ViceRylle

1.2K 61 21
                                    

Kapansin-pansin ang pagbabago sa pakikitungo nila sa isa't isa. Ang dati'y hindi mo mapaghiwalay, ngayon ay daig pa ang may ilog sa pagitan nilang dalawa na pag lumiit ang distansya sa pagitan ay maaaring ikapahamak ng isa. Oo, nag-uusap pa rin sila ngunit hindi na tulad ng dati.

JUGS: Ate, picture kayo ni Karylle! Para sa fans nyo.

Tila walang narinig si Vice at naglakad na patungo sa kanyang dressing room. Naiwan si Karylle na nakatayo lang at si Jugs na may hawak na cellphone.

KARYLLE: Hindi ka yata narinig, Juggy.

JUGS: (kibit-balikat) Tara? Baon ko yung pastries na binili namin ni Andee sa Japan.

KARYLLE: Ay! I want some.

.

.

.

.

.

.

.

KARYLLE: Thank you so much... Happy anniv, Vice!

VICE: Happy anniv!

KARYLLE: Dahil nandito ang mga anak natin, sasabihin ko lang---

ANNE: Nagwawala sila oh!

VICE: Oo.

KARYLLE: May mess--- May Valentine's message ako for you.

VICE: Yes.

KARYLLE: Okay lang ba yun?

VICE: Sure.

KARYLLE: Kahit marami kang ka-something, mananatili akong iyong constant, nandito pa rin... Okay ba yun?

VICE: Ang lakas maka-ano nun ha... (looks at Anne) Kahit daw marami akong ka-something... Ano ako? Pa-raffle? (laughs)

.

.

.

.

.

.

.

Isang tipikal na araw. Kasalukuyan syang nagsscroll sa kanyang timeline, nagbabasa ng mga tweets ng kanilang mga tagahanga. Gamit nya ngayon ay ang kanyang "fan account" para hindi sya mahalata ng mga ito. Ito rin ang kanyang paraan para imonitor ang mga fans nila.

Kinabukasan, energetic na energetic si Karylle na pumasok sa Showtime.

VHONG: Saya natin ngayon, K, ah.

KARYLLE: Kape lang 'to, bruh!

VHONG: Hinay-hinay sa kape (laughs)

Mula sa kinauupuan nya, pinapakinggan at inoobserbahan nyang mabuti ang mga kandidata na kanyang ijajudge ngayon. Kasabay noon ang oras din ng batuhan ng linya ng "bagong loveteam". Dinig ang tilian at pagcheer ng audience sa dalawa.

.

.

.

.

.

.

.

Lumipas ang ilang araw. Noon ay balewala lang kay Karylle ang lahat ngunit habang dumadaan ang mga araw, nagbabago na rin ang nararamdaman nya.

Mega Millenial Ball na. Alam nyang naroon si Vice kaya nagdecide din sya na umattend. Dahil kaibigan rin nya ang ilang organizers ng event, naglakas-loob si Karylle na magpunta backstage para makausap man lang si Vice. Busy ang lahat sa likod. Makeup artists, stylists, hairstylists, models, lahat ay hindi magkamayaw lalo na't ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang fashion show.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon