UNO

64.8K 1.1K 59
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 1

GULAT akong napalingon sa hawak-hawak kong cellphone ng mag-ring ito. Ang kauna-unahang cellphone kong di-keypad.

Napabuntong hininga ako ng makita sa screen nito kong sino ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot.

"Tiya..." unang pambungad ko.

"Oh, iha...nasan ka na?" Tanong niya sa kabilang linya.

Pinagmasdan ko ang nasa labas ng sinasakyan kong bus. Napakunot ang noo ko ng hindi ko alam kung nasaan na ako. Ang nakikita ko lang sa paligid ay ang mga malalaki na nagliliwanag na gusali dahil gabi na.

Ibang-iba ito sa probinsyang kinalakihan ko, napakaingay ng paligid.

"Hindi ko po alam...sa pagkakaalam ko malapit na po ako" sagot ko kapagkuwan.

"Oh siya, sige...nandito lang ako terminal naghihintay sayo"

Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"Opo" binaba ko ang tawag at pinagmasdan ulit ang labas ng bintana ng bus.

Isang linggo na ang nakakalipas at sariwa pa rin sa aking ala-ala ang nangyare sa aking mga magulang.

Sa pagkakaalam ko wala naman silang kaaway. Napakabait nga nila sa mga tao sa bayan na kinalakihan ko.

Bumuntong-hininga ako ng ibinalik ko ang mga ala-alang iyon isang linggo na ang nakakaraan.

Dahil sa naging duwag ako hindi ko naipagtanggol ang mga magulang ko mula sa mga masasamang taong iyon.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit. Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa mga magulang ko.

Pero masuwerte parin ako ng may taong nagmamahal at nag-aalala sa akin. Kahit sa mahabang panahon na walang komunikasyon ang magulang ko sa kanya ay siya parin ang lumapit at nagbulontaryong alagaan ako.

Nabalik ako sa aking tamang pag-iisip ng sumigaw ang konduktor ng bus na dito na ang huling routa ng bus na sinasakyan ko.

Nagsitayuan naman ang lahat ng pasahero at bumaba. Hinintay ko muna na makalabas ang lahat at sumunod ako.

Pagkababa ko ng bus, ingay ng terminal ang nabungaran ko.

Agad hinanap ng paningin ko si tiya sa paligid. Mabilis akong napatabi ng dumaan ang isang lalake sa harapan ko. Hindi man lang nag-excuse si koya!
"Aileeeen!! Ijaaaaa!"

Napalingon ako sa dereksyong tumatawag sa akin. Nakita ko naman si Tiya Gina na kumakaway sa akin mula sa malayo at nagmamadali itong naglakad patungo sa akin.

"Tiya!" Sabi ko at mabilis na binaba ang malaki kong bag at niyakap siya ng makalapit ito sa akin.

"Naku! Aileen! Napakalaki muna!" Sabi niya ng magkahiwalay kami mula sa pagkakayap at iminuwestra ang dalawa nitong kamay. "Noong umalis ako sa probinsya napakabata mo pa pero ito ngayon at dalaga ka na at napaka-ganda pa! Panahon nga naman." Komplemento nito.

Ngumiti lang ako at baka lumaki pa ang ulo ko sa sinabi niya. Hahaha.

"Osiya! Halika ka na!" Kinuha niya ang bag ko pero agad ko namang inagaw ito sa kanya.

Nakakahiya kaya na siya ag magdadala ng gamit ko. At higit sa lahat matanda na ito. "Tiya, ako na po" magalang kong sabi rito.

Tumango ito at iginaya niya ako sa isang mamahaling sasakyan.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt