Baby (part 2)

3.2K 130 18
                                    

A/N: Dahil maraming nagrequest, ito na po ang part 2.
--------------------------------------------------
Bago umalis ng ospital, napagdesisyunan ni Vice na dumaan muna sa kwarto ni Karylle para makausap ang kaibigan. Pagkapasok nya, nakita nya si Yael na inaasikaso ang bagong-panganak na asawa.
YAEL: Vice, you're here.
VICE: (nods) Gusto ko lang kamustahin si K.
YAEL: Sige, have a seat oh. Gusto mo ng coffee?
VICE: No thanks.
YAEL: I'll leave you two muna. Bibili muna ako ng lunch.
VICE: Okay.

Lumapit si Vice kay Karylle. Tinignan nya ang kaibigan na syang ina ng kanyang anak. Maya-maya pa ay nagising na si Karylle.
KARYLLE: Vice?
VICE: Yes K? May kailangan ka? Bumili lang ng lunch si Yael.
KARYLLE: Wala. Anong oras na? Baka malate ka sa Showtime.
VICE: Quarter to one na. Hindi ako papasok ng Showtime today.
KARYLLE: Okay. Ahm... How is he?
VICE: (smiles) He's very cute. Kamukhang kamukha mo sya. Nakuha nga lang yata sa'kin ay yung mga mata.
KARYLLE: I wish he got your height para matangkad.
VICE: Height ko? Edi napaghalataan tayo. Ang liit liit ng asawa mo kaya.
KARYLLE: Vice naman eh!
VICE: Joke lang! (Chuckles)
KARYLLE: So what are your plans?
VICE: Nakapag-usap na kami ni Yael. Isa ako sa mga ninong ng bata. In that way, I can still be a father to him.
KARYLLE: Thank you Vice.
VICE: No. Thank you K for giving me a chance to be a father. Thank you kasi binigyan mo ako ng isang napakagwapong anghel.
KARYLLE: You deserve to have a kid, Vice. And he's lucky to have you as his dad. (smiles) Our house is always open para mabisita mo si baby boy.
VICE: Salamat.

Naputol ang pagkukwentuhan ng dalawa nang may kumatok na nurse. Dala-dala nito ang baby nila.
NURSE: Good afternoon Mrs. Yuzon. Kailangan nyo na pong i-breastfeed ang baby nyo.

Nang iabot ang sanggol kay Karylle, hindi nya maitago ang sayang nararamdaman nya dahil ito ang unang pagkikita nila ng kanyang anak. Pasimple namang kinuhanan ni Vice ng litrato ang moment na iyon.
KARYLLE: Vice, he's perfect. Thank you.
VICE: No need to thank me, K. Tayong dalawa ang gumawa sa kanya. (Smiles)
KARYLLE: Nabuhat mo na ba sya?
VICE: Not yet. And I don't think I can.
KARYLLE: Bakit naman? Anak mo 'to oh.
VICE: I don't know. Gusto ko pero di ko kaya. He's so little and so fragile. Nakakatakot.
KARYLLE: Come here.

Bahagyang umusod si Karylle at binigyan ng space si Vice. Si Vice naman ay naupo sa tabi nya. Dahan-dahang inabot ni Karylle ang sanggol kay Vice. Pagkalagay ng sanggol sa kanyang mga braso, tila lahat ng takot ni Vice ay napalitan ng tuwa. Natawa naman si Karylle nang makitang walang patid ang pagpatak ng luha ni Vice.
KARYLLE: Huy Vice! Ba't ka umiiyak?
VICE: (sobs) Ang sarap sa pakiramdam na mabuhat ang anak ko.
KARYLLE: (rubs Vice's back) Congratulations Vice! Daddy ka na.
VICE: Congrats din K. Mommy ka na.
.
.
.
.
.
Six years later...
Kasalukuyang nasa condo si Vice ngayon. Hindi sya pumasok sa Showtime dahil kinakailangan nyang magpunta sa isang event mamayang alas dos.
*knock*
VICE: Sino yan?
*knock*
VICE: Sino yan?
*knock*
VICE: Sino nga???
*knock*
VICE: Hay nako!

Tumayo na si Vice at agad na tinungo ang pintuan ng unit nya. Sumilip sya sa peephole pero wala naman syang nakitang tao. Pabalik na sya sa living room nang may kumatok ulit. Binuksan nya ang pinto at nakita ang batang lalaki na umiiyak at madumi ang uniform.
VICE: Joseph?? Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit ka umiiyak?

Pinapasok ni Vice ang bata sa loob ng unit nya.
VICE: Oh, drink ka muna ng water. Tapos kwento mo kay Ninong Vice kung ano ang nangyari.
JOSEPH: (punas ng luha) Ninong, inaway po ako ng classmates ko. (Cries) Sabi po nila bakla ako.
VICE: Ha? Bakit ka naman tinawag na bakla?
JOSEPH: Kasi po umiyak ako nung nadapa ako. Tapos po, tinulak-tulak nila ako sa playground kaya nadumihan uniform ko.
VICE: Mali naman yun. Ito ang tatandaan mo ha? Hindi masamang umiyak. Nasaktan ka eh. Tsaka hindi porke't umiyak ka, bakla ka na. Lahat ng tao umiiyak.
JOSEPH: (sobs)
VICE: Anong pangalan ng classmates mo? Sasabihin ko sa Mommy mo para kausapin nya yung teacher mo tungkol sa nangyari.
JOSEPH: Ninong, wag po. Kaya nga po ako dito nagpunta para di na malaman nila mommy.
VICE: Kailangan nila malaman.
JOSEPH: Ninong...
VICE: (sighs) Okay na nga. Maligo ka na doon sa banyo tapos papalabhan ko lang saglit tong uniform mo.
JOSEPH: (hugs Vice)
VICE: Tahan na 'nak. (Rubs Joseph's back) Tahan na.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon