TRENTACINQUE

17.6K 355 20
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 35

HINDI ko na alam ang gagawin ko ngayon. Sa tuwing lalapitan ko siya iiwasan ako nito o di kaya ay abala sa ginagawa. Ano ba kasi ang dinadrama nito.

Hindi ko naman sinasadya ang sinabi ko 'e. Tuloy, snob ang ka-dyosahan bes. Halos magda-dalawang araw na ako nitong hindi pinapansin.

Kapag kunakausap ko tititigan lang ako o kaya ay sasamaan ako ng tingin. Minsan naman ay iirapan ako. Tampo lang siguro ang abnormal.

Kaya heto ako ngayon, nakadungaw sa bintana habang pinagmamasdan ito sa ibaba. Hindi man lang nagawa nitong magpaalam. Aalis kasi ito sa kung saan man lupalop ng Pilipinas.

Malakas akong napabuga ng hangin na nakadungaw mula rito. Nakikita ko pa na kinakausap nito ng seryoso si bebelabs kong si Kidd.

Napapansin ko rin na hindi ko masyadong nakikita si Kidd dito ilang araw na rin ang nakakalipas. Minsan rin ay naabutan ko ito hating gabi na kung umuwi. Nunkang may dala ito parang lagayan ng violin.

Kibit ang mga balikat ko itong isinawalang bahala pero hindi naman ako bobita para hindi mapansin ang sout nito. Para kasi itong magbabasyon sa hawaii sa sout nito. Ang wierd lang nila nitong nakaraang araw. Pramis.

Nabalik lang ako sa aking katinuan ng mapansing nakatingala at nakatitig akin si Dark. Seryoso parin ang mukha nitong nakatitig sa akin.

Bakit ba? Pababain ba niya ako mula rito sa kwartong kinalalagyan ko at susungitan na naman ako ng abnormal na ito? Duh, alam kong maganda ako pero hindi boba.

Napatanga na lamang ako ng makitang nakanguso ang mapupulang labi nitong nakatitig sa akin pagkatapos ay inirapan ako.

Sheeet na malagkit! Ang kyot ni koya.

Sarap kurutin ng singit, bes.

Napasingkit naman ang magaganda kong mata. Ano daw 'yon.

Napunguso rin ako. Balik na naman ito sa pagkausap kay Kidd.

Kahit hindi marinig ang pinag-uusapan nila ay nababasa ko ang ibang salita nito sa bawat bigkas ng mga labi nito.

"Gurl, matunaw 'yan." komento naman ng katabi ko ngayon. Nilingon ko ito at sinalubong ako ng mapanuksong ngisi ni Talia.

"oy, hindi 'a." tanggi ko.

Nakakainis lang kasi. Hindi pa ako pinapansin ni Dark. Nakakaguilty tuloy dahil sa sinabi noong nakaraang araw.

Gusto ko lang naman ma-celebrate ang pasko kasama siya ang mga bago kong pamilya rito.

Narinig ko itong bumuntong-hininga, "you know what, just understand him na lang Aileen. Alam mo naman what his been through all his life, diba?" pagpapalubag loob nitong aniya. Nasa mukha nito ang malunkot na ekspresyon.

Naagaw naman ang atensyon ko sa likod nito. At gusto ko na sanang matawa dahil sa pagm-make-face nito sa tuwing magc-conyo si Talia. Gusto ko na sanang matawa pero pinigilan ko na lamang dahil napakaseryoso pa naman ng trip ng isa.

"So, ganito na lang Aileen. Para hindi ka na mabored dito sa house, why not goin' out and have a shopping!" mababakas sa mukha nito ang excitement.

Si Psyche naman sa likod nito ay nakabusangot na. Nasa dulo ito ng kama nakaupo at nakangiwi sa inasal ni Talia.

"Why not goin' your ass alone, Talia. Hindi iyong isinasama mo si Miss Aileen sa pusang gala mo?" asik ni Psyche.

Wow, ako lang ba o ngayon ko lang napansin na nakikisabay na si Psyche saamin. Kasi nga, minsan lang ito kung magsalita o di kaya wala itong pake sa paligid hanggat may nilalantakan na pagkain. Ngayon kasi ay wala ni kahit anong candy o chichirya sa bibig nito.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now