For the Fans: Pagpapaliwanag

1.5K 43 0
                                    

Continuation...

Alam naman ng lahat na ang flavor of comedy na ginagawa ko ay medyo foul at pangmalilikot na utak lang dahil sa comedy bar ako nagsimula. Doon kasi walang limitasyon. Kahit anong sabihin mo, walang mapipikon. Kahit anong gawin mo, walang magagalit. Ikaw ang bahala doon. Ang mahalaga, mapatawa mo ang mga nanonood sa'yo.

Dahil nasa telebisyon na ako ngayon, mayroon nang limitasyon. Gayunpaman, ginagawa ko ang best ko para mapasaya ang mga nanonood sa akin. May ilang biro ako na nakakaoffend ng iba pero lingid sa kaalaman ninyo, kinakausap ko sila sa likod kapag may pagkakataon. Ipinaliliwanag ko na ang mga sinasabi ko ay biro lamang.

Sabihin na nilang nang-ookray ako, ayos lang. Alam ko naman ang mga kapintasan ko at hindi ako nagmamaganda lang. Kung ang dating sa inyo ay pang-ookray at pagpaprangka ang ginagawa ko, sige lang. Pero para sa akin, totoo lang ang sinasabi ko at hindi ako nampaplastic lang sa kapwa.

Lumala ang pambabatikos sa akin nang lumabas ang issue tungkol sa gang rape joke ko kay Ms. Jessica Soho noong concert ko last 2013. Oo, offensive yung joke ko kasi aside from gang rape, sinabi ko rin na sya ay mataba. Alam ko ang pagkakamali ko at personal naman akong tumawag kay Ms. Jessica Soho para humingi ng patawad. Hindi man nya ako totally ponatawad, in-acknowledge naman nya ang aking apology. And kuntento na ako doon.
Nakamove on naman na ang ibang tao ngunit may ilan na laging iyon ang ibinabato sa akin. Dumami ang haters and bashers pero dumami rin naman ang fans ko.

Ngayong taon, hindi madali ang lahat. Lalong lumakas ang Eat Bulaga nang magkaroon sila ng Kalyeserye kung saan umiikot ang istorya kay Alden at Maine o mas kilalang AlDub. Nasapul nila ang interest ng viewers. Inaamin ko namang maganda naman yung ginawa nila.

Ang ratings namin bumaba pero ngayon naman kahit papaano ay bumabalik na sa dating range. Karamihan ay mas nahumaling sa palabas sa kabila kaya medyo nabawasan ang viewers namin. Hindi namin sila masisisi, choice nila yun. Malaya tayong mamili ng kung anong gusto natin.

Natatawa ako sa bashers. Panay comment nila ng kung anu-ano sa Instagram posts namin at sa mga Facebook page. Noong anniversary namin, sinabi ko nga na talo naman kami ever since. Eat Bulaga is an established show. Parte na yan ng buhay nating lahat, kasi lahat tayo nanood nyan. Kahit isang episode, nakapanood ka. Wag ka na mag-maang-maangan. Ayun. Ang goal lang namin ay maglagay ng ngiti sa inyong mga labi, ang magpasaya ng mga tao.

Nakakalungkot lang isipin na may mga taong hindi marunong umintindi. Kahit anong gawin mo, may masasabi pa rin sila sa'yo. Nagpakumbaba ka na't lahat, may makikita pa rin silang mali at negatibong masasabi laban sa'yo. Wala na akong magagawa dyan. We can never please everyone. All I know is I did my part. Nagsalita na ako in behalf of the whole show. It's up to them nalang kung paano nila tatanggapin yung sinabi ko. Tayo nalang ang umintindi sa mga taong hindi naman tayo naiintindihan.

At idadagdag ko lang, wag na kayong makipag-away. Don't waste your time sa mga bashers na yun. Yes, it took me several years before I earned that "Phenomenal Star" title. Pinaghirapan ko, oo. If they want to take it, let them. Alam naman nating lahat kung sino ang mas nauna at mas deserving ng titulong iyon. Okay?

To be continued...

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon