A/U

2.7K 106 21
                                    

BILLY: Hoy Viceral! Ang tagal mo! Ikaw nalang hinihintay!

VICE: Oo, ayan na! Kita mong ang dami kong bitbit.

BILLY: Maglalayas ka ba?

VHONG: Ang alam ko nga, magbabakasyon lang tayo ng isang linggo sa Ilocos. (laughs with Billy)

VICE: Sige, tawa pa. Dyan kayo magaling eh.

VHONG: Joke lang brad. Hoy Billy! Tumigil ka na nga dyan, baka di tayo ilibre nito.


Makalipas ang ilang oras ng pagbiyahe, dumating na sila sa Ilocos. Sa isang hotel sa Vigan sila nagstay. Ibang klase ang hotel na iyon dahil ang set-up nito ay lumang bahay. Dahil na rin sa kaduwagan ng magkakaibigan, isang kwarto nalang ang kinuha nila para sa kanilang tatlo.

VHONG: Brad, hindi ka pa ba matutulog? Alas dos na ng madaling araw.

VICE: Mamaya nalang. Mauna na kayo ni Billy. Alam kong pagod kayo sa byahe.

VHONG: Sige brad. Goodnight.

VICE: Brad, ano nga pala plano bukas?

VHONG: Tambay muna tayo dito sa hotel. Paniguradong late tayong tatlo magigising.

VICE: Sige.


Nanigarilyo muna si Vice sa veranda ng lumang bahay bago pumasok sa kwarto. Naghilamos muna sya at nagbihis bago natulog.


Maya-maya pa ay nagising si Vice. Wala sya sa kwarto, wala rin ang kanyang mga kaibigan. Tumingin sya sa paligid at napagtantong nakatulog pala sya sa ilalim ng puno ng mangga. Sa di kalayuan ay natanaw nya ang magagarang lumang bahay. Nakita rin nya ang mga dumadaang karwahe.

VICE: Okay. Ilocos pa rin naman 'to. Hahanapin ko na nga muna yung hotel. Baka mabulyawan na naman ako nila Billy.


Naglakad si Vice papunta sa mismong street. Napansin nyang iba ang tingin sa kanya ng mga tao. Nakita nya ang isang babae na naglalakad sa tabi.

VICE: Excuse me, miss? Saan yu---


Nang lumingon ang babae, saglit na napatulala si Vice. Maganda kasi ito. Maputi, may nakapusod ng maayos ang buhok, may katamtamang tangos ng ilong, manipis na mapupulang labi, mapungay na mga mata. Sa madaling salita, maganda ito.

BABAE: Ginoo?

VICE: Ay! Sorry. Ahm, tanong ko lang po kung saan yung hotel? Nandoon po kasi yung mga kaibigan ko. Tsaka saan po may coffee shop dito?

BABAE: Paumanhin, Ginoo, ngunit hindi ko maunawaan ang iyong sinasabi. Ikaw ba ay isang banyaga?

VICE: Hindi. Pilipino ako.

BABAE: Bak---


Sa di kalayuan, may narinig si Vice na sumigaw ng "Katipunero!". Kasabay noon ang tunog ng paghakbang ng mga kabayo. Ang babaeng kausap ni Vice ay nagpanic din.

VICE: Miss, teka!


Susunod sana si Vice nang biglang may humawak sa kanyang mga braso. Mukha rin naman itong Pilipino ngunit parang may lahing banyaga.

LALAKI: Sa wakas! Nakahuli rin ako ng isang rebelde.

VICE: Kuya, mali ka. Hindi ako rebelde!

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon