QUARANTADUE

15.7K 366 24
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 42

HABANG hila-hila ni Dark ang aking mga kamay ay pilit akong nagpupumiglas sa higpit ng pagkakahawak nito sa akin. Kahit na napakaingay ng buong paligid dahil na rin sa mga taong nagpapanic at sa mga putok na nanggagaling sa mga armas nito. Hindi rin naman ako magpapahuli dahil kahit na anong piglas at sigaw ko sa lalaking ito ay parang wala lang itong naririnig mula sa akin.

Like, duh, ang isang dyosang kagaya ko ay iniisnab ng isang lalaking baliw na kagaya niya? Argh!

"Ano ba Dark! Bitawan mo nga ako!" paulit-ulit ko na lang na sinigaw iyon pero para lang siyang bingi at hindi ako pinapansin. At dahil na rin abala siya sa pagpapatumba ng mga hindi ko alam na mga kalaban.

Para nga lang itong walang nangyare sa paligid dahil kung makabaril sa mga taong humaharang sa dindaanan namin ay kalmado lamang ang mukha nito sa pagpapaputok ng baril. At asintadong-asintado ito makabaril dahil sa gitna ng noo ito natatamaan ng mga ito na ikinangiwi ko sa bawat puntirya niya rito.

Nang may maalala ako ay agad na nanglaki ang aking mga mata. Napasinghap ay mabilis kong binaklas ang aking palapulsuhan na hawak niya. Hindi naman ako nabigo dahil nabitawan niya ako. "Si Vianno!"

Kahit na may pagkabaliw rin ang isang iyon ay nag-aalala parin naman ako sa kanya 'no! Pinsan ko pa rin siya.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng humarap ito sa akin at tinutok ang baril sa akin. Para akong malalagutan ng hininga dahil sa gagawin niya. Ganito ba siya kagalit sa akin, sa pamilya ko para patayin niya ako sa ganitong paraan. Hinila lang ba niya ako para patayin ng kami na lamang dalawa ang nandito sa isang madilim na hallway.

Napalunok at ramdam ko ang init sa sulok ng aking mga mata. Kung ganito lang naman sana ayㅡ mabilis akong napapikit at napatili ng kalabitin niya ang gatilyo. Dalawa, tatlong magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa aking tenga.

Mariing napapikit. Hinihintay kong may tumama sa akin at maramdaman ang sakit pero wala. Wala akong maramdaman na kahit ano.

Dumilat, at kinapa ang sarili kong may tama ba ako ng bala. Nang maramdamang wala ay agad akong napalingon kay Dark na matiim na nakatitig sa akin. Hindi pala sa likurang bahagi ko at doon ko lamang naramdaman at nakarinig na lamang ako ng kalabog. Nagtataka man ay nilingon ko ito.

Agad akong suminghap ng makita ang tatlong armadong lalaki na ngayon ay nakabulagta na sa sahig at naliligo na ito sa sariling mga dugo na nanggagaling sa noo nito. Nilingon ko si Dark na ang dilim na ng mukha nito. "Shut the fvck up," malamig niyang asik.

Natulos lamang ako sa aking kinatatayuan. Hindi alam kung ano ang nangyayare. PaanongㅡBakitㅡ hindi ko maintindihan. Binaba ang baril na hawak atsaka ito lumapit sa akin na ikinaatras ko ng bahagya. Dahil sa malalami ang biyas nito ay nahawakan nito ang aking kamay at walang sali-salitang hinatak na naman ako sa kung saan.

"Ano ba! Bitawan mo ako!" Nang mahimasmasan ang aking pagkakatulala ay sigaw ko sa kanya. "Si Vianno! Hindi ko siya pwedeng iwan!" patuloy parin ako sa paghatak pabalik sa aking braso at pagpupumiglas.

"Tsk!"

Ngumiwi ako ng mas dumiin ang pagkakahawak nito sa akin. Naiinis na talaga ako. Makakalbo ko na talaga siya. Pramis.

Palapit na kami sa exit mula sa likurang bahagi ng bahay. Para namang may light bulb ang lumabas sa aking ulo. Bakit ko ba hindi naisip ang bagay na iyon. Ilang linggo narin pala akong naeensayo para lang hindi magamit ang mga iyon? Kahit kailan talaga Aileen, napaka-napaka...dyosa mo kahit kailan.

Sa naisip ay agad akong huminto. Gamit ang aking mga paa kahit naka stilleto ay pinatigas ko ito dahilan para mapahinto ulit siya sa tatahakin niya. Gamit ang malaya kong mga kamay ay hinawakan ko ang kamay nitong nakahawak sa akin at mabilis na pinilipit ito patalikod.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now