Chapter 54: Let's Defeat Envy

627 24 3
                                    


Chapter 54: Let's Defeat Envy

Ariel

Mga isa't kalahating oras pa lang akong natutulog sa gawa ni Archangel Jophiel na higaan nang maalimpungatan ako dahil sa nakarinig ako ng nagkikiskisang espada.

Pagkadilat ko ng aking mga mata, tumambad sa akin sila Archangel Raphael at Archangel Chamuel na nakikipaglaban sa isang demonyo. Hindi ko kilala ang demonyong iyon ngunit sapat na ang nakikita kong lakas niya para mapagtantong siya ay isa sa mga deadly sin demons.

Nang makita kong tila dehado na sila Archangel Raphael, agad kong kinodisyon ang sarili ko at nagpalit anyo bilang ang lion of God, si Angel Ariel.

"Ariel, matulog ka muna. Kailangan mo iyon." payo ni Archangel Chamuel sa akin ng makita niya akong bumangon at nagpalit-anyo habang sinasalag pa rin ang espadang gamit ng kalaban.

Napangisi ang demonyong kalaban ng marinig niya ang pangalan ko at nagteleport papunta sa gawi ko.

Dahil hindi pa ako lubusang nakahanda, nagulat ako sa ginawa niyang pag-atake sa akin at bago pa ako matamaan ng atakeng iyon ay nasalag na ni Gab ang espada ng demonyo.

"Gab, thank you sa pagligtas sa akin." pagpapasalamat ko kay Gab at inilabas na ang sandata ko. Isa itong golden sword na hindi ko alam kung saan galing. Marahil ay sa kwintas ko.

"It is my duty to protect you. Tara, kalabanin natin siya ng sabay." sagot ni Gab sa akin at pumuwesto na kaming dalawa para tulungan ang dalawang arkanghel.

Lalong napangisi ang kalaban sa nangyayari at sa pagpitik niya ng daliri niya ay nakaramdam kami ng pagkapilipit sa aming kaluluwa.

"Sorry for my rudeness dahil hindi ako nagpapakilala sa dalawa kong bagong kalaban. I am Envy." friendly na pagkasabi nito na siyang ikinainis ko.

Tinutukan ko siya ng golden kong espada ngunit hindi ko siya nasugatan dahil sa nakaramdam ako ng pamimilipit ng aking kaluluwa.

Pumiglas ako nang pumiglas ngunit lalo lang akong nasasaktan.

"Ariel, ang pangalan mo diba. Ikaw ang uunahin ko." nakangising sabi ni Envy sabay tutok sa akin ng espadang gamit niya.

Pinagmasdan ko ang dalawang arkanghel na nakikipaglaban sa kanya kanina bago ako nagising. May kung anong pwersa ang pumipigil sa kanila para makipaglaban.

Nakita ko nga ang inis sa mukha ni Archangel Chamuel ngunit wala siyang magawa dahil katulad namin ni Gab ay namimilipit din siya sa sakit. Sa kabilang banda, nakapikit lang si Archangel Raphael.

Tumingin naman ako sa direksyon ni Gab. Nagpupumiglas din siya katulad ko sinubukan niyang gamitin ang tubig para pakawalan ang sarili niya ngunit kahit anong attempt niya ay he always failed lalo lang humihigpit ang pagpilipit ng kung anong bagay sa kaluluwa niya.

"Give me your last wish, angel." nambubwisit na sabi ni Envy.

"Die, Envy." sabi ko sa kanya at sinubukan siyang duraan.

Ngumisi siya ng napakasama at unti-unting tinutusok sa aking leeg ang hawak niyang espada.

Napapikit ako sa hapdi ng espadang unti-unting humahati sa akin.

Sa langit rin pala ang bagsak ko. Dito ako nagsimulang mabuhay. Dito rin ako mamatay.

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ko na naramdaman ang sakit na pumipilipit sa akin. Patay na ba ako?

"Buhay pa tayo, Ariel. Compose yourself. Let us help Kuya Zach to defeat Envy." sabi ni Gab sa akin na hindi ko namalayan na nakawala na pala sa kung anumang majika na pumupulupot sa amin kanila.

Finding Archangels 1 (Completed)Where stories live. Discover now