CINQUANTAQUATTRO

13.6K 317 3
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 54

PAGMULAT pa lang ng aking mga mata ay ang pamilyar na paligid agad ang aking nakikita. Ang puting kurtina na natatakpan ang nakasaradong bintana, pintuang alam ko na may mga tauhan ni Vianno ang mahigpit na nakabantay.

Kahit na nanghihina ay pilit kong bumangon. Napaungol pa ako ng bahagya ng maramdaman ang pananakit ng aking katawan. Naniningkit ang mga matang pilit na inaalala ang nangyari kanina o kahapon. Hindi ko alam kong ilang oras na ba akong nakatulog na parang si sliping byuti.

Mariing inaalala kong anu ba ang nangyari. Pinupokpok ko pa ang aking ulo maalala lamang ang lahat. Napaungol lamang ako dahil parang tumitibok ang ulo sa aking ginagawa.
Ang naalala ko lamang ay dinala ako ni Vianno sa isang silid na puros puti at madaming mga taong nakalab-coat ang naroon. May kung anu-ano pa silang ginagawa na hindi ko alam roon at yung...yung mga bata. Napasinghap ako. Anong ginawa nila sa mga batang walang kamuwang-muwang, at hanggang doon lamang ang naalala ko. Napasabunot naman ako sa aking buhok. Shit! Ano ba talaga ang nangyayare?

Anong ginawa nila, bakit hindi ko maalala?

Ilang minuto na rin akong nakatulala sa kawalan ng bigla na lamang bumukas ang pintuan dahilan para mabalik ang ulirat ko sa kasalukuyan. Sinundan ko lamang ito ng paningin at iniluwa naman 'nun ang babaeng laging nagdadala ng mga kailangan ko rito, katulad ngayon na may dala-dala siyang tray ng pagkain. Tahimik lamang itong inilapag ang tray sa may bedside table pagkatapos ay yumukod ito at naghihintay lamang sa may gilid na nakayuko't nakatayo. Nasa harapan nito ang dalawang mga kamay na nakadaop sa isa't-isa.

Nagtataka rin ako kung nasaan napadpad ang mga alipores nito. Yung babaeng intsik na laging nakapusod ang buhok nito. Si kesha. Jenny at Aris? Nasaan na kaya mga iyon, bakit hindi ko na sila nakikita rito. Pero sa pagkakaalam ko ay hindi na ito iyong dating mansyon na pinagtirhan ko noon. Kung ganoon saan?

Nang maalala na nandito pa pala ang babaeng tagapagsilbi ay bakit hindi ko nalang itanong sa kanya. Aist! Naturingan pa akong maganda bakit hindi naisip ang bagay na iyon?

Bumuga muna ako ng hangin bago ko gawin ang iniisip ko. Pinagmasdan ko muna siya. Nakayuko lamang ito at ni isang galaw ay hindi man lang magawa. Ganito ba talaga dito. Lahat ng kasaping kulto ni Vianno ay ganito. Immune na siguro sila sa mga ganyanan. Hindi na rin ako magtataka na ni-paghinga nila ay kontrolado.

Kahit na nananakit ang katawan ay gumalaw ako upang maayos na makaupo sa kama at makaharap siya. "Ate..." tawag ko sa atensyon nito. Tignan mo. Ito rin ang sinasabi ko rin e' snob ako sa isang ito eh no'. "Hoy! Ate!" Sinulyapan lamang niya ako sandali pagkatapos ay bumalik muli ito sa pagkakayuko.

"Bakit po, Lady Aileen." Sagot nito.

Napakunot ang noo ko. Pati ba naman sa tuno ng pananalita ay ang lamig rin.

Humugot ako ng hangin, "Itatanong ko lang kung nasaan po bang lugar ito?"

Segundo na ang lumipas ngunit hindi parin ito nagsasalita. Ano ba! Trip ata nitong maging pipe habang buhay 'e. "Ate?"

"Hindi ko po masasagot ang inyong katanungan, Miss. Ang mas mabuti pa ay kainin niyo na ang inyong pagkain at baka ako pa po ang mananagot kay, master."

Imbes na sundin ang sinabi nito ay nakatitig lamang ako sa kanya pagkatapos ay sa pagkain. Parang naiinis tuloy ako. "Hindi ko kakainin iyan hangga't hindi mo sasagutin ang tanong ko."

"Pasensya na po, Miss. Pero hindi po talaga pwede." Ngayon ay napapansin ko na ang pagkabalisa niya. Nanginginig na rin ang mga kamay nito.

Doon ko lang naalala na may mga mata pa lang nagmamasid at mga tengang nakikinig sa silid na ito. Kahit na may pagkabobo ako sa mundong mafia ay may natutunan rin naman ako kahit pansamantalang nakatira ang sa dating mansyon ni Vianno. 

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now