Chapter 33: Reunion in the Paradise

554 19 0
                                    

Chapter 33: Reunion in the Paradise

Ariel

Pagdating namin sa lugar ay agad nanibago ang mga mata ko. Wala na ang walang buhay na puno ng balete na bubungad sa iyo. Punong-puno na ang lugar ng naggagagandahang mga puno na mayroon ng mga bunga kahit wala pa sa season para mamunga. Mayroon na ring iba't-ibang naggagandahang bulaklak na ang iba ay hindi pa napapangalanan. Makakarinig ka rin ng tinig ng mga ibon na nagsisiawit na siyang pumapayapa sa buo mong sistema. Meron ring mga hayop sa gubat na bagamat ay talagang wild ay maaamo sa lugar na ito. Sa may dulo ng gubat malapit sa bahay ay mayroong waterfalls na siyang nagsusupply ng tubig sa isang maliit na pond. At ang mismong bahay na dati'y tila isang haunted house, ngayon ay isa nang napakagandang town house. In short, ang laki ng pinagbago ng lugar na ito. It is now really a paradise.

"Hindi man ganito ang itsura nito noon, sigurado akong mas maganda ito ngayon. Isa pa, sigurado akong poprotektahan na ang napakagandang paraisong ito. Tara, pasok na tayo sa loob." sabi ni Josh na hindi ko namalayan na gumuguhit pala siya kanina habang nililibot namin ang lugar.

"Nakakamangha talaga ang abilidad mo, Jophiel." papuri naman ni Zadkiel na halos hindi ko namalayang namangha rin katulad ko. Marahil hindi ko napansin ang mga pinagagagawa nila ay dahil nakafocus ako sa paligid.

"Maraming salamat sa papuri." mapakumbabang sabi ni Josh.

Maya-maya lang ay may isang matandang lalaki na nakangiti ang sumalubong sa amin. Nakilala ko naman ito bilang si Lorenzo, ang wizard na minsan ng muntik bumawi ng buhay namin ni Gab.

"Hi, Ariel. Hi, Jophiel. Sino itong isang kasama ninyo?" bungad na bati sa amin ng wizard na mukha ngang maamo na ngayon.

"Hi din po, ako nga po pala si Zachary Zalgosa. Tawagin ninyo na lang po akong Zach." pakilala ni Zadkiel na mukhang mas komportable pa rin siyang tawaging Zach, sabagay si Sir Zach pa rin naman siya.

"Siya po ang may hawak ng kaluluwa ni Archangel Zadkiel at siya po ang susunod naming i-reretrieved." sabi naman ni Josh.

Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na mabait na ang wizard na ito kaya hindi ko magawang magsalita.

Maya-maya ay nagulat kaming tatlo ng lumuhod ang wizard sa harapan ko. Yes, sa mismong harapan ko.

"Patawarin mo ako sa ginawa kong muntik ng pagbawi sa buhay mo. Pangako ko, gagawin ko ang lahat makabawi man lang sa mga kasalanan ko sa iyo at kay Gab." sabi niya na ramdam ko ang buo niyang sinseridad.

Agad ko naman siyang tinayo mula sa pagkakaluhod niya.

"Ang Diyos nga po nagawang patawarin kayo kahit itinakwil ninyo pa siya. Ako pa po ba na tao lang." sabi ko naman.

"Maraming salamat. Napakabuti mong bata." sabi ng wizard ng nakangiti at ginantihan ko rin siya ng isang ngiti.

Suddenly, may narinig akong tumikhim. Si Archangel Raphael pala iyon. Doon ko lang naalala na kasama na pala namin ang mga archangels.

"Lorenzo, mukhang nakalimutan mo kaming batiin." sabi ni Archangel Gabriel na sa bakas ng boses niya ay nagtatampo siya.

"Hindi ka pa rin humihingi ng kapatawaran sa amin. Nakalimutan mo na 'ata na muntik na rin naming ikamatay ang angel's trap." pangongonsensya naman ni Archangel Chamuel na sa tono ng pananalita niya ay nagbibiro lang siya sa sinabi niya.

"Kahit man lang si Ariel o kaya si Jophiel ay hindi tayo pinansin." sabi ni Archangel Raphael na ginagaya ang tono ni Archangel Gabriel.

Napatawa na lang si Zadkiel sa na narinig niya at gayon din si Jophiel.

"Sorry, archangels. Masyado kasi akong nakafocus sa bagong dating. Sorry for all I had done to all of you. Alam ko naman na napatawad ninyo na ako. Tara, pumasok na tayo sa loob. Gabriel De Leon is waiting for us." sabi ng wizard na tumatawa dahil sa inasal ng mga archangels at pumasok na sa loob ng bahay. Sumunod naman kami sa kanya.

Sa loob ng bahay, wala na ang nakakatakot na aura na magbibigay sa iyo ng kilabot. Napalitan ito ng peaceful na aura na nakapagpaparelax sa iyo.

"Kung kasama lang natin si Uriel ngayon, sigurado akong magugustuhan niya ito. Nasaan ba si Uriel?" bungad na sabi ni Zadkiel na halata sa boses niya na gustong-gusto niya ng makita si Uriel.

Napa-sad face naman kami lahat. Hindi namin alam kung papaano sasabihin kay Archangel Zadkiel na nawawala rin si Archangel Uriel tulad niya.

"Uhmm.... Ano kasi Zadkiel... Si Uriel kasi... nawawala rin tulad mo." panimula ko na medyo nag-aalinlangan kung sasabihin ko sa kanya ang nangyari.

"Ha? Bakit ako lang at si Uriel ang nawala?" gulat na sabi niya.

At doon ko na pinasok na minsan ding sumanib sa kaluluwa ng isang tao ang mga archangels na ito at ni-retrieved ko lang sila.

Lalong lumungkot si Zadkiel sa narinig niya. Mukhang hindi niya inaasahan na ganon pala ang nangyari. Kahit ako naman sa katayuan niya ay ganon din ang nararamdaman ko.

"Ipagpaumanhin mo, Ariel kung ikaw ang taga-ayos nang gulong nagawa namin. Sana mapatawad mo kami sa ginawa naming pagpapahirap sa iyo." buong sincerity na sabi ni Zadkiel sa akin.

"Wala iyon. Karangalan sa akin na makita at makasama kayo sa mundong ito." sabi ko naman sa kanya.

May sasabihin pa sana siya ng may biglang may tumikhim.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin. At ano ang ginagawa ni Zachary sa lugar na ito?" bungad ng tumikhim sa akin.

Agad ko namang na-recognize ang boses niya at niyakap ko siya ng mahigpit. I owe him my life. Isa pa, namiss ko talaga ang isang ito.

"Gab, sorry kung muntik ka nang mamatay dahil sa akin. Siya nga pala, magkakakilala kayo ni Zach?" sabi ko sa kanya na may sincerity naman ang pag-sosorry ko.

"Apology accepted. Yes, I know him. I bet he knows me, too. Wag mong ibahin ang usapan, Ariel. Bakit nandito ang isang iyan?" medyo iritableng sabi ni Gab.

Ano ba ang ugnayan nila sa isa't- isa?

"Relax, Gabby. My soul named Zadkiel. Wala akong intensyon na dalhin ka ngayon doon." sabi ni Zadkiel na halatang may itinatago sa akin.

"Enough with the chit-chat. Gab, for now he will be Archangel Zadkiel and we are going to find a way to retrieve him immediately." sabi ko sa kanya para gumaan man lang ang atmosphere.

"I will not go with you. Zachary is after me." sabi ni Gab at akmang aalis na sana siya ng hinablot ko ang kamay niya.

"Nangako ka sa amin na you will going to help us no matter what the cause tapos hindi ka sasama. I don't know your relationship with Zach or so whatever. Isipin mo na lang na misyon natin 'to. After we defeat whoever the enemy is, pwede ka nang umalis." sabi ko kay Gab na medyo naiinis sa kanya dahil sa inaasal niya.

Napabuntomg-hininga na lang siya.

"Fine. I will face Zachary Zalgosa." sabi niya in defeat.

"Salamat sa pagtulong, Gabby." sabi ni Zadkiel.

Teka, bakit niya tinatawag na Gabby si Gab?

"Stop calling me, Gabby. I am not a kid anymore." iritableng sabi ni Gab.

Napapangiti na lang ako dito sa isang tabi. Ang childish kasi ni Gab ngayon.

"Yes, you are now a young adult but still I want you to call Gabby." pang-aasar naman ni Zadkiel sa kanya. He is still Zachary after all minus the hatred niya kay God at yung memory niya as archangel.

"Fine. It is non-sense. Tara, pag-usapan na natin kung paaano i-reretrieved si Archangel Zadkiel ng hindi ko na makita ang pagmumukha ni Zachary." sabi ni Gab at nagmadali ng pumunta sa dining area na halata namang gustong-gusto nang i-retrieved si Zadkiel.

Napatawa na lang si Zadkiel maging ako rin.

"Zach and Gabby was used to be friends before the accident happens. I will not tell you the details yet. Hayaan mong siya mag-open-up sa iyo." bulong ni Zadkiel sa akin bago ako inalalayan papunta sa living room.

Is Gab related to the De Sevelles? I think another mystery na naman ang kailangan kong alamin. 

Finding Archangels 1 (Completed)Where stories live. Discover now