Secret (part 2)

3.3K 106 12
                                    

Ilang araw pa ang lumipas ay umuwi na si Vice sa Pilipinas. Dahil sa kagustuhang makapagpahinga ng maayos, nagtungo sya sa condo unit ni Karylle. Hindi naman sya nabahala kung may makakakita sa kanya dahil alanganing oras naman na.

Nagising naman mula sa pagkakatulog ni Karylle nang marinig ang buzzer. Nagulat na lamang siya nang makita si Vice na nasa labas ng unit nya, bitbit pa ang mga maleta.
KARYLLE: Vice! (hugs Vice) What are you doing here? Halika na dito sa loob.
VICE: Salamat. Pasensya na sa istorbo ha? Mas gusto kong magpunta dito para siguradong makakapagpahinga ako. Tsaka para makasama ka ulit.
KARYLLE: Sige. Ahm... Gusto mong kumain? I can prepare something for you to eat.
VICE: (smiles) Wag na, Kurba. Makikiligo nalang muna ako, pwede?
KARYLLE: Oo naman. You don't have to ask permission. Unit kaya natin 'to. Anyway, sige na. Maligo ka na so you can rest.

Pagkatapos maligo ni Vice, nakita nya si Karylle na mahimbing nang natutulog sa kama. Hindi nya maiwasang mapangiti nang makita na hinanda ni Karylle ang susuotin niyang damit pantulog at may isang baso pa ng gatas sa bedside table.

"Drink this milk para hindi ka mahirapan sa pagtulog. I love you. Goodnight!"


Pagsapit ng alas nuebe ng umaga ay sabay na gumayak sila Vice at Karylle para sa Showtime. Bagamat inaantok pa, pinili ni Vice na pumasok sa trabaho dahil matagal-tagal rin syang nawala.

Nagsimula na ang show at nagpunta na sila sa stage. Winelcome back ng mga kasamahan si Vice sa matagal nitong pagbabakasyon sa Amerika. Binigyan rin sya ng cake at bulaklak para sa nagdaang kaarawan nya. Nagkwento sya ng experiences nya sa Amerika.
VICE: Si K naman. Ang saya namin ni K sa L.A.
ANNE: Oo nga.
AMY: Nagbonding kayo.
ANNE: Nag-Justin Bieber kayo.
KARYLLE: Hi Justin! (kaway sa camera)
VICE: Alam mo ba, muntik akong di makapanood ng Justin Bieber.
HOSTS: Bakit?
VICE: Kasi yung pamangkin ko, biglang umiyak. Ineexpect nya pala na kasama sya sa Justin Bieber.
ANNE: Tas wala ng ticket?
VICE: Tas di na sya kumikibo the whole day, the whole morning. Yun pala gusto nya sumama. So wala akong choice, binigay ko sa kanya yung ticket ko. (tingin kay K) Buti nalang si K, nag-ano nagparaya ang jowa.
KARYLLE: Si Yael.
VICE: Yung ticket ni Yael pinagamit sakin kaya nakanood ako. Thank you!

Habang umeere ang ibang segments, sila Vice ay nagstay na muna sa lounge para kumain at magkwentuhan. Pagsapit ng Tawag ng Tanghalan, may times na nabubulol si Vice. Nabulol sa "Sheryl Cruz", pinakanta ni Anne ng "Tamis ng Unang Halik" ngunit ang kinanta nya ay "Yakap", at tinawag na "TV stream" ang livestream. Iniisip nya na dala na rin siguro ng antok kaya ganoon ang nangyari.

Pagkatapos ng ilang araw ay bumalik na sila sa dati. Nagpapanggap na magkatrabaho lang, magkaibigan lang. Si Vice ay naging abala sa mga kabi-kabilang parties na hinanda para sa kanya. May mga trabaho rin siyang kailangang gawin. Si Karylle naman ay nagpakabusy sa promotion ng kanyang album at sa ibat ibang events na kailangan nyang daluhan.

Isang beses, umuwi si Karylle sa bahay nila ni Vice sa Green Meadows. Doon, nakita nya ang asawa na abala sa pakikipaglaro sa aso nitong si Terry. Nang makita naman sya nito ay iniwan nya ang laruan sa aso at nilapitan ang asawa.
VICE: Kumain ka na baby?
KARYLLE: Yes. Ikaw?
VICE: Oo... Nagluto ako dahil wala yung maid.
KARYLLE: Nagluto ka?
VICE: Oo Akala ko rin kasi dito ka kakain.

Napansin naman ni Karylle ang biglang pagbabago ng mood ng asawa. Alam nyang nagtatampo ito.
KARYLLE: Ahm... What did you cook?
VICE: Nagsteam ako ng carrots at string beans. Tapos chicken sandwich... Sige na. Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka.
KARYLLE: Matutulog ako ng gutom?
VICE: Sabi mo kumain ka na.
KARYLLE: Oo nga. Pero sinabi ko bang busog na ako?
VICE: So kakain ka?
KARYLLE: Oo naman. Ayokong masayang effort ng mister ko 'no.
VICE: Wag na... Baka napipilitan ka lang. Okay lang naman.
KARYLLE: Ay sus! Nagtampo pa. Wag ka ngang pabebe dyan. (laughs) Gusto mo bang nagugutom yung misis mo?
VICE: Sabi ko nga. Anong gusto mo, baby?
KARYLLE: Katulad nung kinain mo kanina.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon