit din ako. Then, pupunta na tayo sa bagong bukas na amusement park dito sa syudad. Deal!" energetic na sabi ni Josh.

"Deal!" nasabi ko na lang.

Bago makaandar yung kotse na sasakyan namin, hinarang muna kami ni Sir Zach.

"Saan kayo pupunta? Work hours diba!" sabi ni Sir Zach na may pagkaawtoridad na tinig. It is the first time I heard that authoritative voice of Zachary Zadkiel Zalgosa.

I am about to enter the company again nang hawakan ni Josh yung kamay ko.

"We are going to do our work outside the office. Masyado kasi kaming distracted ngayon. We decided na baka kapag ginawa namin ito sa mas peaceful environment baka mawala yung distraction namin. Don't worry, sir, I will report all of this tomorrow. Please, allow us to go." mahinahon at sincere na sabi ni Josh.

Pinat ni Sir Zach yung balikat ni Josh. "Just take care, Ariel." bulong niya ngunit sapat ang lakas nito para marinig ko. Sa hindi malamang dahilan, namula ako.

"I will, Sir Zach." assurance ni Josh kay Sir Zach.

Ngumiti si Sir Zach sa amin. "Enjoy your date!" sabi niya sabay kindat. Napayuko na lang ako sa sobrang hiya.

I am looking forward to have a long day with Joshua Jophiel Jerisago.

Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon