Magkabilang Mundo

2.6K 90 12
                                    

Disclaimer: this is not merely based on Jireh Lim's song.
------------------------------------

Nasa bahay ng estudyante ngayon si Karylle. Isa syang tutor. Pero dahil sa modernong panahon, hindi na ganoon karami ang kanyang mga estudyante. Sa katunayan, iisa nalang ang estudyante nya na tinuturuan, si Walter.
KARYLLE: Hi Walter!
WALTER: Hi teacher K.
KARYLLE: Oh? Ba't parang malata ka? Napagod ka ba sa school?
WALTER: (sigh) Hindi po.
KARYLLE: Bakit malungkot ka?
WALTER: Wala po.
KARYLLE: Sige na. Gawin na natin yung homework mo and mag-advance tayo sa lessons. After that, makakapagpahinga ka na. Okay ba yun?
WALTER: Okay po.

Makalipas ang tatlong oras, nagpaalam na si Karylle at umuwi. Hindi na sya nag-abala at gumastos pa ng pamasahe kahit halos isang kilometro ang layo ng bahay nila sa bahay nila Walter. Recently lang, mas gusto na nya ang maglakad dahil parang ehersisyo na rin yun.

Pagkadating sa bahay, agad na umakyat si Karylle sa kanilang kwarto at doon nya naabutan ang kanyang asawa na natutulog kahit alas siyete pa lamang ng gabi. Isang doktor si Vice at habang may pagkakataon, natutulog sya dahil walang eksaktong oras ang kanyang trabaho. Tanyag at mahusay ito na doktor kaya naman maya't maya rin ang pagpunta nito sa mga ospital.
.

.

.

.

.
MRS. MITTY: Walter! Ang ganda na ng grades mo, anak. Filipino 88, English 89, Math 86, MAPEH 90, Civics and Culture 87, Homeroom 92, Values 91, Science 88.
WALTER: Thank you Mommy.
MRS. MITTY: Ang gusto lang ni Mommy magfocus ka lang sa studies mo, okay? Keep it up!
WALTER: (nods)
MRS. MITTY: Ano man anak ang naging problem namin ng Daddy mo, wag kang magpapaapekto. Kaya naman natin 'to di ba?
WALTER: Opo. (Hugs Mrs. Mitty)

Naroon lang sa living room area si Karylle at hinihintay matapos ang pag-uusap ng mag-ina. Di nagtagal, nakita na nya si Walter na naglalakad patungo sa silid nito.
KARYLLE: Hi Walter!
WALTER: Hi Teacher K!
KARYLLE: May homework ka?
WALTER: Wala po. Pero may quizzes po bukas.
KARYLLE: Ah... Sige, magrereview tayo ha? Magpalit ka muna ng pambahay para kumportable ka.
WALTER: Okay po.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik na si Walter bitbit ang kanyang mga gamit. Tinignan naman ni Karylle ang mga lecture notes ng bata at sinimulan ng reviewhin.
KARYLLE: ... Ferdinand Magellan arrived in the Philippines on March--- Walter, are you listening?
WALTER: Ahm... Sorry po, Ma'am.
KARYLLE: Okay as I was saying...

Ang tatlong oras na tutorial session ay naging apat na kalahating oras. Mahaba-haba kasi ang nireview nila at madalas din naiinterrupt sa pagkakawala ni Walter sa focus.

Dali-daling nagpunta si Karylle sa fine dining restaurant. Puno ito dahil Valentine's day ngayon at marami ang nagdedate. Pumasok si Karylle sa loob at hinanap ang asawa. Di nagtagal, nakita nya rin ito. Ito lang ang tao sa loob ng restaurant na walang kasabay kumain.
KARYLLE: Sorry, I was late. May tin---
VICE: (gets the bill and paid)
KARYLLE: Sorry, love. Nag---
VICE: (sighs) Happy anniversary, love.

Tumayo na si Vice at umalis. Si Karylle naman ay nanatili pa ring nakaupo at hindi na mapigilang maiyak. Ilang linggo na rin kasi silang ganoon. Madalang magkita at hindi na nakakapag-usap.
.

.

.

.

.
Kinabukasan, napagpasyahan ni Karylle na mamasyal muna. Wala naman kasi siyang gagawin sa bahay at mamayang alas kwatro pa ang punta nya kayla Walter.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon